T25

21K 537 0
                                    

Thank you for reading my story.. Please bare with me guys.

*********************

Headmaster's POV

"Headmaster, sinusugod po ng mga dark mages ang bayan ng raven's claw." report sa akin ng isang tagabantay sa magical realm. Tumango lang ako sa kanya.

Oras na naman to para sa isang mission ng mga bata. Di ko akalaing magiging ganito ang epekto ni dev sa kanila. Sana di kami maunahan niya sa pagkuha kay dev.

********************

Tristan's POV

nandito kaming sc sa loob ng office ni headmaster. May panibagong mission daw kami.

"Sc, ang mission nyo ngayon ay iligtas ang mga mamamayan ng raven's claw at patayin ang lahat na mga dark mages na lumulusob dito." headmaster.

Pagkatapos maibigay ni headmaster ang mission agad kaming bumalik ng common room.

"Tristan itratrack mu ang mga kalaban natin. Sky, raine, drake, mariel, johan, ivan at april kayo ang mag proprotekta sa mga mamamayan at ang natira lalabanan natin ang mga dark mages. Sa naunang pito gumawa kayo ng isang matibay na barrier doon niyo ipapasok lahat ng mga tao. Maliwanag ba ang lahat? Tumango lamang kami kay est. Simula ng mawala samin si dev naging times two pa yung ugali niyang cold, strict, at seryoso. Pareho sila ni grey. Samantalang si sky palaging wala sa sarili at di na masayahin.

Lumungkot at parang nawalan ng buhay di lang kaming sc pero halos lahat ng nasa academy na to.

Di ko alam pero parang nasa ilalim kami ng isang kapangyarihan.

Sana naman bumalik na si dev. Sana makalabas na siya at buhay pa. At sana sa pagbalik niya bumalik din ang saya sa paligid.

***********************

Sky's POV

"Dev naman sana bumalik kana samin. Namimiss na kita bestfriend. Miss na miss."

"Sky!!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko sa ulo ko ang boses ni dev. Di ako nagkakamali si dev talaga yun.

"Sky, anung problema mo?" tanong sakin ni kuya ivan. "Si dev! Kuya si dev kinausap niya ako. Kuya!" napahinto silang lahat ng marinig ang sinasabi ko at napatingin sakin.

"Anung pinagsasabi mu sky? Impossible yun. Alam mu namang di makakalusot ang ability natin sa barrier na yun. " pailing iling na sabi ni ate april sakin. "Pero-"

"Halika na sky, alam naming miss na miss mu na siya. Naghahalucinate kalang siguro." pa akbay na sabi sakin ni kuya zach. Nakayukong lumakad lang ako at tahimik na umiiyak.

"Pero diba dev, totoong kinausap mo ako? Diba dev. . sumagot ka sakin bestfriend. Please.." malungkot na wika ko sa ulo ko.

*****************

Dev's POV

Sorry sky.. Babalik din ako. Pangako yan.

Tamer of the Guardians (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon