Chapter 12

13.7K 321 25
                                    


Flashback

"Hanggang kailan ka magmumukmok dyan? Tara na, Naya uwian na oh." Sabi ni Sandy sabay katok sa table na kinadudukdukan ko.

Nilingon ko sya. "Sige, mauna ka na. Mamaya na ako uuwi."

Hinatak nya ang isang upuan at umupo sa harapan ko. "Alam kong nahihirapan ka, Naya. Nakakainis rin naman kasi yang nanay ni Calix. Diba kung totoong mahal nya ang anak nya she'll let him happy. Bat parehas nya kayong pinapahirapan."

Naiyak ako sa sinabi ni Sandy. Napadukdok nalang ako sa desk at nagpatuloy sa pag-iyak. This is the only thing I can do. Ang umiyak. After leaving Calix, that's all I did.

Naramdaman ko ang pagtapik nya sa balikat ko. "Okay lang yan, Naya. Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Umuwi na tayo para makapahinga ka. Nakakapagod ding umiyak no."

Tumango ako at napagpasyahang umuwi na.  Halos magkapitbahay lang din naman kami ni Sandy, ilang blocks lang ang pagitan ng mga bahay namin. Naglakad kami papauwi, I can tell how bad Sandy wanted me to feel nice, kung ano anong mga kinikwento nya sa akin. Hanggang sa marating nya ang bahay nya kaya naman mag-isa nalang akong nag lakad.

Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay ay napahinto ako nang may mapansin ako na silhouette ng isang lalake sa harap ng bahay namin. Tindig palang nya, kilalang kilala ko na.

Si Calix.

Huminga ako ng malalim at napailing. He shouldn't be here.

Napansin nya ata ako kaya naman lumapit sya sa akin. I did my best to pretend that I did not notice him. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Ayoko syang tignan so I didn't even took a glance on him. Kasi alam kong mahahalata nya ang tingin ko. Pasalamat nalang rin ako dahil madilim na at siguradong hindi nya mapapansin ang namumugtong mga mata ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng hawakan nya ang braso ko. "Naya. Mag usap tayo."

Boses palang nya gusto nang tumulo ng mga luha ko. Hawak nya palang sa akin, nanghihina na ako. Ilang araw palang ang  lumipas matapos ng ginawa ko, namiss ko na sya ng sobra. Sobrang sobra.

Napahinto ako pero hindi ko parin sya nililingon. "We're done, Calix."

Hinigpitan nya ang pagkakahawak sa akin at ihinarap ako sa kanya. "Please, Naya. I can't just accept all the things you told me. Why all of a sudden? I just want to know the reason." Mahina nyang sabi.

Alam kong ang sama sama ko na sa paningin nya, pero para sa kanya naman to eh. Para hindi sila magkasira ng mom nya. He may hate me all he want pero ginawa ko lang to para sa kanya. Para na rin matahimik ang lahat.

Hinarap ko sya at inilingan, tignan sya diretso sa mga mata.

Lumapit sya sa akin, na sobrang lapit. Niyakap nya ako, hinayaan ko lang.

"Please, Naya. I know you still love me. I know you do." Bulong nya. Parang pinipiga ang puso ko. "Please tell me that you still love me." He begged.

"Sorry..." the only word that came out of my mouth.

I composed myself at humiwalay sa yakap nya. "Hindi na kita mah----" hindi ko na natapos pa ang mga salitang sasabihin ko halikan nya ko.

Calix softly brushed his lips against mine. Everythings delicate. Calix kissed me as if everything's fine.

Huminto sya at hinawakan ang pisngi ko. "Please don't do this, Naya. Huwag mo kong iwan, kung hindi mo na ako mahal, give me a chance gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako ulit."

"Pakawalan mo na ako. Let's just... just end this, please." Bulong ko.

Mahina ang loob ko.

Hindi kayang lumaban. Hindi ko kaya, Calix. Kahit mahal kita. Mas kakayanin ko pang pakawalan ka.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon