"Kidnapper!" Sigaw ko, hoping na may makrinig sa akin. Pilit akong nagpumiglas sa mga hawak nila pero walang silbi iyon. Kinaladkad nila ako papasok ata sa van nila at pilit na pinasakay don.

"Hindi ako mayaman! Wag ako ang kidnappin nyo, mga mister!" Naramdaman ko ang pagtatali nila sa kamay ko.

Malas mo, Naya! May lbm ka na nga ngayon ay nakidnap ka pa!

"Mga mister! Pakawalan nyo ko please!" Pagmamakaawa ko. Hindi sila sumasagot at mukhang walang balak akong sagutin.

Naiiyak na ako! Anong kahihinatnan ko?  Sa mga napapanood ko ay pinapatay ang mga ganito eh! Kung hindi papatayin ay hihingan ng ransom ang family ng victim. Pano kung humingi sila ng malaking ransom? Baka maghirap sila mommy nyan!

Pano kung papatayin nila ako?

"Nooooo! Wag nyo kong papatayin, please. Pag ginawa nyo yon, I swear di kayo patutulugin ng kaluluwa ko! Marami pa akong pangarap sa buhay, gusto kong magkapamilya with Calix! Ang daming iiyak pag namatay ako!"

Naala ko ang mukha ni Calix. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nagsisitulo mula sa mga mata ko. "Calix would be sad if I die. Please set me free, ilang bwan palang nang magkaayos kami ni Calix. Masyado pang maaga para mawala ako sa kanya. Please pakawalan nyo ako!"

Napatigil ako sa paglilitanya nang makarinig ako ng pagtawa mula sa kung sino man. I should be hallucinating, feeling ko kasi ay pamilyar ang tawang yon.

Napaaray ako sa utak ko ng maramdaman ko nanamang kumulo ang tyan ko.

"Mga kidnappers! Please, I beg of you guys! Pakawalan nyo po ko!" Umiiyak kong sigaw.

Muli nanamang kumulo ang tyan ko. Sobrang malas ko ngayong araw. I just want to go to the pharmacy ito pa ang inabot ko. Ngayon naman, kailangan kong pumunta sa banyo. I need to go to the comfort room!

Suminghot ako ng hangin at huminga ng malalim. "Please, maawa kayo sakin."

Ang dami kong regrets sa buhay, mga regrets na sana ay hindi ko hinayaang maging regrets. Mamatay na ako maya maya lang pero hindi manlang ako nakapagpaalam sa mga taong mahal ko.

Lalo na kay Calix.

"Kidnappers, pwede bang humingi ng pabor?"

I heard someone cleared his voice. "Yes, ano ba iyon?" I don't know kung malaki ba ang boses nya talaga but it sounds weird.

Hindi ko nalang pinansin iyon.

"Please, paki hanap nalang yung boyfriend ko, his name is Calixto de Real, kung sakali ngang mamamatay ako ngayon, pasabi po sa kanya na mahal ko sya. He don't know how much I hate  myself tuwing nakikita ko syang umiiyak dahil sa akin. I will surely miss him. Sana nga ay wag nyo akong patayin ngayon, kasi gusto ko pang pakasalan si Calix." Huminga ako ng malalim. Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha ko. "Please tell my mom kung gaano ako kathankful na sya ang naging mama ko. Tell her I love her. And my friends too... mamimiss ko sila, mahal ko silang lahat, Baste would be really sad, I'm sure."

Wala akong narinig na salita sa mga kidnappers ko kaya naman nagpatuloy ako. "At pakisabihan narin ang bruha kong kaibigan, please tell Sandy not to cook ever again. She messed up my stomach."

"Wha---"

Napakunot ang noo ko ng makarinig akong nagsalita. Pamilyar ang boses non!

Hindi. Guniguni ko lang ata. Baka guni-guni ko lang. Ganito naman ang mga taong malapit nang mamatay hindi ba? Nagkakaroon sila ng guni guni.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong huminto na ang sinaaakyan naming van.

I can't see anything pero naramdaman ko nanaman ang paghawak sa akin nung mga kidnapper at pagakay sa akin pababa.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now