T35

20.1K 454 6
                                    


"ate elise nakita nyo ba si Est?"

"Hindi dev eh." sagot ni ate elise sa tanong ko kanina ko pa yun hinahanap eh. Ang sungit na yun san naman nagpupunta.

"Babalik din yun mamaya. Hintayin mu nalng jan." sabi naman ni kuya tristan sakin, napatango nalng ako.

Nasa common room kami ngayon. Pwera lang kay Est. Ang sabi niya kasi hintayin ko daw siya dito sa dormhouse namin. Eh kanina pa yun, masyado na siyang matagal. Mag e eleven na ng gabi. Medyo kinakabahan na nga ako.

Tumayo ako at lumabas. Pinikit ko yung mata ko at hinahanap ko yung presensya niya. Ilang minuto pa at nakita ko na kung nasan siya.

Bakit nandoon siya sa gubat sa likod ng academy?

"Kuya johan, si Est nasa gubat sa likod ng academy. May kasamang masamang aura." pagtetelepath ko kay kuya johan.

"Mauna kana dev.. Susunod kami. Mag.iingat ka!"

Nagteleport ako papuntang gubat kung nasan si Est.

"Est!!"

"Est!!" sigaw ko pero walang est na nagpakita at sumagot. Pinakiramdaman ko ang paligid at wala na akong mahanap na presensya niya sa loob ng academy.

*swiisshhh..

Isang pana na may papel ang nasalo ko.

Kung gusto mong makita at makuha ang iyong prinsepe pumunta kang Darkus palace. Nang mag.isa!

Ginusot ko ang papel at sinunog. Galit na din ako, bakit pa nila kinuha si Est kung ako man lang yung kailangan nila. Ginagalit nila talaga ako.

"Dev" rinig kong pagtawag ni sky sakin. Dumating na pala sila.

Linagpasan ko silang lahat at dali dali kong sinumon si saphir.

Wala na akong pakialam pa. Babawiin ko si Est. Di ako papayag na may mawawala pang mahalagang tao sa buhay ko.

"Sasama kami sayo.. !" sigaw ni sky.

"No.!" madiin na wika ko.

"Pero-"naputol ang kanyang sasabihin ng kinumpas ko ang aking kamay. "Sorry guys,sorry sky. Di ako papayag na may mapahamak pa sa inyo. Sorry!"

Agad akong sumakay kay saphir at binalutan ng matibay na barrier ang buong academy at ang palasyo. Ganun paman walang makakalabas sa kanila at mapahamak dahil na naman sa akin. Alam kong kaamuhi.an ako ni sky. Pero ito lang ang paraan para maprotektahan ko sila. Pinatulog ko lang sila kanina. Gigising din sila bukas.

Me tumulong luha sa mga mata ko. Siguro ganito ang role ko sa buhay. ang maging rason ng kanilang kapahamakan.

"Magiging okay din ang lahat."

"Sana nga saphir, sana nga!"

Pinahid ko na ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at tinu.on ang pansin sa DArkus.

Ito na ang huling laban.

********************

IRANEA'S POV

"My queen, paparating na po siya." sabi ng isa kong kawal.

"Yuri ihanda ang aking anak. Isang magandang surpresa ito. Ha ha ha.. "

"Masusunod po mahal na reyna.!" yumukod na si yuri at umalis.

"Ihanda lahat at patayin ang babaeng parating.!" baling ko sa mga kawal ko at mga tagasunod ko.

Di ko na kailangan ang babaeng yun. Magiging akin ang buong magical realm kapag napatay ko na ang babaeng yun. Isa siyang malaking sagabal sa aking mga plano. Wala akong pakialam kahit sariling anak ko pa ang iisakripisyo ko. Mahal ko ang anak ko pero mas nananaig ang pagiging gahaman ko.

Gagamitin ko ang anak ko para mapatay ang babaeng yun.

Maghanda kana dev, nalalapit na ang iyong katapusan.


Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon