Chapter 31

5.3K 137 3
                                    

Pinagmasdan ko ang buong baybayin ng dagat.

Ang lakas ng hangin pero ang lakas din ng sinag ng araw. May mga batang naglalaro ng buhangin. May mga magbabarkada. May buong pamilya. Lahat sila masasaya. Nalilibang ako sa panonood lang sa kanila.

Ang gandang pagmasdan ng ganitong tanawin.

"If you want, we can roam around the whole place."

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nakatayo sya sa harapan ko, ni hindi ko gaanong makita ang mukha nya dahil natatamaan ng sinag ng araw ang bandang likuran nya.

"Papasyal tayo?" Tanong ko sa kanya habang tinatakpan ang noo ko ng kanang kamay ko.

Tumango sya at inilahad ang kamay nya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at naglakad kami.

Naglalakad kami na walang nagsasalita. Huminga ako ng malalim at umubo ng mahina. I mustered all my courage to open my mouth. "Why did you two broke up?"

Hindi ko alam kung paano ko nagawang tanungin iyon.

Huminga ulit ako ng malalim at huminto sa paglalakad dahilan para mapahinto rin sya. "If it's alright to ask, bakit kayo naghiwalay ni Cassie?"

Nilingon ako ni Calix. "She left."

"Iniwan ka nya? Why?"

"She studied abroad." Maikling sagot nya. Muli syang lumakad kaya naman lumakad na rin ako. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko at paglipat ng kamay nya sa balikat ko. Umakbay sya sa akin maya maya pa ay naramdaman ko ang marahan nyang paghalik sa ulo ko. "Are you alright? Have you had any injury from earlier?"

"Thankfully, none. Sabi ko nga diba, niligtas ako ng ex mo."

Nakita ko ang pagsimangot nya kaya naman napatawa ako.

Naglalakad kami sa harap ng hilera ng mga souvenir shops, medyo labas na ng hotel area.

Maraming mga tao na nagbabakasyon at mga tumitingin tingin sa mga shop na iyon. Nalibang naman ako sa pag ikot namin. For a while, nakalimutan ko na makakasama namin hanggang bukas ang maganda at mabait na ex ni Calix.

"Mag swimming tayo?" Aya ko sa kanya.

Nakaupo kami sa buhanginan katatapos lang naming kumain kanina sa nadaanan naming mini restaurant at naisipan muna naming mag- stay sa tabing dagat.

Umiling sya at pinaikot ang daliri ko sa daliri nya, actually, kanina nya pa pinaglalaruan ang kamay ko. "Let's just stay here."

"Tignan mo ang dagat, Calix. Ang ganda ganda. Sayang naman kung hindi tayo lalangoy!"

Mukhang wala talaga syang balak maligo sa dagat. Napagpasyahan kong tumayo. Tinanggal ko ang phone ko sa aking bulsa at ibinaba ko iyon sa lapag. Mabilis ko syang hinalikan sa pisngi at masayang tumakbo patungo sa dagat.

"Tara na! Tignan mo naman, hapon na at wala ng malakas na sinag ng araw! Don't worry hindi masusunog ang skin mo!" Panghihikayat ko sa kanya."Love, please? Swimming tayo?" Tanong ko ulit at mas pinagigihan ang pagpapaawa pero ayaw nya parin kaya naman napasimangot ako. Inirapan ko sya at tuluyan na lamang na lumangoy.

Ang lamig at ang sarap sa balat ng tubig!

"Talaga bang ayaw mo? Ang saya dito, Calix!" Sigaw ko sa kanya.

Nakatayo lang sya don at nakacross arms habang nakatingin sa akin. Tinanguan nya ako ng may matipid na ngiti. "I look over you from here." Sabi nya.

So, hindi pa rin?

Siningkitan ko sya ng mata at tinalikuran.

Pano ko ba sya makukumbinsi?

Nagswimming ako sa mababaw lang at sa bungad. Hindi talaga ako sinamahan ni Calix kaya ang boring boring parin. Paniguradong mas masaya dito kung kasama ko sya. Malungkot pag mag-isa pero kapag nililingon ko naman sya ay tila contented na sya sa kinaroroonan nya.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon