Chapter 11

13.6K 320 10
                                    

Naya

"Okay, sige na. Pumasok ka na sa klase mo. Lagot ka na talaga sakin." pagbabanta ko kay Baste na kanyang tinawanan lang.

Ginulo nya ang buhok ko kaya naman napakunot ang noo ko, "pumasok ka na."

Tumango sya, "opo, Madam. Basta tawagan mo nalang ako, pag may nangyari," sabi nya bago umalis.

Nawala na sa loob ko na hanggang ngayon ay nawawala parin ang phone ko. Kinuha ng mga babaeng nambully sakin noong nakaraan, hindi naman naibalik. I should really get a new one.

Napailing nalang ako at nagumpisa nang maglakad.

Sighs.

Kailangan ko pa palang hanapin si Sandy at baka matuluyan nang masiraan ng bait ang isang yon. Oh well, hindi pa ba sira ang pag-iisip nya? San ka ba naman nakakita ng estudyanteng sumisigaw sa gitna ng klase. Ang lakas din ng loob para magbigay ng advice kay Calix, este kay sir Calix.

Napailing nalang ako.

Napagisipan kong pumunta sa school cafeteria since gutom narin naman na ako at baka don ko pa makita si Sandy.

Tama.

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ay isang malaking kumpol agad ng mga estudyante ang sumalubong sa akin.

Napakunot ang noo ko.

Gusto ko sanang makiusyoso kaso nagugutom na ako kaya naman dumiretso na ako sa isang food stall.

Nasa pila na ako, nang makarinig ako ng sigawan. Isang pamilyar na boses.

Kilala ko ang may ari ng boses na yon.

Nagmadali akong lumapit sa mga studyante na nagkukumpulan at pinilit na marating ang harap.

Si Neeon, nakikipag away. Kailan pa sya natutong mag basag ulo? Just, what the hell?

Nakikipagsuntukan sa ex ni Sandy. Seriously, ano bang nangyayari?

"Gago ka naman eh! Wala ka ng karapatan sa kanya!" galit na galit na sigaw ni Neeon sabay sugod kay Gray na agad rin namang nakabwelo para suntukin din siya pabalik.

"Why do you even care? Labas ka saming dalawa gago! Panakip butas ka lang naman."

Nakakaasar. Wala manlang ni isa sa mga estudyante dito ang may balak awatin ang dalawa. All they do is to get their phones and took a video of everything.

Tumakbo ako sa kanilang dalawa, sakto namang pagkatumba ni Neeon gawa ng malakas na suntok ni Gray dito.

"Tama na Gray! Tumigil ka." Sabi ko, hinawakan ko sya sa braso dahil balak nanman nyang suntukin pero tinulak nya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Agad na tumayo si Neeon at inalalayan akong tumayo.

Aalis pa sya at akmang susugod kay Gray kaya agad ko syang pinigilan pero ayaw nya at nagpatuloy lang silang magsuntukan sa harap ng maraming studyante.

"Walang hiya! Magsitigil kayo!" Tila nag echo sa buong lugar ang boses ng taratitat kong kaibigan na syang nagpatigil sa dalawang lalake sa pagsusuntukan, gayon din ang mga walang kwentang usap usap ng mga estudyante.

Lumapit sa kanilang dalawa si Sandy at tinanggal ang mga kamay ng isat isa sa mga kwelyo nila.

"Bakit kayo nag aaway, jusko!"

Hinarap nya si Neeon at asar na tinignan ito. "Ikaw, sige, sabihin mo. Pag nabali ba yang kamay mo kakasuntok, makakapagitara ka pa?"

Hindi makaimik si Neeon.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon