Chapter 42

6K 157 11
                                    

Calix is here. I'm sure it's Calix. Kabisado ko ang istura nya kahit nakatalikod. Kabisado ko ang tindig nya. Kabisado ko si Calix at alam kong sya ito.

Parang nanunuyo ang lalamunan ko but still I managed to call out his name.

Lumingon sya sa akin. Tama ako, sya nga.

I felt a hundred butterflies flying inside my stomach. It felt like I never saw him for a decade. Hindi ako makapaniwalang nandito na sya. Nandito na si Calix sa harapan ko.

Humakbang ako papalapit sa kanya. I want to reach him out, touch his face, hug him tight, but before I could do so, ay hindi ko napansin ang taong naglalakad rin papunta sa direksyon ko. Dahil dito ay nakabungguan kaming dalawa at naout of balance ako.

Agad-agad na nakuha ko ang atensyon ng mga tao malapit sa amin. Mabilis na lumapit sa akin si Calix at alalang alala tinignan ako.

"Damn." Bulong nya nang mapansing napainda ako dahil sa pagkakahulog ko, nabasa pa ako ng wine ng nakabunggo sa akin. Pero hindi ko na iyon pinansin at agad na syang niyakap. Isang napakahigpit na yakap.

Hindi ko pinansin ang usap usapan ng ibang mga tao. Wala na akong pakielam sa paligid basta't yakap ko si Calix. Pinahidan ko agad ang luha na kumawala mula sa mata ko.

Kumalas ako sandali at nilingon sya. He look surprised. Maybe dahil galit ako sa kanya nang huli naming pagkikita at ngayon ay niyayakap sya na parang wala ng bukas.

After recovering from the state of shock inalalayan nya pa akong tumayo. "W-wait." Angal ko, kahit isang hakbang pa lang ay sobrang sakit na ng kanang paa ko.

"I'll carry you." Paalam nya na inilingan ko agad. Nakadress ako! Anong hitsura ko pag pumasan ako sa kanya?

"I can walk."

Kinagat ko ang pagibaba kong labi at naglakad ulit. Gusto ko nalang magstay sa kung saan ako nakatayo at wag nang humakbang kahit kailan dahil sa sakit.

Napatigil ako sa paglalakad ng huminto si Calix. Tinignan ko sya ng nagtataka kung bakit hinuhubad nya ang suot nyang coat. "I can't let you walk in pain, Naya." Lumapit sya sa akin, akala ko yayakapin nya ako pero naramdaman ko ng itinatali nya ang mahabang manggas ng coat nya sa waist ko, pagkatapos non ay bumwelo sya't binuhat ako na tila bago kaming kasal.

Sa ginawa nyang iyon ay nabuhat nya ako nang walang nakakakita o makakasilip sa akin. Naglakad si Calix papalabas ng hall, hanggang paglabas namin ay pansin ko ang tingin ng mga tao sa aming dalawa.

We were not able to finish the party. Calix got me in his car without any words. Even I, I cannot even say anything. Parang kahapon lang, kanina lang ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Ang dami kong gustong itanong pero ngayon ay tila napipipi ako.

"I'll bring you to the hospital." Sabi nya habang kinakabit ang seatbelt sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko. Nilingon nya ako at sandaling pinagmasdan ang mukha ko. "We'll get you tended." Sabi nya bago umayos ng upo sa driver's seat.

"Wait, no. Don't bring me to the hospital."

Napakunot ang noo nya.

"I mean, I can handle. Hindi mo naman kailangang dalhin pa ako sa hospital." I cleared my throat. Damn, why am I like this. Why am I intimidated by him all of the sudden?

Hindi ko alam. Maybe it's the fact that I know everything now. Sobrang nag iba ang tingin ko sa kanya. He is not the asshole that I thought he was. He's not coward. Hindi sya ang may kasalanan sa lahat ng nangyari.

"Can we go to your place instead?"

Calix was stopped as he was about to drive. Nilingon nya ako. I just don't know how did I muster all the courage to say that. Tinanguan na lamang ako ni Calix, kahit pansin ko ang pagtataka sa mukha nya.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon