Mackie's P.O.V

Sa totoo lang, alam ko kung bakit siya nandito. Nung umalis siya para magpakalma, sinundan ko siya. Nakita ko sila ni Jed dun sa booth at nakita ko din kung anong nangyari sa kanila sa may tambayan niya.

Nasaktan ba ako? SOBRA. Para akong piniraso sa dalawa. Pero nung narinig ko na baka hindi sila pareho ng nararamdaman nagkapag-asa ako. Kasalanan ko din naman kung bakit ako nauungusan ng Top Learner na yun, ambagal ko kasi ee. Pero hindi, hindi ako susuko. Nakuwa man niya ang First Kiss ni Raxelle, ako naman ang magwawagi sa puso ni Raxelle.

Napalingon ako sa kanya at napatitig sa maganda at maamo niyang mukha. Ang peaceful ng aura niya. Parang walang problema.

"Mackie tingnan mo ang ganda nung buong field oh. Green na green."
"Oo nga, ang ganda. Sobra." Pero hindi yung field ang tinutukoy ko. Siya ang tinutukoy ko. Ang ganda niya talaga.
"Sana matapos na ang mission natin para naman ganto na rin kapeaceful ang buong Enchanted pati na rin ang mundo ng mga normal." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa bermuda grass. Nagulat siya at napatingin sa akin kaya nginitian ko siya.
"Hayaan mo. Magagawa natin yan. Atsaka, tutulungan at poprotektahan kita kahit na buhay ko pa ang maging kapalit nito."
"Mackie..." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Para na rin akong hinahapo sa sobrang bilis nito.

"ALL HOLDERS, PLEASE PROCEED TO THE ARENA. AGAIN, ALL HOLDERS, PLEASE PROCEED TO THE ARENA." Bigla niyang tinanggal ang kamay niya at tumayo.
"Aa Mackie, tara na. Pinapatawag tayo."
"Ha?"
"Tara na sa Arena."
"Aa. Oo nga. Sige, tara na." Nakakadismaya naman, ayun na ee. Chance ko na yun. Eksena pa tong announcement na to. Asar.

Sabay kami nung naglalakad papunta sa Arena ng may tumabi kay Raxelle. Pareho kaming napatingin sa kung sinong mang tumabi sa kanya at pagkakita ko, medyo kumulo ang dugo ko.

Ano namang ginagawa niya dito? Nang-aasar ba talaga siya? Tsssk. Nagmomoment kami ee tas eepal pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso kong tanung sa kanya.
"Wala lang. Masama bang sumabay?"
"Hindi naman." Katahimikan. Yan ang bumalot sa amin hanggang sa makarating kami sa Arena. Mukha ngang naiilang si Raxelle ee. Pano ba naman, parang may namamagitang kidlat sa pagitan namin ni Jed. Asar kasi.

"Guys dito." Tawag samin ni Maddison habang kumakaway. Sa unahan pala ang pwesto ng Warriors. Mukhang kanina pa sila dito aa.

Punong-puno ng Holders ang Arena. Nandito na rin ang mga Elders at mga Mentors. Mukhang sisimulan na ang Commencement para sa Trial and Error.

"Good day everyone." Si Ma'am. "We would start the Commencement of our Yearly Trial and Error here in Enchanted. As part of it, Ma'am Magnificent will tell the challenges in line with our Yearly Event."

Pagkatapos nun, isa-isa ng sinabi ni Ma'am Magnificent ang mga pagsubok at ang mga criteria nito. Habang nagsasalita si Ma'am Magnificent, maririnig mo ang iba't ibang reaksyon ng mga Holders. Pero karamihan sa kanila, Excited at natutuwa.

"So yun, narinig nyo na lahat ng Challenges and after this, pwede na kayong magregister sa mga gusto nyong salihan. Pero hindi lang announcement at commencement ang magaganap ngayon. We would like to call in front the Exceptional Learner as well as Ms. Raxelle Clarkson to award the medals of recognition as they accomplished their training as the Warriors and to give the blessings coming from the Elders. In line with this, we would like to inform you that we have the name of the warrior who will be the next Superior."

Woah. Eto na. Makikilala na namin ang maglelead samin to do our mission. Hmmm. Kahit ako walang ideya sa kung sino man ang magiging Superior samin dahil pare-pareho kaming malalakas at matitibay. Para sa akin, lahat deserving pero magkakatalo na lang sa kung anong naging desisyon ng Elders.

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now