T31

19.9K 489 1
                                    


Drake's POV

"HHHIIIINNNDDDIII!!" napahinto kami ni sky sa paglalaban ng biglang marinig namin ang sigaw na yun at kasabay ng paglabas ng isang malakas na pwersa.

"Devvv!!" sigaw ni sky sa pinanggalingan ng pwersa. Agad siyang tumakbo papunta sa sulok ng field.

Si dev talaga ang gumawa non? Ang lakas ng pwersa. Sumunod kaming lahat kay sky at napahinto kami sa mga nakikita namin.

Si dev nakalutang sa ere habang yung mga buhok niya sinasayaw ng hangin na pumapalibot sa kanya. At ang kanyang mga mata. Nakakatakot naging maiitim na pula. Yung aurang nilalabas niya masyadong nakakatakot at malakas. Higit na malakas pa.

Napatingin ako kay mariel ng isigaw niya yun. Sila pala ang may kagagawan nito. Pinagtripan nila siguro si dev.

"Naku... Kailangan nating pigilan si dev..!!" hysterical na sigaw ni sky.

"Bakit naman sky??" pagtataka ni raine. "Kasi.. Kasi.. Kasi.. Basta!!"

Di na namin napansin ang pagtilapon ni grace sa direction namin. Gulat kaming napatingin dito. Puno ng mga galos, pasa at dugo ang katawan niya at parang nawalan ito ng malay. Isa siya sa mga alipores ni mariel at kilala din dahil malakas ito at di basta basta natatalo.

"Shit!!" yun lang ang masasabi namin.

Si dev nakalutang parin sa ere pero ang mga mata ay nakatutok lang kay mariel. Si mariel na nakaluhod na at pawisan at halatang hirap na hirap. At yung mga alipores niya ay nakalutang sa ere at duguan na din sila at nanghihina. Sinusubakan ni mariel na gumalaw at umatake kay dev gamit ang ability niya. Pero di pa nga naabot ni mariel ang anino ni dev ay siyang pagsigaw siya at ang kanyang anino kumakawala at parang sinasaktan.

"Aaahhh.." sigaw ni mariel ng mabali ang kanyang mga braso bigla. At nagkaroon siya ng mga sugat sa katawan. Teka, panu nangyari yun? Eh wala kaming nakitang umatake sa kanya.

"Dev.. Tumigil kana?? ..dev, !" sigaw ni sky na tumatakbo papunta kay dev pero napatalsik lang siya pabalik ng tingnan siya ni dev. Buti nalang at nasalo siya ni grey.

"Aahhhh.. Ta-tama.. N-na..!! Ta-.. Aahhhh!!" sigaw ng paghihirap at sakit ni mariel, nakaluhod na ito at nakatukod ang dalawang kamay sa lupa.

"Kailangan nating mapigilan siya. Mamamatay si mariel." pagpapanic na sigaw ni sky.

"Parating na si headmaster at ang hari't reyna. Ang kailangan nating gawin ay pigilan at pahintuin si dev sa mga ginagawa niya." napatango kaming lahat na sc sa mga sinabi ni est.

"Ready na guy's? E distract niyo si dev habang papalayuin namin sina mariel at ang mga kasama niya." sabi pa ni est at sumugod na din kami.

Sorry dev pero kailangan namin itong gawin..

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon