Chapter 28

4.6K 118 1
                                    

Napitlag ako nang maramdaman ko ang yakap nya sa akin. Niyakap nya ako. Nakayakap sya sa akin. Hindi ko mapigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"I've missed you, Naya." Bulong nya kaya naman napalakas ang pag-iyak ko. Pinikit ko ng madiin ang mga mata ko at paulit ulit na sinabi sa sarili ko na tumahan na pero hindi naman tumatalab. Mas lalo akong naiiyak lalo na't nandito na sya ngayon sa harap ko at yakap yakap ako. Nandito na si Calix.

"I missed you, love." Bulong nya.

"Ako rin, Calix." Nanginginig ang boses ko.

Niyakap ko sya pabalik. Niyakap ko sya ng mahigpit.

Nagpatuloy sa pagluha ang mga mata ko nang lumayo sya sa akin. Sandali nyang pinahidan ang pisngi ko dahil sa luha ko at pinasakay ng kotse nya.

"I'm sorry." Humarap sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pain is written all over his face. "For making you feel that I'm giving up." dagdag pa nya.

Napayuko ako.

"I'm sorry, love. I'm a jerk, I'm sorry for being a jerk." Pinahidan nya ang luha ko sa pisngi.

Suminghot ako ng hangin at kunot noong tumingin sa kanya kahit ang mga luha sa mga mata ko ay ayaw ng magsitigil.

"Ano ba kasing nangyari, Calix? Simula nung nagusap kayo ng mommy ko, iniiwasan mo na ako. Bakit nagbago ka?"

"Natakot ako." maikling sabi nya. Nakita ko ang pagbaba ng tingin nya, nakahawak parin ang kamay nya sa pisngi ko. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata nya. "Ilalayo ka nya sa akin. She'll sent you away."

Gusto kong magalit sa kanya at sabihing walang magagawa at mangyayari kung iiwasan nya ako pero hindi ko magawa dahil naunang lumambot ang puso ko ng makita kong tumulo na ang luha nya.

Tuwing nakikita ko syang umiiyak para akong sinasakal.

Wala naman akong karapatang magalit sa mommy ko dahil anak lang naman nya ako, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang galit na iyon.

"We're not meant for each other, that's it for her. And I don't have any fight from that, love." Mahina lang ang boses nya, bahagya kong nakita ang pagtaas baba ng Adam's Apple nya.

"Just looking at you, I can't really give up so easily." Muli nyang binalik ang tingin nya sa akin. Inayos nya ang magulo kong buhok at hinalikan ang gilid ng noo ko. "Hindi ko kaya. Sinubukan kong iwasan ka pansamantala para akong pinapatay. Hindi ko kaya. I thought looking at you from afar can be enough than just never seeing you ever again but it's bullshit. Hindi ko kaya."

"Kasi ikaw eh." Natatawa kong sabi kahit umiiyak. Suminghot ako ng hangin at niyakap sya ng mahigpit.

"Wag mo nang uulitin yan. Don't avoid me. Well do something about it, just don't leave me, Calix."

Naramdaman ko ang pagbaling ng ulo nya sa sa tenga ko, ang init ng hininga nya at ang higpit ng yakap sa akin.

I've missed this.

"I love you, I love you, Naya." Bulong nya.

--
Kamusta? Nakauwi ka na ba? Be okay, k?
-Baste.
--

"Sinong nagtext?" Tanong ni Calix, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya sa akin mula sa gilid ko.

He's resting his chin on my shoulder.

Amoy na amoy ko ang pabango nya, damang dama ko ang init ng katawan nya.

Talagang totoo nga yung nangyari kanina. Kasama ko na si Calix. Eto nga't katabi ko sya at nakayakap sa akin.

"Si Baste." sagot ko sa kanya. Itinaas ko ang tingin ko sa langit at tinignan ang mga bituin doon.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng building kung nasaan ang unit ni Calix. Napagpasyahan nyang dalhin ako dito upang magpahangin.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon