T22

21.5K 534 0
                                    


This chapter is dedicated to ms. Trisha "tanya" pelobello. Thank you for reading and supporting my story.

Keep it up. Godbless..

Please support.. Thanks!! Lovelots people!.

**********************

Dev's POV

"Hello people!!! Goodmorrrr- ning??" sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko sa tent ko. huh? Ba't walang tao dito? Bakit nag.iisa nalang yung tent ko?

"Oy, wag nyo nga akong lokohin. Magpakita na kayo guy's.. Yoohooo...!!" sigaw ko sa kanila pero kahit isang tawa o anu wala akong madinig. "Shit!" ayan napa curse na tuloy ako.

Kinakabahan na ako baka anu na ang nangyari sa kanila ngayon.

Pero kung may nangyari man sa kanila dapat naramdaman ko yun at tsaka walang nereport sakin ang mga familiars ko.

Tinatagan ko ang sarili ko at naglakad na. Shit, ayaw ko mang paniwalaan ang nasa isip ko pero yun ang naramdaman ko.

Pero di yun magagawa sakin ni sky. Parang kapatid na ang turingan namin. Di niya ako pababaya.an. di niya ako kayang saktan ng ganito at di nya ako kayang iwanan. Hindi!! Di ko alam pero tumutulo na ang mga luha ko habang naglalakad ako.

Iniwan na nga ako ng pamilya ko pati ba naman si sky ay iiwan din ako? Anu ba ang nagawa kong mali? Bakit ganito? Masama na ba akong tao? Bakit palagi nalang akong naiiwan?. Bakit??. Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko habang naglalakad pa din ako.

*boogghhhsss

"Aray!! Huhu.. Bwesit!" nasasaktan na nga ang aking puso pati ba naman ang aking tuhod. Lintik lang pre ang sakit hah.. Ayan pesteng luha kasi tumutulo pa. di ko tuloy nakita ang isang ugat na nakausli. Nadapa lang naman kasi ako mga pre.

Patayo na ako ng mapansin ko ang isang bahay na katamtaman lang ang laki. Tinakbo ko ito kahit masakit pa ang tuhod ko. Kumatok ako at sumisigaw pero mukhang wala ng tao.

Pinihit ko ang pinto at nakabukas pala ito. Pumasok ako sa loob, walang ka tao tao. Pumikit ako at pinalabas ang puting usok sa katawan ko. Naglalakbay ito sa paligid ng bahay. Isa ito sa mga tinuro sakin ni light. Smoke sensing ang tawag dito. Ang puting usok na ito ay maglalakbay sa paligid. Kaya nitong malaman kung may mga nilalang ba o wala. Pwedi din itong maging poison or maging pampatulog lang.

Walang na sesense ang usok sa loob ng bahay. Kaya pumunta ako sa ibabaw ng bubong ng bahay umupo ako duon at nagconcentrate.

Gumawa muna ako ng isang hazard barrier sa paligid ng bahay at ibabaw nito para walang mang-iistorbo sakin. Pagkatapos pumikit ako at pinalabas ang napakaraming puting usok. Pinagapang ko ito sa iba't ibang bahagi ng bulwark. Nakakaubos ito ng enerhiya at stamina pero kailangan ko tong gawin upang masiguro ko ang hinala ko at para di na ako umasa pa.

Ilang oras ang lumipas at natapos ko na rin. Lupaypay at laglag balikat akong pumasok sa loob ng bahay. Di ko akalaing iiwan nila ako dito ng basta basta lang. Di ko akalain na iiwan lang ako ni sky. Di ko akalaing magagawa niya iyon sakin. Tumutulo na naman ang mga luha ko. Umiyak ako ng umiyak. Di na ako makapag.isip pa ng mabuti. Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa kaka iyak.


*****************

Est's POV

Di ako makatulog kagabi sa kakaisip kay dev. Kung okay ba sya doon, kung nakakain na ba sya, kung nakatulog ba sya ng maayos.

Ang tanga ko talaga ba't ko kasi hinayaan yung mangyari. Ako ang pinuno ng council. Pero wala akong nagawa nung mangyari yun. Wala, i'm useless.. F*cking useless.. Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sakanya. Papatayin ko talaga ang gumawa nun.

***************

Sky's POV

"Sky.. Magiging okay din ang lahat. Magtiwala lang kayo kay dev."

"Sana nga samir, sana makuha na namin si dev." nakasakay kami sa aming mga dragons. Papunta kaming bulwark ngayon kasama sina headmaster, lolo greg ang ibang mga school staff ang sc at ilang estudyanteng makakatulong samin. "Konting tiis pa dyan dev. Andyan na kami para sayo."

---------

Nakarating na kami dito sa harap ng bulwark forest. Isa isa na kaming pumwesto at naghanda.

Simula noong isang araw tina try nina headmaster na makipag communicate kay dev pero hinaharangan daw ng barrier ng gubat.

"Everybody's ready?? On three.. One, two, three..!!" sigaw ni headmaster. Sabay sabay kaming nagpalabas ng maraming enerhiya at pinatama ito sa barrier. Pero sadyang matibay talaga ito.

"Kaya pa ba??" sigaw ulit ni headmaster kaya napa ok sign kami sa kanya. "Ibuhos na ang lahat, kaya nathin to!!" sigaw niya ulit kaya itinodo na namin ang lahat ng lakas namin. Nagcra crack na ito pero bumabalik ulit sa dati.

"Nooo...!! Dev!!!!" sigaw ko, kahit alam kong di niya ako maririnig. "Devvvvv!!!! Bullssshhhiiittt... Aaaahhhhhhhh!!!" atake ako ng atake sa barrier habang lumuluha.

"Sky.. Tama na..tama na..." pag aalo sakin ni ate april. Tiningnan ko silang lahat. Nakayuko sila at may mga luha sa mga mata nila.

"No!! I'll save my bestfriend!! I promised her!! I promised her!!" sigaw ko sa kanila. Pinabayaan lang nila akong gawin ang gusto kong gawin. Atake ako ng atake sa barrier.

"Aaahhhhhh!!!" sigaw ko sabay ng pag atake ko kahit nanghihina na ako. "Samir tulungan mu ako!!" sigaw ko sa dragon ko. Napatango lang sya. Gamit ang natitirang lakas ko sabay kaming umatake ni samir.

Habang nanghihina ako nakita ko yung mga kasama ko at sina headmaster at ang kani kanilang dragons ay sabay sabay na umatake.

Nakaramdam kami ng tuwa nang makitang unti unting nababasag ang barrier. Not long enough ng mangalahati na ito ay nabuo ulit.

"Paksheetttt!!!" malakas na sigaw naming sc. Halos mamatay na kami sa pagbasag pero anu? Nabuo lang ulit. Peste yan na barrier.

"Wala ng pag.asa..bumalik na tayo sa academy." malungkot na sabi ni headmaster. Kahit nalulungkot ay tumango lang kami at sumakay sa dragon. Lumingon muna ako sa bulwark forest bago tuluyang umalis at tumutulo ang aking mga luha.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon