Chapter 6

16.8K 400 8
                                    


Great, Naya. Exposure nanaman to! Paulit ulit na bulong ko sa utak ko habang sinasalubong ang bawat tingin ng mga estudyanteng nakakasalubong namin ni Sir Calix.

Hindi ko alam kung tama bang desisyon ang sumabay pa sa payong nya. I feel like all these students are already killing and torturing me in their minds.

"Dito nalang." Mahina kong sabi at mabilis na lumipat sa waiting shed na hinintuan namin. "T-thanks sa pagsabay."

Tumango lamang ito bilang sagot at tinalikuran ako. He started making his way nang maalala ko...

"Sir!" Tawag ko sa kanya kaya naman napahinto sya. He looked at me. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya hanggang sa makapayong ulit ako.

He looked at me, hinihintay kung anong gagawin ko at mukhang nagtataka kung bakit tinawag ko nanaman sya.

Mabilis kong kinuha ang panyo nya na pinahiram nya sa akin noon nang umiyak ako sa harap nya unintentionally.

"By the way, ito na po pala yung panyo mo. It served me a help last night, thank you ulit." Inabot ko sa kanya ang panyo at tumalikod na.

I took my first step then next, and then the next one papalayo sa kanya. Hanggang sa isang nakakahiyang bagay ang nangyari.

I slipped. For goodness sake, nadulas ako!

Nakakahiya, nadulas ako!

Sana may teleportation power nalang ako para bigla nalang mawala. O kaya bigla nalang talaga akong maglaho. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya.

Nakita kong lumapit sa akin si Calix.

Pwede bang maglaho nalang? Nakakahiya sa kanya, pati sa lahat ng mga nakakakita.

"Are you okay?" He asked. Tumalungko sya sa tabi ko.

I gulped. Probably no, Calix! Ikaw kayang madulas dahil sa katangahan tapos tanungin kita kung ayos lang?

Umiling ako at ginalaw ang mga binti ko para makatayo nang maramdaman ko ang kirot sa kaliwa kong paa.

I did my best to look cool at pinilit na tumayo. Calix tried to help me by holding my hand but I don't think it helped. Masakit talaga.

"K-kaya ko na." Mahina kong sabi at pilit nalumakad pero makalipas lang ang ilang hakbang ay natumba na agad ako.

"You can't." Aniya.

Kinuha nya ang kamay ko para ipahawak sa akin ang payong nya. Kinuha nya pa ang isang kamay ko at isinabit iyon sa balikat nya. And the next thing I knew is, buhat na nya ako na parang bagong kasal kaming dalawa.

Oh god. Pano nangyari to?

"Ibaba mo ko. I can walk, Sir."

He seemed not to bother.

"Kaya kong maglakad." I demanded pero hindi nya parin ako pinapansin. I don't need his help.

"Hindi ko kailangan ng tulong. Please, put me down!" Nasasabi ko ito dahil sa hiya. Nauubusan na ako non kaya I'm trying to save what's left. Kung hindi nya ako tutulungan ngayon, makakalayo ako mula sa tingin ng iba. Mas magiging mabuti iyon.

"I can---"

"You can't. What's with that two words you don't understand, Naya?!" He asked, a hint of annoyance is very much evident on his voice. "Goddamn, stop being stubborn would you?!"

Hindi ako nagsalita at hinayaan nalang sya. Seriously, wala na akong mahanap na salita nang pagtaasan ako ng boses ni Calix. This is the first time in record. Kahit kailan hindi nya ako nasigawan kahit dati pa.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon