T9

24.9K 710 7
                                    



Dedicate ko tong chapter na to sa kanya kasi siya yung unang male reader ko na alam ko? hehehee.., Thanks again :)

----------------------------------------------------------------------------

Sky's POV

Papunta kami ni dev sa cafeteria. Maraming mata ang nakatingin at sumusuri sa amin.

Di ako maka get-over sa planu ni headmaster kanina. Parang sasabog na ako sa tawa mabuti nalng at nakayanan kong pigilan. Ang galing talaga naming umarte.

Kasi naman ang sabi ni headmaster samin. Kailangan naming umarte na seryoso. Sinabihan nya din si dev na magpalabas ng nakakatakot na aura pag nasa pasilyo na kami malapit sa classroom namin at tinago ni dev yung aura ko at nya ng makapasok na kami sa loob. Di ko nga alam kung panu nya yun nagawa eh.

Ang eepic ng mga mukha nilang lahat kanina. Pffffttt.....

"Hoy sky, wag mung pigilan baka sa ibang bahagi mu yan mapalabas!"

"Pfffttt.. Hahaa... Ang... Hahaha...e-epic ng hahaa... Mukha nila ..hahaha kanina hahaha..."

"Ok, tama na yan sky.. Pinagtitinginan kana dito." eh? Napahinto ako sa pagtawa. Nakatingin nga sila sakin akala siguro nila nababaliw na ako dito.

Nagpatuloy lang kaming naglalakad ni dev papunta sa counter at kumuha na ng pagkain. Umupo kami agad sa bakanteng mesa sa gilid ng malaking cafeteria.


Kumakain na kaming dalawa dito ng tahimik ng biglang nagsitilian ang mga babaeng nasa loob ng caf.

OMG ANG GAGWAPO TALAGA NILA

SWERTE KAPAG NAPUNTA KA SA SC

ANG CHARMING NI RAINE.. KYAAHHH

OH MY PAPABLE DRAKE

ANG HOOOTTT NI GREY

SHITT ANG POPOGI NYO JOHN AT ZACH

KYAAAHHHH

Putcha na mga babae dito ang sakit sa tenga. Akala ko sa human world lang ang eksenang ito. Pati din pala dito sa magical realm meron din.

Haist akala ko pa naman kung sinong artista ang dumating. Yung mga kaklase lang pala namin. Gwapo nga sila pero wala kaming pakialam ni dev. Makakain lang nga.

**********************

Raine's POV

Hi, raine here 17 yrs old. Air element tamer.

"Ang weird lang nung kanina." napatingin kaming lahat kay johan ng sabihin nya yun.

"Bakit mu naman nasabi yun johan?" tanong ni drake.

"Kasi kanina di ko mabasa yung nasa isip ni dev, at yung kay sky may pumipigil." mind-reader, teleportation at healer kasi tong si johan.

"May pumipigil din sa aura ni sky. At yung kay dev di ko masense ang aura at power nya." sabi naman ni zach isang lightning tamer.

"So pare pareho pala tayo ng nararamdaman kanina. " elise isang levitator at witch.

"Siguradong may tinatago yung dalawang yun." marie isang telepath at thorn manipulator.

"Hai... Nakakagutom na to guy's huh!" pag iiba ko ng topic.

"Tara punta na tayong caf." pag. Aanyaya samin ni drake.

"Mauna na kayong mga lalaki sigurado pagguguluhan na naman kayo!" pagtataboy naman ni elise samin.

"Syempre ang gwapo ko kasi." pagmamayabang ko.

"Gago anong ikaw? Ako kaya." sigaw ni drake sakin. Syempre paptalo ba ako? No way highway men..

"Titigil ba kayo o susunugin ko?" napatigil kami ni drake ng marinig namin si grey. Napalunok pa nga kami dahil sa kaba eh. Seryoso kasi ng mukha at parang may malalim na iniisip.

"Good" okay, tahimik kaming naglalakad papasok sa caf ng biglang magtilian ang mga kababaehan dito..

Nagpatuloy lang kami sa pag lakad papuntang counter at kumuha ng mga pagkain at umupo kami sa mesang medyo malapit sa mesa nina sky at dev.

"Johan.. Try mu ngang basahin yung iniisip nila." mahinang bulong ni grey. Napatango lang si johan at tiningnan si sky ilang minuto ang lumipas at kay dev naman sya tumingin.

Kumunot yung noo ni johan tapos medyo namutla sya pagkatapos.

"D-di k-ko mabasa yung isip nila. Ganun parin." napabuntong hininga lang si grey at kumain na din kaming lahat. Pero medyo nahahalata ko yung pagsulyap ni johan sa pwesto ni dev. Kaya napatingin din ako at nakita kong nakangiti sya ng nakakaloko samin. Weird.. Yun lang ang masasabi ko.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon