"Hello sofia, pwede ba naming mahiram si Zeus? Miss na miss na namin siya..." mabilis na bungad na sabi ni mommy sa akin na kaagad na ikinakunot ng aking noo.

"Ngayon po?" Tanong ko sa kanya dahil parang pabor sa akin ang kapalaran ngayon.

"Yes anak, ngayon na mismo" parang pagmamadali pa nito.

Pagkaalis ni sir zach ay mabilis din kaming nagbihis ni Zeus, buti na ding kahit papaano ay nalilibang sina mommy at lola sa condo, hindi naman mahilig maglalalabas ang mga ito.

Iniwan ko si Zeus kila mommy at dumiretso sa meeting place namin nila Rea at glayn para sabay na kaming pumunta sa hospital na kinalalagyan ni lyndi. Balita ko ay babae ang naging anak nito.

"Buti at nakalabas ka" si glayn iyon.

Tinanguan ko siya. "Dinala ko si Zeus kila mommy" sabi ko dito dahilan para maliwanagan siya.

Masaya sa loob ng kwarto ni lyndi anduon na din ang cute na baby girl niya. Si sir kenneth naman ay lumabas muna para daw magkaroon kami ng time na magkakaibigan. Maingay sila at tawa ng tawa, lalo na pagbinabalikan namin ang mga pinagGagagawa namin nung College pa kami.

"Ang bilis talaga ng panahon"sambit ni ella na ikinatawa naming lahat.

Maya maya ay nagsalita si Glayn. "Si theresa nagpapasunod sa school" anunsyo nito dahil kanina ay hindi siya nakasabay sa amin dahil may klase pa siya.

"Tara sunduin natin" pagprepresinta ko dahil may dala naman akong sasakyan. Kaagad na lumawak ang ngiti ni rea at glayn na para bang nabunutan sila ng tinik.

"Akala ko mahihirapan tayo" sambit ni glayn na naging dahilan para kurutin siya ni Rea.

"Mahirapan saan?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Napataas ang isang kilay ko ng pinilit ni rea na siya ang sumagot sa akin.

"Mahirapang sunduin si Theresa" sagot niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Nagpaalam kami sandali na susunduin lang namin si Theresa, pero bago pa ako makalabas ay tinawag ako ni Lyndi.

"Congrats Sofia" nakangiting sabi niya sa akin. Sandalibg kumunot ang noo ko sa pagiisip kung para saan ang pagbati niyang iyon hanggang sa naisip ko na baka dahil sa pagpasa ko sa board exam.

"Thank you, sayo din..." nakangiting sagot ko din naman sa kanya. Ginawa niya nga kaming ninang lahat para sa baby girl niya.

Sumama sa akin si Glayn at Rea para sunduin si Theresa sa univeristy pero ang dalawa ay busy naman sa kanikanilang cellphone kaya naman tahimik na lamang din ang naging byahe namin. Ayos na din iyon para kahit sandali ay masilip ko si Sir Zach sa kanyang opisina.

"Pupuntahan ko lang si Sir zach" paalam ko sa kanila pagkababa namin sa may parking lot.

Nagtinginan pa muna ang dalawa bago nila ako sinagot. "Ah sige, sa quadrangle na lang siguro tayo magkita kita" sabi ni rea sa akin at tsaka sila mabilis na umalis ni glayn.

"Good afternoon ma'm sofia..." bati sa akin ng mga secretary nito pagkabukas ko ng pintuan, nginitian ko sila ang kaso ay nawala ang ngiti sa aking labi ng makita kong wala duon sa kanyang opisina si sir zach, malinis ito at mukhang hindi naman siya pumasok.

"Uhmmm ma'm nasa ibang campus po si sir, nagkaroon po kasi ng biglaang meeting" sabi ng secretary niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung nagtext man lang ba ito pero ni isa ay wala. Baka ay importante nga talaga ang kanyang kailangang gawin duon. Kaya hindi niya na nagawang magtext o tumawag sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum