T17

23.6K 560 2
                                    


Est's POV

"Ano mission po ang ibibigay nyo samin? Head of the council or should i say headmaster griffin?" tama kayo ng nabasa. Si headmaster griffin ang syang head ng council at ako ang kanyang kanang kamay. Ginawa nya akong pinuno ng council dahil sa kagustuhan nya. Iilang tao din lang ang nakakaalam tungkol dito.

"Gusto kong bantayan mu nang mabuti si dev. At siguraduhin mung di masasaktan ng husto ang kanyang damdamin." nakatanaw sya sa labas ng salamin ng kanyang bintana habang sinasabi nya iyan.

"Yun lang ba ang mission o may iba pa? At bakit ganyan ang mission ko? Anung mangyayari kapag di ko yan maggawa? Malaki ba ang magiging epekto nito satin?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Nakatayo ako dito sa gitna ng kanyang office.

Bigla naman syang humarap sakin at taimtim nya akong tiningnan at bumuntong hininga. " isa lang yan sa mga mission mo. At oo, malaki ang magiging epekto nito satin at di lang sa atin maging sa buong mundo. May tiwala ako sayo est, at sana maggawa mu ito ng tama. Kung pweding mapalapit ka sa kanya gawin mu. "

"Anu ba talaga ang rason hah headmaster? Bakit ako? Bakit di nalang si grey? Sino ba talaga si dev?" pagtataka ko pang tanong sa kanya.

Hinilot nya ang kanyang sintido. " kilala ko si grey est, at alam ko ang kaya niyang gawin. Pwedi ko ding ipagkatiwala sa kanya si dev na ginawa ko na. Pero baka mabigo sya, may tiwala ako sa anak ko est. Pero mas maganda kong dalawa kayo ang gagawa nun."

"Haist.. Oo na, tinatanggap ko na. Anu pa yung isa?"

Napangiti pa sya ng matamis ng marinig nya ang sinabi ko. "Ah yung isa gusto kong hanapin at dalhin nyo dito ang isang elder. Nakatira sya ngayon sa pusod ng kagubatan ng bulwark forest. Gusto ko, lahat kayong sc ang gagawa nun. At nga pala mamayang hapon kayo aalis. Yun lang at mag-iingat kayo."

Tumango lang ako at lumabas na ng office nya. Ang matandang yun talagang gusto nya kaming pahirapan.

----------

"Sc may misyong ibinigay sa atin si headmaster." pambungad ko sa kanila dito sa olympus common room.

"Anu yun est?" pagpapacute ni mariel sakin na nakadikit ngayon kay grey na lukot na lukot ang mukha at mukhang aburido na. Di ko sya pinansin at nilibot ko ang aking paningin upang malaman kong kompleto na kami.

"Asan si dev?" pagtatanong ko sa kanila. At as if on cue bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng silver ang buhok at dire diretsong naglakad papuntang sofa at umupo. Di manlang niya ako tiningnan sa halik linagpasan nya lang ako kahit malapit lang akong nakatayo sa pintu.an.

"San ka naman galing?" pagtatanong ko sakanya.

"Diyan sa labas." bored na sagot niya sakin at talagang di nya ako tiningnan manlang.

Bumuntong hininga nalang ako at nagsalita ulit."so as i was saying, headmaster give us a mission. And that is to find the elder who was living in the heart of bulwark forest. And we're going off later at 4pm."

"Pwedi bang dito lang ako?" nakapikit nitong tanong sakin.

"No! Your going with us. It's an order and you must follow it. Whether you like it or not." firm kong sagot kay dev.

"Eh?. Ayoko nga. Anung gagawin mu if ayaw ko?" panghahamon nito sakin. Nakatingin na nga ang mga kasama ko sa amin eh.

"I'm sure you won't like what i'm going to do to you."

"Hah! As if i'm scared!!" nakikipag titigan kami sa isa't isa. May parang kuryente na ngang kumukonekta sa mga mata namin. "We'll see!" at nag smirk ako sa kanya. Nilapitan ko sya. Palapit ng palapit ang mukha ko sa kanya. Napakunot-noo pa sya kaya bigla akong napangiti. Nilapit ko pa ang mukha ko sa kanya hanggang face to face na kami kaya napaiwas sya ng tingin sakin. "Fine, i'll go.."

Lumayo na ako sa kanya at nakangiting nakakaloko habang tinitingnan ko sya.

"You can't win against me dev."

Mapang.asar kong wika sakanya kaya napatingin sya sakin ng masama. "You wish! And stop talking in english., dudugo ilong ko.!" pa angil na sigaw nito sakin at tumayo na umakyat papuntang room.

"Prepare your things now,!" pahabol kong sigaw sa kanya at inirapan lang ako. Napapailing nalang ako.

"What was that est??" galit na baling naman ni mariel sakin at iniwan nya si grey.

"That? That was nothing.." pokerface kong sagot sa kanya. "I know, she was just nothing." at lumingkis na naman sya sakin.

"Can you just get off of me mariel. And fix your things now in a hour we' ll be going." binawi ko yung braso ko sa kanya at umalis na at pumuntang silid ko. Di ko nga namalayan na wala na pala ang mga kasamahan ko sa commonroom. Makapag ayos na nga para sa mission.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon