Chapter 7

16.7K 400 15
                                    

Naya

Agad akong kinabahan nang buksan ko ang screen ng phone ko. Ang daming messages at missed calls from three people. Baste, Sandy and Neeon.

Kinabahan agad ako sa mga text ni Sandy. Galit sya. I was about to dial her number nang biglang magring ang cellphone ko. It's Baste.

I bit my lip. "Y-yes?"

[Finally Naya, you're finally up! I've been calling you a hundred times, for goodness sake!]

I tensely laughed. "Hundred times talaga? Parang hindi naman!" I tried to joke around.

[Nakuha mo pa talagang magbiro, humanda ka sa akin. You made us worried---] napahinto sya sa pagsasalita at pumalit ang boses ni Sandy. [Hoy, anong oras na Naya! Nasaan ka na?!]

"Sa taxi." I answered.

[Lagot ka kay manang! Pinag alala mo mga tao dito sa bahay nyo! I was called by manang, tinatanong nasaan ka na, hindi ka manlang macontact anong oras na!]

Hindi ako sumagot. Kinakabahan na nga. Manang Lyn's like mother to me, one of our kasama sa bahay. Sya nga ang nag-alaga sa akin mula sa pagkabata ko. Palaging nandyan kapag wala si mommy. Kaya naman kilalang kilala ko na si manang Lyn, alam ko kung paano ito magalit.

"You know that I love you, diba?" Sweet na boses kong sabi. Pinaka sweet kong boses yan kaya sana gumana. "Please, sabihin mo naman kay manang oh, hindi ako makakauwi? Libre kita ng isang linggong lunch! Sobrang lakas kasi ng ulan."

Napa-gasp siya. Narinig ko iyon kahit mula sa kabilang linya.

"Please?"

[Hala ka, Naya! San ka matutulog? Nasaan ka ba talaga? Nandito kami ngayon ni Baste sa bahay nyo, umuwi ka na nga! Itong babaeng to!]

"Kila Sir. Long story, I will tell you tomorrow."

[Sir?! Sinong sir yan?]

Napalunok ako. Tama bang sabihin ko pa? Sighs, kasi naman iba ang takbo ng utak ni Sandy.

"S-si Sir Calix." I said. Hesitantly.

Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko at hinintay ang magiging reaksyon niya pero walang nagsalita hanggang sa maging boses nanaman ni Baste.

"Sorry, Baste."

[Damn.]

"Please don't get mad."

[What happened, Naya? Are you okay? Why are you staying with him?]

Napababa ang tingin ko sa paa kong nakabenda at sa basa kong damit na medyo natuyo na, at sa blazer ni Calix na suot ko.

"Oo, ayos lang ako, I swear. Sige na, Baste. Ibaba ko na. Sorry talaga, wag kang magalit okay? Magkita tayo bukas."

Hindi sya nagsalita at si Sandy na ulit. [Sige, sige, ako bahala kay manang. Mag ingat kayo ha? Always use protection, incase lang. Fighting, Naya. I love you!]

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Protection saan? I don't get it kaya naman di ko nalang pinansin. "Thanks. I love you too."

Napahinga ako ng maluwag ng maibaba ko ang tawag. Dinial ko sunod ang number ni Neeon. I've read his texts, I made him worried.

"Hi." Bungad ko.

[Nakauwi ka na?] Tanong naman nya agad kaya napatawa ako ng mahina. True friend.

"Actually, hindi. But don't worry, ayos naman ako." I smiled. "Thanks for checking me out."

[Welcome. Tinawagan kasi ako ni Sandy kanina and it worried me, kaya naman it's good to hear na ayos ka.]

"Thanks Neeon." I said before cutting the line. Nilingon ko ng sandali si Calix na sa labas ng bintana nakatingin.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon