Special Chapter (The choosing)

18.7K 313 10
                                    


Dahil marami ang nagtataka kung paano pumili ang mga guardians sa tamer nila..

here's a special chap..

Imagine this LOA angel Themis In one color, white as Light and Black as Dark.. :)


---------------------------------------------------------------------------------------

Third Person's POV


"Dark, nakapili kana ba ng Tamer mo ngayong taon?" tanong ng kambal niyang si Light. Hindi naman sumagot si Dark sa kanya pero may tinitingnan siya sa kanyang bolang itim na kung saan pinapakita ang mga batang bagong silang sa ganitong taon at buwan.


Sa isang taon, sa isang buwan pumipili ang mga guardian ng kanilang magiging Tamer. Ang pagpili sa kanilang Tamer ay naka dependi sa aura na pinapalabas ng sanggol sa araw ng kapanganakan nito.


Ang aurang iyun ay nagbibigay ng mahalimuyak na amoy na kung saan, maamoy at magugustuhan ito ng mga guardian. Kasama sa amoy na iyun ay ang paglabas din ng kulay ng aura kung saan ay makikita ng mga guardian kung sa kanila ba ang bata o hindi.


Pero naka- dependi pa din sa guardian kung bibigyan niya ito ng kapangyarihan o hindi. kailangan lang naman ng isang katangian na gusto ng mga guardian para mapaamo sila.


"Ilang araw mo nang tinitingnan ang batang iyan," sambit ulit ni Light kay dark pero hindi pa din nagsasalita si dark.


"Sana naman sa pagkakataon na ito tamang bata na ang mapili mo." huling sambit ni light bago siya naglakad paalis sa silid ni dark.


Sa kanilang lahat, ang mga tamer ni dark ang palaging nagsisimula ng gulo. Hindi nila alam kung bakit laging ganun pero naiintindihan naman nila na hindi iyun ang gusto ni dark.


Nagsimula lang naman ito noong medyo bata pa si dark at puno ng kasiglahan. May isang batang ipinanganak noong buwan na iyun at nakita niya iyun sa bola niyang itim, lumabas ang aurang itim at ang mahalimuyak na amoy. At dahil hindi pa alam ni dark kung paano makokontrol ang kapangyarihan niya.


nabuhos niya lahat ng negative vibes sa batang iyun ng hindi niya nalalaman. Ang akala niya noon ay tama ang ginagawa niya at huli na ng malaman niya na mali pala.


ang pagbibigay noon ng kapangyarihan sa mga taong naitakda sa kanila ay bahagi para maging balanse ang undo na ginagalawan nila. Pero simula ng naging malaki ang batang iyun at naibigay na ni dark ang kapangyarihan niya.


Doon nagsimula ang gulo sa mundong iyun,. at para hindi masira ang balanse ng mundo ay naghahanap ng mga deserving na bata ang mga guardians para mapatigil ang tamer ni dark. At doon na din nahati ang mundo na pinamumunu-an ng mga magigiting na tamers na nagbalik sa balanse ng mundo.


Pero dahil sa may ilang nka survive sa gulong iyun at nagbunga dumadami ang mga tamers na merong galit sa mundo at sa mga magigiting na tamers na iyun. Hindi naman kasing maaaring hindi magbigay ng kapangyarihan ang mga guardians dahil magreresulta ito sa kawasakan ng mundo nila.


Mag- oover- power sila at sasabog dahil sa labis- labis na kapangyarihan at dahil sila ang guardians,. madadamay ang mga taong namumuhay sa mundong iyun.


"Sana, tama na ang batang ito." mahinang sabi ni dark habang pinapanood niya ang batang si dev na naglalaro sa bakuran nila sa bundok.


Limang aurang makukulay ang nakikita niya at napakamabangong amoy ang nalalanghap niya na mula sa katawan ng batang si dev. kasama na ang aurang itim na bumabalot dito.


Sa paglipas ng mga araw ay hindi tinitigilan ni dark ang pagbantay niya sa batang si dev. Sinisigurado niyang mabait, maalalahanin, at mabuti ang batang ito.


Pinapabaya-an lang naman nila light, fire, water, earth, wind si dark sa ginagawa niya. hanggang sa dumating ang araw ng pagbibigay, na sa sobrang kagalakan ni dark ay nauna siyang bumisita kay dev at naganap ang lahat ng mga naganap.


--------------------------------------------------------------------------------------------------

Here I hope na ok na ang explaination ko dito?? hehehehe',. do comment and vote guys',. :)


Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon