Chapter 21

7.6K 180 8
                                    


Ilang araw na ang lumipas simula nang sinabihan ako ng ganoon ni mommy.

Hindi ko alam, dahil tuwing naguusap kaming dalawa ng mommy ko ay lagi nya iyong sinasabi. She kept on insisting it.

Wala parin akong naiintindihan. Palaging tumatakbo sa isip ko ang mga sinasabi nya. Hindi ko parin maintindihan bakit nagkaganon?

Kahit wala ako sa wisyo ko, nagawa ko paring attendan ang mga klase ko. Pinipilit kong intindihin ang lahat ng itinuturo pero hindi talaga kayang gawin ng utak ko.

"Humanitarian rights." Calix wrote those words on the white board. "What's the first thing that comes in your mind or your insights the point you hear these words?" Tanong nito sa klase.

Maraming nagsisagutan sa tanong niya.

"All of those are right. Since this is your political subject, we are supposed to tackle laws." Tinanggal nito ang salamin nyang nakasabit sa long sleeves polo na suot nya at sinuot iyon. At muling iniharap ang iPad nya sa table kung saan nakalagay ang binabasehan nya ng mga tinatalakay sa amin.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang bawat kilos ni Calix. Ang gwapo gumalaw. Katulad ng palagi, nakatupi hanggang sa siko nya ang suot nyang polo, nakatuck in iyon sa kanyang kakhi pants habang nakabalandra ang suot nyang belt.

"Give me atlest five or seven human rights that you may know of." Calix sure love interactions between him and his students and I think that is one of the reasons why his subject that is supposed to be the most boring in the whole semester turned out to be the most enjoyable subject we have. Plus, I get to see him everytime.

"We have a right to education." Sagot ng isa sa mga blockmates ko na si Irish.

Agad naman na nagtaas ng kamay si
Ruby. "Sir, everyone has a right to breathe."

Natawa naman ng mahina si Calix sa sinagot ni Ruby.

"Karapatang mamuhay ng matiwasay, well at least to leave happily." Sagot naman ni Roxane na tinanguan ni Calix.

"We, everyone, has a right to love and to be loved. In short, love." Sagot ni Jillian.

Tumayo si Sandy at pumalakpak. "Tama!"

Nagtawanan naman tuloy ang mga kaklase ko.

'Everyone has a right to love and to be loved.'

Karapatan ng mga tao yon, kaya bakit kailangang may pumigil sa kanilang gawin iyon? Bakit kailangang laging may antagonist sa istorya? Bakit laging may twist? Hindi nawawalan ng conflict? Bakit hindi nalang palaging masaya? Bakit kailangan pang may umiyak? Bakit kailangan pang laging may mga tumutol?

Nilingon ko si Calix na nakangiting nagmamasid sa buong klase. Nakita ko ang sandaling pagsulyap nya sa akin. He smiled at me.

Gusto ko syang laging nakikitang nakangiti. He's the prettiest when he smiles.

"Everyone has a right to feel love, kaya nga may destined na tao sa bawat isa." Jea commented.

"You know what, that's a lie. Kung totoo yan, bakit may mga tumatandang dalaga? May mga nabubroken heart? May mga umiiyak dahil dyan sa love na yan?" May tonong pagka bitter ang sabi ni Princess.

"By chance meron ngang ganon. I think it's their choice. They choose to grow old alone. Atsaka broken heart? Hindi ba phase yan ng love?"Andrea.

"Not at all times, Andrea. Hindi love ang kailangan ng tao para mabuhay. Puro pagmamahal na lang, dahilan para maraming taong mapariwara. Hindi naman ibig sabihin love positive again, fyi love has negative outcomes too." Depensa ni Almen.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon