Dahil sa sinabing iyon ni Kervy ay kaagad na nakaisip si timothy ng mga plano. Halos hindi ako makapagsalita habang naguusap ang mga ito dahil sa mga itsura nito ay hindi mo aakalain na magiging seryoso sila pagdating sa pagplaplano ng mga ganitong mga bagay.

After ng ilang paguusap pa ay nakabuo na sila ng plano. Ni hindi nila ako tinanong kung ok lang iyon sa akin.

"Yes! Akala ko talaga nuon bakla ka zach, biruin mo ba namang sa ating lima ay ikaw na lang ang walang asawa"sabi sa akin ni matteo na ikinasimangot ko.

"Asshole" sambit ko habang diretsong nakatingin sa kanya kaya naman ngumisi na lamang siya sa akin.

SOFIA POV

"Every pain is Worth it sofia..." sabi sa akin ni Callum nung minsang tumawag siya sa akin para makibalita.

I sense happiness in his voice, lalo ng ibalita nito sa akin na nalaman niya ng magiging daddy na siya. But kahit ganuon ay ikinwento pa din niya sa aking hindi pa siya ready na tanggapin si andi. Though ayos na din dahil we never know kung anytime soon matututunan niya din itong mahalin but, the good news is tanggap niya ang magiging baby nila.

He also said na miss na miss niya na kami ni Zeus. Miss na din naman namin siya, kaya nga paguwi niya next year ay marami na itong plano na pagkikita namin that's why naghihimutok si sir zach sa akin ngayon.

"He's still my friend..." pagpapaintindi ko dito.

Busy ito sa pagbibihis na ni patulungin ako sa pagbubutones ng long sleeve niya ay hindi pinagawa sa akin dahil galit siyang kinausap ko si Callum.

"I know sofia, pero..." napahinto siya dahil hindi niya alam ang dapat niyang sasabihin na para bang di niya mahanap yung tamang word para duon.

Naghihintay sana ako ng susunod pang lalabas sa bibig niya ang kaso ay inirapan na lamang ako nito. "Ang sungit naman ni Sir" pangaasar ko sa kanya.

"Ilagay mo to" masungit na utos niya sa akin tsaka nakabusangot na lumapit sa akin dala dala ang kanyang neck tie.

"Magkakababy na din siya, tsaka mabait si Callum" yun na lamang ang nasabi ko para naman kahit papaano ay makumbinsi ko siyang hindi niya dapat pinagseselosan si callum.

Tiningnan lamang ako nito. "Still ayoko pa ding kinakausap mo siya" matibay pa ding paninindigan niya kaya naman maging ako ay nainis na din.

"Kung ganun, ayoko din na kinakausap mo yung mga estudyante niyo...ayoko din na nagrerespond ka sa mga greetings nila" mataray na kondisyon ko sa kanya.

"That's a greeting sofia...they just want to show respect" pagsagot nito sa akin na ikinataas ng kabilang sulok ng aking labi.

Dahil sa inis ko ay pagkatapos kong ayusin ang neck tie niya ay lumabas na ako sa aming kwarto. Pinuntahan ko na lamang si Zeus dahil plano ko ulit na bumista kila mommy at lola sa condo dahil wala naman kaming gagawin na dalawa dito sa bahay.

Naglalakad ako papunta sa kwarto ni Zeus ng kaagad na tumunog ang aking Cellphone.

"Sofia...nanganak na si lyndi sumabay ka na sa amin pumunta sa Hospital mamaya" sabi ni rea sa kabilang linya.

"Ah...ok sige, i'll text you" alanganing sagot ko pa dito dahil may plano na sana kami ni Zeus para da buong araw na ito.

Nagkaroon tuloy ako ng problema kung saan ko iiwanan si Zeus, di ko naman siya pwedeng isama sa hospital dahil hindi safe duon. Muli kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan si mommy ang kaso ay naunahan na ako nito.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now