Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay ng alarm clock. Nahirapan tuloy akong dumilat dahil sa lamig at parang gusto ko pang pumikit. Pero dahil hindi humihinto ang pagtunog ng alarm clock ay pinilit kong dumilat at gumalaw pero nagulat ako ng mahirapan akong igalaw ang katawan ko.

Halos maduling ako ng makita kong sobrang lapit ng mukha hi sir zach sa akin, nakayakap din sa akin ang kanyang matipunong braso at maging ang mga binti ko ay hindi ko na maigalaw dahil sa kanya.

Nasa side niya ang alarm clock kaya naman hindi ko magawang abutin iyon. Nagdadalawang isip pa tuloy ako kung tatapikin ko siya para gisingin o ako na lang ang kusang aalis.

"Heck" mahina pero frustrated na sambit ko dahil sa hindi ko malamang gagawin ko para makaalis.

Maya maya ay nanlaki ang aking mata ng makita kong nakangisi na ito at medyo umuuga na ang kanyang balikat dahil sa pinipigilang pagtawa.

"Good morning" seryosong sabi nito habang diretsong nakatingin sa akin at dahil hindi ko na kinaya ang pagiging sobrang lapit namin at ang titig niya sa akin ay kaagad ko na siyang tinulak palayo sa akin tsaka ako mabilis na umupo at tumayo.

"Tanghali na pala" sabi ko na lang sa pagkataranta.

Sa totoo lang ay hindi naman ako sa oras natataranta kundi sa presencya ni Sir Zach. Masyadong mabilis iyon gayong parang nung isang araw lang ay magkagalit pa kami at ang tanging koneksyon lang ay ang anak naming si Zeus.

Naglalakad ako palabas ng kanyang kwarto papunta sa kwarto ni Zeus habang naglalaro sa aking isipan ang mga pwedeng dahilan kung bakit ganyan ang pakikitungo ngayon sa akin ni Sir zach.

Masakit mang isipin ay hindi ko maiwasang hindi magduda na baka dahil ganito ay para mas maging effective ang pagkukunwari namin sa harapan ni President.

"Ma'm sofia, umalis na po si Sir Zach...hindi na po siya nakapagbreakfast. Handa na po ang pagkain sa baba" sabi sa akin ng isang kasambahay pagkalabas namin ni Zeus.

Halos magiisang oras din kasi akong nagkulong sa kwarto ng aking anak. Hinintay ko kasi itong magising. Hindi ko naman inakala na ganuon kabilis aalis si sir zach siguro ay may emergency meeting sa companya? Hospital? o sa University? Kahit tuloy ako nahihirapan para sa kanya. Sa sobrang dami niyang responsibilidad.

"Mabuti na lang talaga at nakakuha tayo ng mga modules" nakangiting sabi ni marco sa akin.

Tinanguan ko siya at nginitian. "Sa Graduate school building tayo hindi ba?" Tanong niya sa akin.

Pagkatapos kong sumubo ay kaagad ko siyang nilingon at tsaka tinanguan. "Ayos lang bang dumaan muna tayo sa PJP? kukuha lang sana ako ng list of requirements sa Medicine registrar office" sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

"Oo naman, bakit? Magmemed ka na?" Nakangiting tanong ko pa dito.

Parang nahihiya pa itong napakamot sa kanyang batok. "Depende, but im still open to it" sagot niya sa akin na tinanguan ko na lamang.

Pagkatapos naming kumain ni Marco ay kaagad kaming pumunta sa may Pjp building. Tsaka ko lang naalalang ang pupuntahan pala namin ay ang mismong office ng medicine registrar kung nasaan si sir zach.

"Uhmm marco" tawag ko sa kanya bago ako mapahinto sa paglalakad mga ilang hakbang na lang kasi.

"Bakit may problema? May nakalimutan ka ba?" Tanong nito sa akin kaya naman kaagad na lumibot ang aking mga mata para maghanap ng bagay na pwede kong maging excuse sa kanya.

"Uhmm wala naman, pero sa comfort room lang ako" paalam ko sa kanya.

"Alright, sa harap ng office meron" sabi niya sabay hila ulit sa akin kaya naman wala na akong nagawa.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon