T19

22.5K 546 4
                                    


"Sc, walang iiba ng daan hah. Goodluck at mag.ingat kayong lahat." sabi ni kuya tristan bago kami pumasok sa loob ng gubat.

Nakabalik na sa katawan namin ang mga dragons.

Pag apak ko palang sa loob ng gubat, ramdam na ramdam ko ang kakaibang enerhiya dito.

*gggrrrr...

Dinig naming lahat ang ungol na yun. Mga mababangis na hayop o nilalang?.

"Est, grey.. It's so creepy here. " maarteng sabi ni mariel aka hali. Lumingkis pa sya sa dalawa. Napa roll eyes naman ang mga kasama ko pati nga din ako eh. Hahaha..

*gggrrrr..

"Oh shit, wag kayong lalayo sa isa't isa. Napapalibutan nila tayo at masyado silang marami." biglang sambit ni kuya tristan, tracker din kasi sya. Napahinto kami sa paglalakad at napaposisyon ng pabilog sa isa't isa. "Magsihanda kayo, any moment aataki na sila." bulong naman ni kuya drake na dinig namin. "Walang magpapanic hah!" biglang sabi naman ni ate marie kaya nagnod lang kami.

*ggrrr..

*grrgrr..

Peste naman, ayoko pang ipakita yung powers ko eh. Bahala na si batman nito.

Dumadami na sila kaya naghahanda na kami para sa labanan na ito.

*ggrrr...

Oh shiitt.. Mga lobong mapupula ang mga mata ang kalaban namin ngayon.

Biglang sumugod samin ang mga lobo. "Aahhhh.." sigaw ni hali ng matinis at kumaripas sya ng takbo papuntang kanan namin. "Shit, takbo na sa kanan!" sigaw naman ni est at grey kaya tumakbo na kami sa tinakbohan ni hali.

"Pahamak na mariel. Ugghhh.." inis na sambit ni ate april habang tumatakbo. Mabibilis tumakbo ang mga lobo kaya paminsan minsan ginagamitan nila ito ng powers nila kung makalapit samin. "Masyado silang madami. Malalapa nila tayo nito pag na abutan nila tayo." sigaw ni kuya tristan kaya napatakbo pa sila ng mabilis.

Bigla akong huminto sa kakatakbo. Pinagmasdan ko lang silang palayo na sa akin. Ako kasi ang nasa pinakahuli kaya di nila alam na huminto ako.

Lumingon ako sa mga lobong paparating na sakin. "Hanggang dito lang kayo." sabi ko sakanila. Pinalilibutan na nila ako at tumutulo na ang mga laway nila.

Naramdaman kong pumupula na ang aking mga mata. Kasabay ng pag sugud nila sakin ay ang paggawa ko ng itim na mga apoy at pula sa paligid ko. Lahat ng madadapuan ng mga apoy ko ay nagiging abo kaagad. Nilibot ko ang mga paningin ko sa mga lobo. Halos lahat ay natusta yung iba naman tumakbo ng may pagkatakot sa mga mukha nila.

Nakangiti akong naglalakad palayo sa lugar na yun nang wala manlang gasgas.

**************

Tristan's POV

nagtatakbo parin kami dito sa loob ng gubat na kagagawan ni mariel.

Napahinto ako sa pagtakbo ng mapansin kong walang ni isang lobo ang sumusunod na sa amin. "Anong ginagawa mu tristan? Takbo na." sigaw ni ivan sakin pero di ko sya pinansin. "Teka lang guys.!" napahinto at napatingin silang lahat sa akin ng sumigaw ako.

"Anu naman yan tristan, pwedi mamaya na yan. Maabutan tayo dito ng mga lobo." naiinis na wika ni mariel sakin. Pero di ko sya pinansin. "Wala na akong ma track na mga lobong sumusunod sa atin." naka kunot-noo kung sabi sa kanila.

"Wait.. Asan si dev?? " bigla biglang sigaw ni sky kaya napatingin kaming lahat sa likod namin. "Shit!!" sabay na sambit nina est at grey ng mapagtantong walang dev sa likuran at unahan namin. Pero bago pa sila makatakbo pabalik sa dinaanan namin. Sumulpot naman bigla si dev at mukhang hinihingal na.

"Ang bilis nyo namang tumakbo! Whoo.." napatukod pa sya sa kanyang dalawang tuhod at humihingal.

"Waahhh.. Dev, huhuhu.." iyak ni sky habang tumatakbo papunta kay dev at yumakap ng mahigpit. Napabuntong hininga naman kami.

"Hoy, sky...di ako patay para iyakan muh." saway ni dev kay sky habang yinayakap nya ito. "Dev, alam mu ba ba't wala ng lobong humahabol satin?" tanong ko dito. "Eh.. Kuya tristan di ko alam eh. Hehehe.. Nabigla nga ako bakit sila nawala kaagad." pakamot sa batok na sabi nya sakin.

Napatango nalang kami at nagsimula ng maglakad ulit.

-------------------

***************

Dev's POV

"Pwedi ba tayong magpahinga muna? Padilim na din kasi." rinig kong sabi ni ate elise.

"Sige.. Total malapit nalng tayo sa pusod ng gubat. Dito nalng tayo magpapalipas ng gabi." sambit ni est sungit.

"Gagawa ako ng barrier 50 meters away sa atin. Drake gumawa ka ng mga tents pabilog gamit ang power muh. Raine at johan maghanap kayo ng mga tuyong kahoy para sa bonfire. Tristan, ivan manghuli muna kayo ng mga isda sa malapit na ilog sama nyo din si sky, elise tulungan mu ako sa paggawa ng barriers, mag.ingat sa lahat at wag masyadong magpakalayo." dagdag pa niya. Leader na leader ang peg ni est.

Umupo nalang ako sa gilid ng puno at pinagmasdan sila. Yung iba tumutulong kay kuya drake sa paggawa ng mga tents, si hali ayun lumalandi kay grey. Si grey na nakaupo sa gilid at nakatingin sakin?? Eh?? Sakin ba talaga? Assuming naman ako masyado.

Maka akyat na nga lang sa puno at doon ako matutulog sa itaas na sanga nito.


Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon