T4

27.8K 732 16
                                    

Sky's POV

Napakaboring ang araw ngayon.

Simula pa lang umaga hanggang matapos ang klase parang wala kami sa sarili ni dev.

Di na nga namin napapansin ang sa paligid namin kanina. Parang mga hangin lang sila samin.

Kailan kaya ako makakakuha ng powers?, ang sabi kasi ni inay. Kapag lumitaw daw yung tatak sa balikat ko magkakaroon ako ng powers. Pero kapag walang lumitaw na tatak ibig sabihin normal akong tao.

Sinabi na lahat samin ni inay ang tungkol Sa mga mahika. Kaya di na kami magtataka kung makakakita kami nito sa di ka aya ayang lugar.

Water element kasi si inay at itay kaya malamang sa malamang water din ako at na confirm namin yun ng lumabas ang tatak ko sa balikat ko. Isa itong dragon at may maliit na star sa harap ng bibig nito magiging blue lang ito kapag nasagawa na daw ang ritual between the tamer at guardian. Nagtataka nga kami ni inay sa tatak at itsura ng kay dev eh. Yung sa kanya sa likod na bahagi ng balikat nya at meron itong espada na pinaluluputan ng dragon at anim na maliit na bituin na nakapalibot dito. Malalaman lang daw namin ito kapag nakapasok na kami sa paaralan sa ikalawang dimensyon. Ang lugar kung saan dapat kami nararapat.

Matutulog na ako ngayon.. Gabi na rin kasi.

---------------------

"Sky?" eh? Napalingon ako sa likuran ko at bumungad sakin ang magandang babaeng naka asul.

"Teka nga.. Diba natutulog ako? "

Mahina kong bulong sa sarili ko

"Hahaha... Oo natutulog ang iyong katawan, handa kana sky? Gagawin na natin ang ritual." napanod nalang ako sa kanya. Lumpit na sya sakin at hinawakan ang aking tatak sa balikat.

"I, the guardian of the water realm, give my strenght, knowledge and power, to this girl, my tamer!"

Pagkatapos nya itong sabihin ay nakaramdam ako ng hapdi sa aking balikat at enerhiyang dumadaloy dito. Nanghihina ako pagkatapos nun.

"Matulog kana ulit sky, goodluck!" yun nalang ang huli kong narinig at all went black..

**************

Dev's POV

"Anu na naman ang kailangan mu itim? "

"Aba.. Itim lang ang tawag mu sakin bata? Naaaliw talaga ako sayo."

"Ba't ba kasi kung saan tulog na ako duon ka nakikipagkita sakin?" inis na sambit ko.

"Eh.. Ba't ba kasi kung saan ako makikipagkita sayo tulog ka?" balik tanong nya sakin. Napatingin ako sa kanyan ng masama at humalakhak lang sya.

"Makinig ka bata, di biro ang pagiging tamer ng anim na makapangyarihan. Dapat handa ka sa anumang bagay. Isipin mu din na hindi ikaw lang ang humahawak ng kapangyarihang yan. Ang apat na elemental guardians ay binigyan o bibigyan ka ng kalahati at ang kalahati ay nasa iba. Binigay ko sayo ang 3/4 na kapangyarihan at ganun din ang ibibigay ng kambal ko na si light sayo. Nandito kaming anim para sayo bata, tutulungan ka naming magamit at mapalakas pa iyan. Swerte ka at anim kaming napaamo muh. Yung iba hanggang dalawa lang. Sana kayanin mu dahil kung hindi ikaw ang cocontrolin ng kapangyarihan muh. Marahil nagtataka kung bakit ko to ginagawa. Tandaan mu bata di porke't dark ang hawak ko eh masama na ako, nasa humahawak yan. Nga pala bata, darating ang tatlo ngayon kaya maghanda handa kana."

"A-anu?? Sshhiiitt.. Ka talaga itim, agad agad??" pagproprotesta ko sa kanya.

"Hahahaha.. Nakakatuwa ka talaga, hahaha.."

"Dark" napahinto sa pagtawa si itim ng makita ang tatlo. Isang babaeng nka asul, lalaking naka green at babaeng naka silver.

"Ready na yang batang yan simulan nyo na." napatingin nalang ako ng masama sa kanya.

"Haha.. Focus ang relax bata. Hahaha.." dagdag pa nito.

Shiitt lang.. Kinakabahan ako eh..

Nilagay ng babaeng naka kulay asul at lalaking naka green ang kanilang palad sa tatak ko at hinawakan naman ng babaeng naka silver ang mga kamay ko. Alam ko tong ginagawa ng nakasilver ganito din yung ginawA ni dark sakin dalawang proseso tong sa kanya eh. Pinatibay ni dark ang shield na nakapalibot dito sa kalawan para di maapektohan ang lugar kung nasan ang katawan ko. Alam ko na kung bakit nag aapoy ako ng itim noon dahil sa nag.iisa lang si dark noon at sya lang ang may kakayahang makapag shield sa kawalan at makapagtibay nito.

"I, the guardian of the water/earth realm. Give my pure/all strenght, knowledge and power. To this girl..my tamer!"

Sabay nilang banggit. Nararamdaman ko na ang kanilang mga enerhiya pati nadin ang kay light na nasa kamay ko. Sari saring sakit, at hapdi ang nararamdaman ko sa balikat ko. At parang matutumba ako. Kitang kita ko din ang pagpipigil ni dark ng shield para wag mabasag. Natapos na ang dalawa kay light nalang.

Nilapat na nya ang kanyang palad at sabay sabi ng ritual.

"I, the guardian of the light realm give my all strenght, knowledge, power and assurance to this girl, my tamer and the tamer of the guardians."

Pagkatapos nya yung sabihin ay bumuhos ang napakaraming enerhiya at di ko na napigilan ang sarili kong di makasigaw kasabay nun ang pagliwag ng buong katawan ko.

"Now, tamer of the guardians.. Rise and shine among thee!" sabay sabay na sabi ng anim na guardians ko.

"Sleep now our tamer.." yun lang at all went black...

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon