T27

22.3K 593 3
                                    


3rd person's POV

sinimulan na ng mga sc ang kanilang mission. Tagumpay sina sky at ang iba na kolektahin at lagyan ng mga barriers ang mga mamamayang buhay na naabutan nila.

Habang ang grupo naman nina grey at est ay naglalaban na sa mga dark mages.

Napalabanan na din sina sky sa mga gustong sumugod at pumatay sa kanila.

Ang mga dark mages ay mga nilalang na kagaya nila pero mga rebelde. Mga outcast sa magical realm ang turing sa kanila.

Mga halang ang mga kaluluwa ng mga dark mages. Wala silang ibang ginawa kundi makipag patayan at gumawa ng mga masasamang bagay sa paligid nila.

May mga malalakas din na mga dark mages kaya di nila ito mapapabagsak agad agad.

Matapos ang ilang oras ng pakikipag laban nanalo din ang mga sc. May iilang sugat at pasa din sila. Pinasalamatan sila ng mga taga raven's claw.

Nang makabawi sila ng lakas ay agad din silang nagpaalam at bumalik ng academy.

***************

Headmaster's POV

Nakaupo ako sa harap ng mesa ko habang iniisip kong paano namin makukuha sa gubat si dev ng biglang nakaramdam ako ng dalawang presensya sa paligid. Isang mysteryoso at isang aurang kilalang kilala ko at ang alam ko matagal na siyang patay.

"Tanda!!!!!" bigla akong napatayo at nagalak ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

"Dev, ikaw ba yan? Kamusta kana jan? Asan ka? Okay kalang ba diyan?"

"Whoa.. Easy lang tanda.. Isa isa lang pwedi? Hehe.. Ok, buhay ako, okay lang ako sa katunayan may surprisa ako sayo at nasa labas ako magteteleport lang kami diyan. See yah tanda.. Hehehe.."

Ilang segundo lang may lumitaw na dalawang nilalang sa harap ko. Isanh naka itim na cloak at isang naka maroon.

"Helo tanda.. Hehehe!" agad akong pumunta sa kanya at niyakap siya. "Mabuti naman at nakalabas ka dun." sabi ko ng bumitaw ako sa kanya. Para na rin kasing anak ko na amg turing ko sa kanya.

"Ako pa tanda.. Oy hah, na touched ako noong sinubukan niyong sirain ang barrier. Hehehe.. Ay nga pala tanda. Ito surprisa ko. " sabay turo sa babaeng kasama niya na pamilyar ang mukha.

Teka.. Kilala ko to eh. "Grecil??" gulat na tanong ko.

"Ako nga griffin.. Bilib ako sa bata mu griffin akalain mu yun alam niya kung nasaan ako at kung sino ang may gawa ng pagkakakulong niya. Hahaha..."

"Kung ganun?-" ..

"Oo tanda.. Si tandang grecil ang may gawa sakin non. Wala atang maggawa sa buhay niya. Ayan ako ang napagdiskitahan niya. " sabad naman ni dev samin.

"Geh tandang grecil.. Tanda..aalis na ako. Nagugutom na ako eh, si itim kasi puro gulay pinapakain sakin dun sa gubat eh nakakasawa. At saka.. Alam ko na kung nasaan sila.. Hehe, sensya tanda binasa ko na isip mu eh. Bye.. Bye.. Happy reunion sainyo mga tanda.. Ciao!!" mahabang sabi nito samin at agad na tumakbo palabas sa office ko. Di pa naman ako nakakapag salita. Ang batang iyon talaga.

"Makulit ang batang yun. Pero sa likod ng masasayang mukha niya natatago ang malungkot at basag na puso niya." sambit ni grecil ng makalabas na si dev sa pinto.

"Tama ka grecil, ang kalungkutan at sakit ang kahinaan ng batang iyon." napangiti lang ako ng mapait.

********************

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon