T3

29.1K 722 7
                                    


gray on the side..

********************************

"Psstt.."

"Psstt.."

Eh? Asan ako? Sino yung sumisitsit sakin.? Bat ang dilim dito? Diba natutulog lang ako kanina sa loob ng silid.

"Psstt.." ayan na naman. Kinikilabutan na ako.

"Psstt.."

"Hoy, kung sino kaman magpakita ka!!" di ko na mapigilan yung sarili ko natatakot na nabwibwisit kasi ako ngayon.

"Hahaha... Nakakatawa ka alam mu ba yun?" shit.. Shit.. Yung babaeng naka itim na nagbigay ng itim na apoy nasa harapan ko ngayon. Nakakatakot talaga sya, napaatras na nga ako.

"Oy teka, teka.. Natatakot ka na nyan sakin?" pang uuyam nya sakin. Shit lang, umiinit ulo ko sa kanya.

"Hahaha.. Chill, me sasabihin lang ako sayo! Di kita sasaktan..at sorry nalang sa pamilya muh. Hahaha.."

"Opz, wag kang magsalita muna, makinig ka sakin ng mabuti. Well, no choice kanaman kundi makinig eh." shit lang talaga parang gusto ko ng patayin ang babaeng to ngayon. At talagang di ako makapag salita panu ba naman mina magic nya. Ugh!.

"Alam mu, kahit anung gawin mu wala kang kawala. Dapat nga magpasalamat kapa kasi ikaw ang napili. Alam mu di ko naman sana ibibigay sayo ang kapangyarihan ko pero so far nagustuhan kita kaya ibinigay ko na. Ang kapalit nga lang eh namatay ang pamilya muh. Tsk, tsk.. Dapat masanay kana na makakita ng taong namamatay. Kasi di lang yun ang masasaksihan mu balang araw. Trust me, oh well.. Mukhang di lang ako ang kakausap ngayon sayo kaya tatapusin ko na to."

Lumapit sya sakin at pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko na may tatak. Shiitt ang init, gusto kong sumigaw pero di ko magawa.

"I, the guardian of the dark realm give my all strenght, knowledge and power to this girl..my tamer!"

Ughhh.. Ang sakit sakit ng tatak, ramdam na ramdam ko ang mga enerhiya at kaalaman na pumapasok sa katawan at isip ko.

Nang humupa na ang lahat napaluhod nalng ako sa kawalan at tagaktak ang pawis.

"Eh? Dark.. Ba't mu ako inunahan sa kanya?"
Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaking nakapula at babaeng nakaputi ang nakikita ko sa gilid ng babaeng nakaitim na tinawag niyang dark.

"Makakaya nya pa kaya ang dalawang enerhiya na papasok sa katawan nya?. Tanong naman ng babaeng nakaputi sa dalawa pero nakatingin parin ito sakin.

"Ewan??.. Dapat kayanin nya. Pero kapag di nya nakaya edi goodbye world, hello death na sya.. Hahaha.. " shitt lang talaga. Tong babaeng nakaitim gustong gusto na nya talaga na mamamatay ako. At what dapak lang!! Dalawang enerhiya pa?. Mamamatay na talaga ako nito sa sakit.

"Bilib din ako sa batang to. Akalain mu yun naubos nya tayong anim na mga guardians. Akala ko nga ibang tamer ang nakakuha sayo dark?, hahaha.. Palagi ka kasing kontranida satin eh." nakangiti pa tong lalaking nakapula.

"Tss,.. Akala ko nga din solo ko ang tamer nato, di pala. Hahaha.. " sagot pa ng babaeng naka itim.

"Iha.. Handa kana?" tanong sakin ng babaeng nakaputi.

"Handa na yan air.." di pa nga ako nakakasagot eh. Inunahan ako ng babaeng itim na to.

"Dark.. Yung shield sa paligid nya" rinig kong sambit ng lalaki.

"Prepared ako fire kaya gawin nyo na." bored na sabi ni itim.

Ughhhh..!! Sshhhiittt.. Ang sakit ng tatak.. Nakatayo ako pero parang matutumba ako na hindi. May pumapasok na dalawang enerhiya saking katawan. F*ck..f*ck... Parang di ko kaya.

"I, the guardian of the air realm, give my strenght, knowledge and power to this girl, my tamer.!"
Parang hinihiwa yung tatak sa likod ng balikat ko. Pagtapos ng ilang minuto humupa na din pero may mainit na dumadampi dito.

"I, the guardian of the fire realm, give my pure strenght, knowledge and power to this girl, my tamer!"
Heto na naman ang init.. Ughhh.. Shiitt talaga.. Parang mamamatay na ako.

"Aaahhhhhhhh...." sigaw ko ng matapos na sila sa pagpasa sakin ng mga enerhiya. Nagliliyab ako ngayon sa apoy at lumulutang sa ere na may hangin na pumapalibot sakin. Ilang minuto din ako na nakaganun at bumagsak nalang ako sa kawalan.

"Kelangan mu na matulog para me lakas ka ulit. Di pa dyan natatapos meron pang tatlo. Goodluck tamer of the guardians."
Yun nalang ang huli kong narinig sa mga bibig ni itim na me mapang asar na ngiti. And all went black..

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon