You make me believe

That there's nothing in this world I can't be

I never know what you see

But there's somethin' in the way you look at me

The way you look at me

"The best part of me was always you..." malambing na sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo.

Nagsasayaw kami sa gitna ng isang restaurant na pinasara niya para lamang sa aming dalawa.

"Hmp...bola, ganyan naman lahat ng mga manliligaw sa una lang sweet" pangaasar ko sa kanya habang patuloy pa din naman kami sa pagsayaw.

Natawa ito ng nakakaloko, pagkatapos ay mas lalo ako nitong hinila papalapit sa kanya.

"Sa una lang sweet? Parang never naman ata akong hindi naging sweet sayo mrs. Alonzo" sita niya sa akin kaya naman napahampas ako sa kanyang braso.

"Nung una kaya ang sungit mo sa akin, tsaka palagi mo akong inaaway" pagsusumbong ko rin sa kanya.

Tinawanan ako nito bago niya ako sandaling hinalikan sa labi. "Lalo ka kasing gumaganda pagnaiinis ka" pakagat labi pang sagot nito sa akin.

"Hay naku, ewan ko sayo sir...kahit kailan abnormal ka talaga" napapailing na puna ko sa kanya.

"Hindi ako abnormal sofia...baliw ako, baliw na baliw sayo" seryosong sabi pa niyo bago niya tuluyang inangkin ang aking labi.

Pagkatapos nung gabing magkaaminan kami ni sir zach ay araw araw naming sinusubukang ibalik ang lahat sa dati. Tuloy tuloy pa din ang panliligaw sa akin ni sir zach, minsan nga ay matatawa na lamang kaming pareho lalo na pag kaharap namin si Zeus dahil para pa din kaming mga binata at dalaga kung magligawan gayong may anak na kami.

"Kamusta, lumabas na ba?" Tanong ni Christine kay justine na ngayon ay nakatapat sa kanyang laptop at tsaka nila masugid na hinihintay ang online result ng mga nakapasa.

Nagulat na nga lang ako ng magdatingan sila dito sa bahay, kaya naman kaagad na nagpahanda si sir zach ng mga pagkain sa mga kasambahay, ang mga ito nga ay hindi na nahihiyang magingay pa. Para bang magaan na ang lahat para sa amin.

"Siguradong pasado ka sofia...kaya nga andito kami oh" sabi ni glayn na para bang siguradong sigurado siya na anduon sa listahan ng mga nakapasa ang aking pangalan.

Ako naman ay kanina pa hindi mapakali. Nasa may veranda kami at tanaw ang napakalaking pool ng bahay. Halos parang tingnan ko nga lamang iyon ay para na din akong nalulunod sa sobrang kaba.

"Ito na, lumabas na..." excited pang sambit ni justine, dahil duon ay nagkumpulan ang lahat sa kanya. Halos lahat ay tutok na tutok samantalang ako ay halos maiihi na sa sobrang kaba.

"Ready na ang lunch" anunsyo pa ni sir zach na kalalabas lang sa may kitchen, karga karga din niya si zeus.

"What happend to you?" Pangaasar pang tanong nito sa akin.

"Hablo, Hernandez, Hernandez Nica,..." nagsimula ng magbasa si justine ng magkakasunod na pangalan kaya naman mas lalong bumilis ang pagnamartsa ko.

"Hey calm down..." pagpapahinahon sa akin ni sir zach tsaka niya ako hinawakan sa may braso para ipaharap sa kanya.

"Just believe in your self baby..." pagaalo pa niya bago niya ako hinalikan sa noo.

Maya maya ay napaiktad kaming pareho ng maghiyawan ang mga ito. "Hernaez, Sofia Nicole!" Sigaw ni Elayza tsaka sila sabay sabay na nagsigawan.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن