T1

77.3K 1.2K 36
                                    


All Rights Reserved®

(PG)

This is a work of fiction any resemblance to any other stories are pure coincedence.

Hope you like reading this. It's all my imaginary artwork. Sorry for wrong grammars or typos. Cp lang kasi gamit ko. Di ko maalam maggawa ng cover eh, sorry poh!! Please read and support. Thanks again.

dev on the side..

*********************

Dev's POV

"Oy dev, nandito ka pa din? Ikaw nalang kaya mag.isa dito sa bahay nyo. Di ka ba natatakot? Alam mu sumama kanalang kaya sakin. Duon kanalang tumira sa bahay namin dalawa lang naman kami dun ni inay. Tiyak sasaya pa yun pag duon kana titira."

"Ayaw kong iwan yung bahay namin. Ito nalang kasi yung alaala nila sakin."

"Anu ka ba naman dev, di mu yun kasalanan okay?! Nasunog ang bahay nyo at tinanka mu pang sagipin ang kapatid mu at nanay. Tama na yung sakripisyo muh. Mag move on kana!!"

"Di mu kasi na iintindihan eh. Ako ang may kagagawan ng sunog. Ako!!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Oo na di ko maintindihan. Palagi kanamang ganyan eh. Ikaw ang may kagagawan eh anu ngayon? Sinadya mu bah? Di ba hindi.! Kaya wag kang magdrama dyan. Di bagay sayo."

"Oo na po nay!! Di na ako magdra.drama dito. Tulungan mu nalng ako sa pag.iimpaki. gusto ko na din kasing mag move.on. kaya uumpisahan ko na ngayon."

"Yan ang bestfriend ko. Tara tutulungan kita tiyak matutuwa si inay nito."

Siya nga pala ang kasama ko ngayon ay ang aking magandang bestfriend sya si sky. Maputi, sexy, mabait, 5'5 yung height, kulay asul na mga mata at weird na mahabang buhok. Bakit weird? Kasi weird yung kulay?. Ganito kasi yun, ang buhok nya hanggang likod straight sya tapos yung kulay ay itim pero may ilang strands ng hair nya na kulay asul. Nagmukha tuloy na highlights. Ang sabi nya natural daw yun.

Tinutulungan nya akong ipasok yung mga damit ko sa maleta at importanteng bagay. Kinuha ko na din ang isang family picture namin. Ito nalang ang alaala nila sakin. Magkasama kaming lahat dito. Ako si inay, itay at si kim ang bunsong kapatid ko.

"Dev halika na. Hapon na oh. Bababa pa tayo sa bayan eh. Baka gabihin pa tayo papagalitan ako ni inay nito."

"Teka lang sky.. Susunugin ko lang tong bahay namin."

Tumango lang sya sakin at tinapat ko na ang aking mga kamay na nanginginig sa harap ng aming bahay. Mula dito ay lumabas ang isang apoy na kulay itim. At sinimulan na itong kainin ang bahay. Pinagmasdan lang namin ito ni sky hanggang sa matupok ito. Di ko na din namalayan na tumutulo na ang aking mga luha.

"Ito na ang huling paggamit ko ng apoy na to, pangako yun nay, tay at kim" niyakap lang ako ni sky at pinapatahan.

Habang naglalakad na kami pababa sa bayan. Di ko mapigilang di ma alala ang lahat ng nangyari. Kinasusuklaman ko ang aking sarili. Ako ang dahilan at wala akong naggawa upang pigilan ang apoy na yun. Wala!!

Nakatira kami sa taas ng burol malapit sa bayan. Noon masaya kaming pamilya. Payapang namumuhay. Pero nawala ang lahat ng yun dahil sakin. Di ko alam kong anung nangyayari sakin. Parati kasi akong nanaginip ng isang babae. Parati nya akong kinakausap. Ng isang gabi di ko alam kong anung nangyayari sa kanya sa panaginip ko pero tila nagbago ang babae. Naging katakot sya at puno ng galit, sakit at pagdusa ang makikita sa magandang mukha nya. Kinausap nya ako at hinawakan ang aking mga kamay. Mula duon naramdaman ko ang paggapang ng isang enerhiya at emosyong negatibo. Napakasakit at maiinit sa pakiramdam. Kahit anung gawin ko para makawala ay di nakaka apekto sa kanya.

Ng matapos na sya ay bigla syang ngumiti sakin ng nakakatakot kaya napabalikwas ako ng bangon. Naramdaman ko nalang na umiinit at may gustong kumawala sa katawan ko. Napasigaw ako noon at dali daling pumunta sina inay at kim sakin. Pero laking gulat nila ng makitang nababalot ako ng isang malaking apoy na itim at lahat ng malalapit sakin ay nasusunog.

Niyakap ako noon nina inay at kim pero unti unti silang nasusunog. Habang si itay naman na may dalang balde ng tubig ay binubuhos sakin pero di parin mapatay patay ng apoy. Hinawakan at pinalayo ni itay sakin sina inay at kim pero nahagip parin silang tatlo ng apoy at nasunog sa harap ko. Kahit anung gawin ko ayaw pa din mawala ng apoy. Ilang minuto din ang nagtagal at nawala ang apoy. Lahat ng taga bayan noon ay sumaklolo samin ng makitang nagliliyab ang kalahati ng bahay.

Iyak lang ako ng iyak noon ng mawala sa katawan ko ang itim na apoy. Di ako natatalaban ng apoy kaya wala akong sunog kahit isa sa katawan. Pero ang pamilya ko nasunog silang lahat.

Habang iniisip ko yung mga pangyayaring yun di ko mapigilan ang aking sarili na di magalit, galit sa babaeng naka itim sa aking panaginip at saking sarili.

"Dev.. Huminahon ka, yung kamay mu oh. Baka me makakita pa sayo dito!" puna sakin ni sky. Di ko kasi namalayan na nag aapoy ng itim na pala ang aking kamao.

"Sorry sky!" napabuntong hininga nalang ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Its ok, just control yourself. Im just here for you." nakangiting saad nito sakin. Ngumiti nadin ako sa kanya.

Si sky nalang ang meron ako ngayon.at di ko hahayaang may masamang mangyayari sa kanya. Proprotektahan ko sya sa abot ng aking makakaya.

"Dito na tayo. Pasok na dev!"

"Nay, nandito na kami ni dev." sigaw ni sky sa loob ng malaking bahay. Well, mayaman naman talaga si sky eh. Yung ama nya sa ibang bansa nagtratrabaho samantalang kasama nya dito ang kanyang ina. 1st year high kami ng magkakilala ni sky sa paaralan. Binubully kasi sya noon at tinulungan ko. Badass student kasi ako, at masyadong walang pakialam sa paligid. Walang lumalapit at kumakaibigan sakin dahil masyado daw akong boring.

Sa totoo lang di naman dev pangalan ko eh. Kaya lang ito na ang tumatak sa utak ng lahat simula nung masunog ang pamilya ko at ako lang ang natira.

Devil daw kasi ako, ako daw ang sumunog sa pamilya ko which is partially true pero di ko yun ginusto. Freak at kung anu anu pa ang sinasabi nila sakin tuwing makikita nila ako sa school. Nung una isang hangin lang ako sakanila pero ngayon naging outcast na ako.

Pero sa lahat ng pinagdaanan ko di ako iniwan ni sky. Parati na syang nandyan sakin. Wala na ding bumubully sa kanya dahil sa takot silang sinugin ko. Hah, perks of being a freak. Pero di lang mawala wala ang mga masasakit na salita na naririnig ko.

"Oh, salamat naman dev at sumana ka na rin kay sky at pagpayag na dito tumira. Don't worry kaming bahala sayo iha. At wag kang mahihiya sakin hah. Para narin kitang anak eh". Nakangiting saad ni tita zoe.

"Thank you po tita zoe!" nahihiyang tugon ko. Tumawa lang sya at sinabing pumunta na kami sa aming silid para makapag ayos na at bumaba pagkatapos dahil mag di-diner na kami.

-----------------------

Welcome na welcome ako nina sky at tita zoe. Nagpapasalamat ako at napaka mabuting tao nila. Bukas papasok na naman kami sa kalbaryong yun.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon