Rage 6. Old School

Începe de la început
                                    

"Clariz!! Gumising ka clariz!!" Hinanap ko ulit ang boses ni cheldon pero hindi ko sya makita.

May bigla nanaman ulit lumitaw na bagay at nagulat ako ng makita ko ang sarili ko sa madaming salamin na nakapalibot sa akin.

"Tama na!" Sigaw ko ulit pero ayaw akong tigilan ng sariling ako habang nakangiti sya sakin.

"Clariz!! Clariz!!"

Napadilat naman ako ng mata ng maramdaman ko ang malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.

Si C-cheldon??

Agad ko naman syang natulak sa bigla dahil hinalikan nya ako.

"A-ano bang g-ginawa mo" nauutal kong sabi sabay kagat sa labi ko.

Lumapit ulit sya saken at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Are you alright? Ha clariz?" Concern nyang sabi habang nakatitig sa mata ko.

Narealized kong nandito na ulit ako sa storage room, nilibot ko ng tingin ang kwarto at may nakita akong basag na glass cylinder at parang natapon yung laman. Tinignan ko ulit si Cheldon na may pagtataka,

"A-anong nangyare?" tanong ko pero bigla nya lang akong hinila at niyakap.

"Buti naman nagising kana. . Nakalanghap ka ng LSD kung saan maari kang mag hallucinate at pilit sinisira nito ang isip mo. . Mahihirapan kang huminga at mamatay ka clariz"

Humiwalay na sya sa yakap at pinasuot ako ng jacket nya, nagulat ako ng bigla nya akong buhatin na bridal style.
Napatitig tuloy ako sa seryoso nyang mukha. Nakatingin lang sya ng deretso at poker face.

Ngayon ko lang natitigan ng maayos si Cheldon, noong huli kong kita sa kanya mahaba na uzzlang style ang buhok nya na blonde at maraming piercing sa tenga. Pero ngayon nag matured na ang itsura nya, malinis na syang tignan at mararamdaman mo ang presence nyang nakakatakot.

Ang pagkakaalam ko noong namatay si Charlie hindi na din sya nagpakita at sya ang pinagbintangan na pumatay sa sarili nyang kapatid.

Hindi ko alam kung ano ang kailangan nya sa akin at kung bakit kailangan nya pa akong itago. Pero hindi ko magawang tumakas dahil sya ang nagligtas sa buhay ko at wala na din akong mapupuntahan.

"Wag na wag kana ulit babalik sa kwartong iyon kung gusto mo pang mabuhay" sabi nya sa mababang boses. Hindi ako makapanlaban sa kanya dahil nanghihina ang katawan ko.

Naramdaman ko din na nanlalamig ang buo kong katawan at pinagpapawisan ako.

Hinatid nya ako sa kwarto at hinubad na ang jacket nya saken.

"You need to rest" sabi nya at pinahiga na ako sa kama. Tinignan ko lang si Cheldon na inaayos ang kumot ko at sinundan ko sya ng tingin ng lumabas sya ng kwarto.

Pagkasara ng pinto ni Cheldon napabangon ulit ako para maupo at tumingin sa salamin na katabi ko.
Nakita ko ang sarili kong nanghihina, napaiwas agad ako ng tingin sa salamin at napahawak sa mukha ko.

"Ako ay ikaw. . Ikaw ay ako"

Napaangat ako ng ulo ng maalala ko nanaman yung hallucination ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayare saken. . Tumingin ulit ako sa salamin na kaharap ko. .

And I see myself grinning. .

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
Rage of Death (On going) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum