T7

28.3K 823 15
                                    


Thank you sa lahat ng nagbabasa nito. ..

****************

Dev's POV

Ginising na kami ni tita ng makarating kami sa academy.

Manghang mangha kami ni sky sa itsura ng academy na to. Masyadong malaki at malawak. Parang isang palasyo ito, yung katulad sa hogwarts sa harry potter ganun yung itsura. Pero ang pinagkaiba lang nito. Napapaligiran ito ng mga puno.

Naglalakad kaming tatlo papuntang headmaster's office yun mga gamit namin ni sky ipapadala nalang daw sa magiging dormhouse namin.

Wala pa kaming nakikitang mga estudyante siguro nag kaklase sila ngayon.

Huminto kami sa pintong malaki, at bigla nalng itong bumukas. Isang lalaking nasa mid 50's ang sumalubong samin ng nakangiti.

"Magandang araw headmaster griffin!" magalang na bati ni tita kay tanda este kay headmaster. Ngumiti lang din ito at tumango kay tita. Binalingan nya din kami ng tingin ni sky at ako lang ba o masyadong matagal ang pagtitig nya sakin?.

"Hmm.. Interesting," pabulong na sabi nya pero dinig naman namin iyon.

"It's good that dinala mu din dito ang anak nyo, zoe..at isang napaka mysteryosang dilag. Hahaha.. Di bali, ako ng bahala sa dalawang ito zoe. At asahan mu ako dun. " tumango lamang si tita kay tanda at nilingon nya kaming dalawa at ngumiti samin.

"Mag-ingat kayo ni sky, dev.. Aalis na ako at si headmaster ng bahala sa inyo. Mabait yan. Sabihan mu nalng si sky. Paalam."

Yun ang nadinig ko kay tita bago sya lumabas at naiwan kay tanda.

"Interesting.. Nakipag telepath ka kay zoe pero bakit di kita mabasa, sabihin mu sakin kung anung pangalan mu silver haired lady." nainis naman ako sa pagtawag nya sakin ng silver-haired.

"Dev ang itawag mu sakin tanda!" nakangiting nakakaloko ako, siniko nga ako ni sky eh. Aish, nagiging magkaugali na kami ni itim nito. Naku naman magandang ehemplo talaga yung si itim, note the sarcasm.

"Hahahaha... Ok, dev. Nakakatuwa ka. Ikaw palang ang tumawag sakin ng tanda, hahaha.. Ok, ako si headmaster griffin, at welcome sa magical academy. Sinabi na siguro ni zoe sa inyo ang ibang detalye. " napanod nalang kami ni sky kay tanda.

"Isa akong wizard, telepath at sensor. Nasesense ko ang mga aura at power ng lahat na mga bagay bagay at nilalang sa paligid ko. At masyado akong nacucurious sayo dev, di ko masense ang aura at power muh pero isa lang ang nararamdaman ko masyado kang malakas, malakas higit pa sa mga royals. Ikaw naman sky, the water element tamer. Malakas na din pala ang aura at power muh ngayon. Sigurado akong ti traine kayo ni zoe bago pumasok dito. Dahil naka 2 buwan ng nagsimula ang klase, late na kayo masyado sa ibang kasama nyo pero iaadjust ko nalang yun. Lumapit kayong dalawa dito sa crystal ball. Itapat nyo ang dalawang kamay nyo at lilitaw lang dyan ang mga id's nyo, na may pangalan nyo at level kong saan kayo nararapat."

Sinunod namin ni sky ang sabi ni tanda nauna na nga si sky at ilang minuto lang lumabas na ang kanyang id. Yung id ni sky kulay asul na may dragon na gumagalaw at may nakalagay "sky- lvl. 32". Galing ang taas ng lvl ni sky.

Ako naman ngayon ang pumwesto. Ang tagal hah.. Pinapanood lang namin ang nangyayari sa crytal ball. Pinapalibutan ito ng madaming enerhiya at kulay.

*crack

Shiitt.. Nagka crack yung crystal ball ni tanda. Patay!..

Nakatulala na nga yung dalawa eh.

*boogghhss

Oh noes,.. Nabasag ang crystal ball. At lumitaw yung id ko. Yung kulay ng id ko is gold na may lining ng itim at silver tas ang symbol sa loob nito pareho ng sa tatak ng likod ko. Espadang me nakapulupot na dragon. At dev din ang nakasulat lvl 75.

"He..he..he.. Tanda, sorry sa crystal muh. Aayusin ko nalang." bago pa makapag salita si tanda e kinumpas ko na ang kamay ko sa basag na crystal at nabuo ito ulit at mas lalo itong nag glitter at shine.

"Hmmm.. Tama nga ako ng hinala. Ikaw ang "tamer of the guardians". Si tanda.

"Ahm.. Teka lang tanda hah, palagi ko yang naririnig eh. "Tamer of the guardians" ."

"Diba, tamer din naman tayo headmaster?" tanong naman ni sky.

"Tama ka sky. Tamer nga tayong lahat. Pero ayun sa alamat ng mga ninuno pa natin. Tayong mga pinili na iisa o dalawNg kapangyarahiyan ang meron ay syang tinatawag na tamer, pero kapag ang anim na pinakamalalakas na kapangyarihan ay pinag sama sa iisang tamer tinatawag itong "tamer of the guardians" in short sya ang kanang kamay ng mga tagapangalaga ng tunay na kapangyarihan. Wala pang natatala na tamer of the guardians mula noon pero ngayon siguradong may isa na. Wag kang mag alala dev, sating apat lang ito nina zoe at sky. Ang pinaka mabuti mu nalng gawin ay wag ipahalata t ipaalam sa iba. Itago mu ng mabuti ang id mu dev. Kahit ang mga royals dapat walang malalaman dahil kung hindi magiging kawawa ka. At wag kayong magtitiwala agad. So, dahil mataas ang mga level ninyo. Ilalagay ko kayo sa special class. At doon kayo sa olympus dormhouse. Ito ang mapa ng buong academy. At goodluck at mag.ingat kayo."

Pagtapos magpaliwanag ni tanda agad kaming lumabas ng office nya at lumakad papuntang olympus dormhouse.

"Dev, punta kayo ulit dito ni sky bukas sa office ko 7:00 am sharp at bawal malate. At isa pa.. Mag.iingat ka,"

"Ok, tanda!! Ciao!!"

Muntik ko ng makalimutan telepath din pala si tanda. Haist,

"Whoa.. Ang laki ng olympus dev!"

"Yung laway mu sky.. Tumutulo na. Hahahaha..."

Sinamaan nya lang ako ng tingin. Malaki nga ang olympus. Nasa right side ito ng academy. Nahahati sa dalawa ang olympus sa left side nito ang mga silid ng babae habang nasa right side naman ang sa mga lalaki. Sa gitna nito ay parang isang malaking living room.

Nasa pinakadulo ng hallway ang silid namin ni sky at magkaharap ito. Pinasok ko na ang silid ko . nandito na yung mga gamit ko at meron ring tatlong pares ng uniporme. Kompleto na din ang mga kagamitan at pangangailangan sa loob nito.

"Sky.. Sabi ni tanda dumiretso daw tayo bukas 7:00 am sharp sa kanyang office."

Pagkakausap ko kay sky gamit ang utak ko.

"Roger that dev. Geh, aayusin ko lang tong mga gamit ko at matutulog na ako. Goodnyt dev, see you tommorrow."

"Goodnyt din..sky."

Inayos ko na din ang mga gamit ko at humiga. Nakalimutan ko palang sabihin. Naka dinner na kami ni sky, doon sa office ni tanda habang nagsasalita sya tungkol sa academy na wala naman akong naiintindihan dahil di ako nakikinig.

Hawak hawak ko lang sa pagtulog ang litraro namin nina inay, itay at kim. At isang patak ng luha ang lumabas bago ako tuluyang nakatulog.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon