T6

27.5K 773 13
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakapag drop out na nga kami ni sky sa school namin at ayun tuwang tuwa ang mga estudyante doon. Lalong lalo na sina janine at ang mga alipores nya, kasi wala ng weird at freak na makikita doon. Sinabi nalang ni tita na mag.iibang bansa kami.

Dalawang linggo din kaming nagsanay ni sky. Ang masasabi ko lang nakakaubos ng stamina. At ang malala pa minsan kinikidnap ako ni itim at tinuturuan ng mga dark spells. Nagiging training ground namin ang kawalan. Minsan nga pinapanood kami ng mga guardians. Ang sabi pa nga ni fire ako lang daw ang nag.iisang tamer na super close kay itim. Bihira lang daw kasi yang maging ganyan. Nagpapasalamat nga sila sakin dahil palagi na daw tumatawa at ngumingiti si itim di tulad noon na ang mga ngiti at tawa nya ay nakakatakot.

Ginagawa nya akong clown. Di ko alam sa babaeng yan, di naman ako pikon pero madaling nauubos ang pansensya ko sa kanya.

Tinuruan din ako ni light ng mga light spells, mga pangontra daw sa dark. Nag.one on one pa nga kami ni dark at light minsan. At ayun palagi akong talo sa kanila ginagamot lang ako ni water pagkatapos ng laban. Pero ang sabi nila umi improved na daw ako.

Minsan nga sa sobrang pagod nakakatulog ako sa pag.eensayo namin ni sky. Parati nya nga akong binabasa ng tubig nya para magising. Sinasabi ko na din kina tita at sky kung bakit minsan nawawala ang katawan at presensya ko sa loob ng bahay.

Ayun nagta.tantrums tong si sky, kasi naman habang nag du duel kami ni sky kinuha na naman ako ni itim. Kaya sigaw ng sigaw si sky. Eh, itong si itim natutuwa daw sa pagwawala ni sky. Sa kalagitnaan ng pagwawala ni sky nagpakita kami ni itim ayun tulaley si sky pati nga si tita eh.

Di pa nga sila maka get.over noon eh. Si itim naman niloloko sina sky at tita na papatayin daw nya, nanginig nga noon kaming tatlo kasi akala ko totohanin nya yung sinabi nya, buti lang nga at dumating yung kambal nyang si light at pinigilan sya. Ayun tumawa lang si itim at sinabing kj daw ni light, kasi jowk lang daw nya yun.

Minsan nga nanonood samin ang mga guardians. At kinokorek nila kami kapag mali yung ginagawa namin. Naka nganga lang nga si tita noon sa gilid dahil di sya makapaniwala na nakikita nya ng harap harapan ang anim. Si water lang kasi noon ang nakikita nya. At first time daw nila ni sky na makita ang iba pa. Di kasi noon nagpapakita ang ibang guardians kapag di yun ang kanilang tamer.

Minsan nga si itim nakikipag home-crash samin eh. Si tita lang nga yung tuwang tuwa kasi may guardian daw na tumitira sa bahay nya kulang na nga magpa autograph pa sya eh. Si sky minsan iniinis ni itim pero minsan magkasundo sila ni itim sa pag bubully sakin. Minsan nga maging si light nakikipag home - crash din kasi binabantayan nya yung kambal nya baka daw mapasobra at kung anu pang mangyari.

Gaya nalang ngayon, nakikipag home-crash na naman tong si itim. Tinatanong nga namin kung ba't nya ginagawa to ang sabi nya lang gusto nya lang maranasan kung papano maging katulad namin at sumaya. Kaya habang may pagkakataon sya ginagawa nya.

Sa ngayon nag iimpaki na kami ni sky ng mga gamit namin papuntang magic realm.

"Anu ba tong mga damit mu bata. Ang papanget! Sunugin ko kaya?"

"Hoy..hoy.. Itim wag mung sunugin edi wala na akong mga damit nito." pag.aagaw ko dun sa ilang damit ko na hawak hawak nya.

"Eh? Bumili kanalang bata..diba sky?" pakindat kindat pa ni itim kay sky na sinang.ayunan naman ng isa at sabay pa silang tumawa.

"Aish.. Bahala kayong dalawa dyan. Bababa na ako!" pagmamaktol ko sa dalawa matapos kong inayos ang lahat. Tumatawa padin yung dalawa hanggang sa makababa na kami.

"Oh, ba't nakabusangot ka dev?" tanong ni tita zoe sakin pagkakita nya.

"Si itim kasi at si sky tinatawan ako tita. Di ko nga alam kong bakit eh." pagsusumbong ko kaya ayan lalong lumakas at tawa nina itim at sky sumali pa tong si tita.

"Hahaha.. Oh sya, isilid nyo na yang mga maleta nyo sa compartment ng kotse at sumakay mahabang habang byahe din to.

Ayun sumakay kaming dalawa ni sky sa kotse di lang pala kaming dalawa ni sky pati na din tong si itim.

"Oh, ba't ka sumakay itim? Di ka pwedeng makita doon." pagtataboy ko sa kanya. Nakaupo kasi sya sa frontseat si tita nasa driver's seat at kami ni sky sa likod.

"Eh.. Gusto kong maranasan sumakay dito eh." pagmamaktol at pa pout na sabi ni itim samin.

"Pfffttt.. Di bagay sayo ang pag pout itim. Hahaha', wala sa itsura.." natatawang sabi ko sa kanya kinuha nya naman yung salamin ni sky at nagpouy sa harap nun.

"Di nga bagay sakin!" tumawa nalang kami sa loob ng kotse at bumiyahe na. Pumasok kami sa isang portal at dire diretsong bumibyahe. Nakatulog na nga si sky sa tabi ko at si itim kinakain nya yung nova ko na malaki.

Anu kayang mangyayari samin ni sky doon. Sana magiging ok lang ang lahat.

"Matulog kana bata malayo pa ang pupuntahan natin. Paggising mu di mu na ako makikitang kasama nyo. Tandaan mu lang nandito ako at kami sa likod mu. Goodbye for now and sleeptight, tamer of the guardians.

Yun nalang ang narinig ko mula kay itim at nakatulog na ako.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon