hindi niya napansin ang paglapit ko. Narinig kong kausap niya sa phone si Nav at pinipilit nitong umuwe na. nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak habang nakatingin sa dalawa.

sinundan ko ng tingin ang dalawa at nakita kong inalalayan ni Nav si Mareen. Alam ko ihahatid niya pauwe si Mareen.

"siya pa rin ba?" rinig kong tanong ni Mie.

napalingon ako sa gawi niya pero sa papalayong dalawa siya nakatingin.

napangiwi ako. yan din ang tanong ko kay Mareen kanina.

Kung si Nav pa rin ba?

"paasa ka" sabi pa niya.

gusto kong matawa dahil mukhang pareho lang kami ng nararamdam ni Mie ngayon. mas kumalma na nga lang ako ngayon. Alam ko kasi hindi naman intensyon ni Mareen ang mga sinabi niya kanina gaya ng hindi intensyon ni Nav na iwan ngayon si Mie para ihatid si Mareen.

Sabi ko nga iba ang care sa love. What Nav and Mareen feels for each other is care and nothing more than that.

"antayin! antayin mo ang mukha mo. uuwe ako mag-isa" sigaw niya sa kawalan. mukhang nagselos nga ito ng pinili ni Nav na ihatid muna si Mareen kesa sa kanya.

nang umikot siya sa gawi ko ay nagulat siya ng makita ako.

"Ian" tawag niya sakin ng makabawi siya.

ngumiti naman ako sa kanya. "uuwe ka na?" tanong ko.

tumango naman siya. nagsimula na siyang maglakad at ng lampasan niya ako ay tinawag ko siya.

"Mie"

lumingon naman siya sakin. "hatid na kita" alok ko.

Kung hinatid ni Nav ang mahal ko pauwe. ganun na rin ang gagawin ko para sa babaeng mahal niya. it's the least i could do for him. pasasalamat ko na rin sa ginawa niya kay Mareen.

"okay lang. kaya ko na" sagot niya.

"i insist. gabi na" sabi ko naman.

puno ng pag-aalinglangan ang mukha niya.

"sige na. hindi na muna ako magtatanong sa mga narinig ko kanina. just please let me drive you home" sabi ko.

pilit na ngumiti naman siya sakin bago tumango.

itinuro ko ang daan sa kaya papunta sa sasakyan ko. Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makasay rito.

"ituro mo na lang sa akin kung saan ang inyo" sabi ko sa kanya bago pina-andar ang sasakyan.

"Sa subdivision kung saan mo muntik masagasaan si Paige" sagot niya.

right! sa lahat ba naman ng sasabihin niya yun pa. pwedeng yung pangalan na lang ng subdivision ang sabihin niya pero yun pa talaga ang ginamit niyang description.

Buong byahe ay tahimik lang kami. may mga pagkakataon na napapalingon ay sa kanya pero nakikita ko siyang nakatingin lang sa may bintana.

gusto kong magtanong para malaman ang iniisip niya pero alam ko hindi pa siya handa. Hindi pa nagsisink in sa kanya ang mga nangayre.

Ang dame kong gustong malaman pero alam ko hindi pa malinaw sa kanya ang lahat. halata naman sa itsura niya ngayon na marame siyang iniisip.

sinabi ko rin na hindi ako magtatanong sa mga nangyare ngayong gabi kaya pinipilit kong tumahimik na lang din.

Nang makarating kami sa subdivison nila ay itinuro niya ang bahay nila.

"dyan na lang sa itim na gate Ian" mahina niyang sabi sakin.

UNBEARABLE DesireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora