Chapter 30

5.2K 118 8
                                    


"Wow, bro! I still can't believe you're really getting married!" Natatawang sabi ni Jack kay Travix. "You hate marriage, man! Hanga talaga ako kay Izzie."

Narinig ko naman ang pagtawa ni Travix na nakaupo hindi kalayuan sa amin. "Sometimes you gotta break your principle for someone." Kita ko ang matamis na pag ngiti nya nang balingan ang girlfriend nya, future wife.

Nandito kami ng buong kaibigan nila Calix sa lobby isang hotel near the beach sa Batangas, out of town. Bukas na ang kasal ng kaibigan ni Calix.

Napagpasyahan nyang isama ako upang mag relax kahit paano. Hindi ko nagawang tumanggi pa. Sobrang gulo ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan kailangan kong huminga. Isa pa ay end na rin ng semester, mayroon kaming bakasyon sa school.

Maya-maya pa ay dumating ang isang receptionist ng hotel at inabot ang kanya kanyang susi ng room sa mga guests. Magkasama kaming dalawa ni Calix sa isang hotel room.

"Are you tired? Gusto mo tumawag nalang ako ng room service para magpadala ng pagkain." Tanong ni Calix sa akin habang inilalapag ang mga gamit namin sa isang table.

Pinusod ko ang buhok ko at inilingan sya, nakaupo ako sa kama at nakatingin sa labas mula sa bintana. Mula dito ay kitang kita ang beach sa ibaba.

Maganda sa labas at excited na akong pumasyal doon.

"Naya." Tawag nya sa akin habang naglalakad paparoon sa tabi ko.

"Parang masaya don." Nakangiting sabi ko sa kanya habang nakanguso sa ibaba, sa beach kung saan may mga taong naglalangoy.

I saw him smile. "Let's go there later."

Umupo sya sa tabi ko kaya agad kong ibinaling ang ulo ko sa balikat nya. "Travix and Izzie looked so happy."

"Yeah, they are." I sense Calix's smile. "I can't wait for our turn."

"Malapit na yung sayo." Tinaggal ko ang pagkakasandal ko sa balikat nya. "You're getting married, right?" Pagbibiro ko.

Nakita ko ang pagsimangot nya kaya naman natawa ako. "Joke lang po." Sabi ko at nagtaas ng peace sign.

Hindi ko alam kung paano ko ba nagagawang biruin pa ang sitwasyon naming dalawa kung noong nakaraang araw lamang ay magang maga ang mga mata ko kakaiyak dahil dito. Totoo ang nangyayari. Totoo ang problemang hinaharap namin. Totoong ikakasal si Calix kay Leila. Totoo yun. Lagi iyang pinapamukha sa akin ng mom nya.

Hindi ko alam pano pa ako nakakatawa. Siguro dahil nagsawa na ang mga mata ko kakaiyak?

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Calix ang kamay ko at ihiga sa ako sa kama. "Calix!" Saway ko sa kanya nang maramdaman ko ang pagkiliti nya sa bewang ko. "Calix, stop tickling me!" Nagpupumiglas ako habang natatawa.

Tinawanan ako ni Calix. Ilang sandali lang naman ay huminto sya. Sandali nya akong pinagmasdan. Maya maya pa ay marahan nya akong ginawaran ng halik.

"You're the one I'm gonna marry. That's final, lady. No one's ever gonna stop me. Not even my mom." He said as he kissed me again. I closed my eyes as I wrapped my arms around his nape. I kissed Calix back. "Ikaw lang ang kailangan ko, Naya." He uttered between our kisses.

"Ikaw ang mundo ko, Naya."

Matapos namin ayusin ang mga gamit namin sa hotel room ay napagpasyahan namin ni Calix na bumaba para sa isang lunch kasama ang lahat ng mga kaibigan nila. Bumaba kami sa hotel lounge kung saan nandoon sina Jack, Jace, Denzel at Travix na may kanya kanyang kasama.

Ang iba nilang kasama kanina ay wala doon. Sila sila lang talaga ang nandoon at nagkakainan na.

"Here comes the couple!" Tumatawang sigaw ni Jack ng makita kaming dalawa ni Calix.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon