T23

20.7K 516 3
                                    


Isang linggo na ang nakalipas simula ng mission namin. Marami na ang nagbago sa amin.

Naging guro na si lolo greg. Prof. Greg na ang tawag sa kanya. Potions at healing ang tinuturo niya. Naging mailap at moody si grey. Si est naman mas sumungit, strikto at cold sa lahat. Si mariel? Ayun naging certified bitch princess. At marami na syang mga alipores. Palagi na ngang nag.aaway sila ni ate april eh. Yung iba ganun padin naman pero isa lang ang di mabago. Ang katotohanang nawala samin si dev. Kahit isa samin di na muling nagsasalita sa pangalan niya.

Parati ko ding nakikita si est o di kaya si grey na pumupunta sa gilid ng academy sa isang maliit na paraiso na tinitirhan ng mga sprites ngayon. Nalaman ko kasi na si dev ang gumawa nun. Nalungkot nga ang mga sprite nung nalaman nila ang nangyari kay dev. Kahit di ko sila maintindihan ramdam ko ang kanilang emosyon. Empath ability ko.

Noong isang araw ginawa ang ranking. Top 1 si est, sunod si grey, sunod si mariel at ako ang sunod.. Kung nandito lang si dev sya siguro ang top 1 namin.

------------

Kahit kumakain kami ng diner halatang ang awkward. Ang tahimik kasi namin.

*boogghhhss

"Stop this nonesense!!" napatingin kami kay ate april ng pabalang nyang hinampas ang kubyertos sa mesa namin.

Tiningnan lang sya ng mga sc at nagpatuloy sa pagkain.

"I know it's hard to accept that she's not here anymore, but could you guy's be yourselves again??" naluluhang sambit ni ate april samin at isa isa kaming tiningnan. Napayuko lng nga ako.

"Ok, i'm outta here!" paarteng tayo ni mariel pero pinigilan lang sya ni est. "No ones going anywhere!" at pabalang na napaupo si mariel pabalik.

"We are in ourselves again, the way we are in the 1st place. April." firm at cold na sabi ni est.

"Est, for pete's sake. Ganito nga tayo noong una pero hindi ganito kalala. Alam ko at nating lahat na namimiss lang natin siya. But, kahit ganun sana manlang narealize nyo na hindi lang kayo ang nasasaktan at sinisisi ang sarili dito. We are sc and we are family." maluha luhang sabi ni ate april samin. Tama sya, namimiss na namin siya. Miss na miss. Kitang kita namin ang pagtulo ng isang butil na luha sa mga mata ni est at gayundin kay grey. Umiiyak na nga ang iba samin. At kahit anu pang tago ng emotion ni mariel sa kanyang bitch face ay di niya kayang pigilin ang isang luhang tumulo mula dito.

"Dev.. Grabe ka hah, pinaiyak mu kaming lahat. Pagbalik mu dito kukutusan kita ng todong todo, tandaan mu yan!"

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon