Chapter 43

7.7K 154 16
                                    

"Sigurado ka bang pagkain ang tawag dito?" Nagaalangang tanong ko kay Sandy habang nakatingin sa kung anong bagay na nakalagay sa pinggan ko.

Sinamaan nya ako ng tingin at umirap. "Sige, laiitin mo lang." Sarkastiko nyang sabi.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa pinggan, seafood na hindi ko alam kung anong luto. Basta nakikita ko na linagyan nya ng butter at coconut milk yung clam. Hindi nya rin alam kung ano ang tawag sa niluto nya basta daw ay nakita nya ito sa isang video sa youtube.

I doubt sa lasa. Kung hindi ba sasakit ang tiyan ko pag sumubo ako nito pero sa tingin palang sa akin ni Sandy ay mukhang hindi nya ako papayagan na hindi tumikim at ubusin ang nilagay nya sa plato ko.

"Kumain ka na, dami mo pang dada." Sabi nya habang sinusubo ang isang nasa kutsara nya.

Nagdadalawang isip pa ako kung susubo nga ba ako but in the end, napilit nya ako. Hindi naman masama ang lasa. Lasa parin siyang pagkain.

"Opps. Saglit may tumatawag." Huminto si Sandy sa pagsubo at kinuha ang tumutunog nyang phone. She excused herself na sasagutin ang tumawag.

Naiwan ako sa lamesang kumakain. Ilang sandali pa ay bumalik din si Sandy.

"I need to go. May date pa pala kami ni baby. Ubusin mo yan pati narin tong sakin."

Pagkasabi nya non ay mabilis syang umalis, hindi ako nakapagsalita nawala na agad sya.

Naiwan akong may pagkaing hindi ka sarapan sa table ko. No choice left for me, sayang naman kung itatapon ko ito, hindi naman masama ang lasa at mapagttyagaan naman kaya kakainin ko nalang.

Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko upang makita kung may text na ba si Calix pero hanggang ngayon ay wala parin.

Pinagkibit balikat ko na lamang iyon. Baka naman busy lang ang love ko kaya hindi sya makapagtext sa akin o makapagreply manlang sa texts ko.

Buong araw akong nakahiga, nanonood at walang magawa sa bahay kundi ang magpabalikbalik sa banyo.

Hindi ko alam. Sobrang sakit ng tyan ko at hindi ako mapakali. Maya't maya akong pumupunta sa banyo. May lbm ata ako.

I don't know why. Bakit ba nagkaganito ang tyan ko? Nagkakahinala ako, siguro dahil iyon sa niluto ni Sandy na clam.

Natapat pa na wala akong gamot sa bahay. Lalabas pa ako para makabili. Tell me how lucky I am, sobrang sakit ng tyan ko, walang gamot sa bahay at ngayon ay walang taxi na naliligaw sa subdivision na to.

Hindi na nga ako nakapagayos kahit suklayin manlang ang buhok ko at palitan ang suot suot kong pajama at jacket. Gusto ko nalang talagang makakuha ng gamot at maibsan ang nararamdaman ko.

Nagmadali nalang akong naglakad habang nakalamukos ang kamay sa loob ng bulsa ng jacket ko.

Malamig dahil Christmas season na, nakajacket ako dahil nilalamig ako pero ngayon ay pinagpapawisan na dahil sa tyan ko.

Humanda si Sandy sa akin!

Napatigil ako sa paglalakad ng makita kong may humintong van sa harapan ko. Hindi ko sana papansinin iyon at didiretso nalang sana sa paglalakad ng biglang may lumabas doon na mga lalake.

Hindi ko naaaninagan ang mga mukha nila dahil bukod sa papagabi na ay may mask pa silang suot.

Napahinto ako nang biglang lumapit sila sa akin at hawakan ako sa magkabilaang braso

"Shit! Sino kayo?!" Sigaw ko agad at nagpumiglas sa hawak nila. Dalawang lalake sila. Hinawakan nila ang magkabilaang kamay ko, itinali nila iyon ng mahigpit sa likuran ko at nilagyan ako ng blindflod.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon