Chapter 35

5.1K 115 8
                                    

"You just what?!"

"I saw him."

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sandy na para bang nagaalala kaya naman ay inunahan ko na sya. "I just saw him. Nothing happened, I'm alright."

Mukha namang hindi naniwala si Sandy sa sinabi ko dahil hindi nagbago ang expresyon ng mukha nya.

"Seryoso." Dagdag ko pa. Napabuntong hininga naman sya.

After seven years, muli ko nakita ng harapan si Calix. He looked like how I imagined. Halos wala akong nakitang pagbabago sa itsura nya maliban sa pagmamature nya maging ng kanyang awra. Mula nang makita ko sya kanina ay hindi na nawala sa isip ko ang mukha nya. Ang lalaking sobrang nanakit sa akin.

Calixto's there. Ilang metro nalang ang layo mula sa akin, hindi tulad noon na milya milya. Nandito na nga sya sa lugar namin. Nandito na nga sya't bumalik.

"Sana hindi ko na sya makita ulit." Sabi ko kay Sandy na inilingan nya naman.

"Sana makita mo sya ulit." Sabi nya kaya naman napakunot ang noo ko. "Kung makikita mo sya at wala na syang epekto sayo, Naya, that's great. Ibig sabihin ay naka move on ka na." Umiling sya. "But if you see him again and you feel something odd, alam na, hindi ka pa tapos." Dagdag nya pa.

Hindi pa ako tapos sa kanya? Of course that's wrong. Maling mali! I'm done with him. I'm so done with him. It took me a lot of time to get over him and everything that had happened. I just hope not to ever see him again.

It's morning.

May pasok ako ngayon sa school kaya naman agad na kong ginayak ang sarili ko. I did my routine, maligo,magluto at kumain. Habang tinatapos ko ang breakfast ko ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. Someone texted me.

--
Good morning! Rise and shine, angel.
-Unregistered no.
--

--
??
-Naya
--

Binaba ko ang cellphone ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.

It's quarter to seven AM, kahit eight pa naman ang klase ko ay nakasanayan ko nang pumasok ng maaga para hindi ma bored mag-isa sa bahay at para na rin makapag ayos ng classroom bago dumating ang mga pupils ko.

Hindi na rin nagreply yung unknown number na yon kaya naman tinago ko na ang phone ko. Baka naman nagkamali lang ng number na nasendan. Hindi ko nalang pinansin at lumabas nalang ng bahay.

I was humming some kind of song habang isinasara ang gate ng bahay. Once I was done, my eyes caught a figure of a man standing not so far away from were I was standing.

Napahinto ako nang mapansin ko kung sino iyon. Literal na napahinto.

Alam kong kahit sino ang malagay sa lugar ko hindi nila alam ang mairereact. Kung ang lalaking nang iwan sayo ay muling magpapakita sa harapan ng bahay mo.

Bakit sya nandito? Paano nya na nalaman kung nasaan ang bahay ko? Anong ginagawa nya bakit nya ako pinuntahan.

Ang daming tanong sa isip ko.

Ano naman ang kailangan nya at nagpunta pa sya dito? Ano pa bang kailangan nya at nagpakita pa sya sa akin?

"Naya." He softly called out my name. His voice. Ang tagal kong nangulilang marinig ang boses nya. Hindi ko makalimutan ang mga panahong kung ilang beses kong hiniling sa Diyos na sana marinig ko ulit ang boses nya.

Nagsalita lang sya, sinabi lang nya ang pangalan ko ay naramdaman ko agad ang pangingilid ng luha ko.

No, Naya. You shouldn't cry. There's nothing to cry about.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon