T18

22.7K 543 2
                                    


Dev's POV

1st time ko itong makalabas sa academy at gumawa ng mission. Naglalakad kami papuntang gate ng academy. Ako yung nasa pinakahuli tag.iisang backpack na katamtaman lang yung dala naming lahat.

Yung mga baby dragons namin pumasok ulit sa katawan namin. Pero pwedi mu na itong mapalabas kung kailan mu gusto may mga pangalan naman kasi sila. Naging tattoo nalang sila sa katawan namin. Nasa mga braso namin ang tattoo. Pumapalibot ito, kung anung kulay at itsura ng dragon mu yun din ang nasa braso muh. Ang cool right?.

Nga pala, sasakyan namin mamaya yung mga dragon namin. Pero hanggang bukana lang ng bulwark forest dahil di sila pweding pumasok doon. May barrier na pumapalibot sa bulwark at ang mga spirit dragon ay di makakapasok at masusumon sa loob nito. Pinipigilan ito ng barrier. Dilikado din daw yung bulwark forest tirahan kasi yun ng mga mababangis at nakakatakot na mga halimaw. Pero maraming halamang gamot at kung anu anu pa ang makukuha sa loob nito.

"Isumon na ang mga dragon!" sabi ni ate april ng makarating na kaming lahat sa labas.

Isa isa na nilang sinumon ang kanilang mga dragon. "Saphir!" tawag ko sa dragon ko at lumabas na din sya. Sa kanilang lahat sya ang pinakamalaki. Mas malaki at maganda pa nga sya sa spirit dragon ni mariel na kulay violet. Naka armor silang lahat ng silver pwera lang kay saphir.

"Ba't wala kang armor saphir?" pagtatanong ko sa dragon ko ng pasakay na ako sa kanya. "Gusto mu bang makitang naka armor din ako?"

Napanganga ako ng marinig ko sa utak ko si saphir. Ay, putchak.. Nakalimutan ko naka konekta pala ang mga isipan naming dalawa. Napailing nalang ako sa sinabi nya.

"Sc, handa na kayo? Walang lilihis ng daan hah, goodluck sa atin." sigaw ni kuya tristan at napa ok sign kami sa isa't isa.

Sabay sabay kaming lumipad pataas. Alam naman ng mga dragon kong saan ang bulwark eh. Alam kaya nila ang mga lugar dito. Napapagitna.an ako nina grey at est tas sa gilid ni est si mariel, sunod si tristan, ivan, april, aya, at elise sa side naman ni grey sina sky, raine, drake, johan, zach at marie. Talagang ako sa gitna hah.

Sabi pala nina kuya tristan at ate april tawagin ko daw silang ate at kuya maliban nalang kay sky na bestfriend ko kay grey na pokerface kay est na sungit at syempre kay mariel na haliparot.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon