22: Bonding Moments

243 6 0
                                    

A/N:  At last, naisipan ko ring i-update to kahit na matagal ng tapos yung draft ng story ni Stephanie.  So I hope you still enjoy this story.  Pa-vote at pa-comment na lang po. ^_______________^

___________________________________________________________________

STILL STEPHANIE's POV

Nasa library ako ngayon dahil hinahanap ko si Miguel.  Magpapatulong sana ako sa kanyang gumawa ng project ko though front lang yun.  Gusto lang talaga siyang makasama.  Hehe.  Sa pagkakatanda ko kasi, lagi siyang dumadaan dito bago siya umuwi.  Hay... asan na kaya siya?

After 30 minutes, I gave up.  Nakauwi na yata siya.  How sad. :((  Sayang naman ang pagkakataon oh.  Palabas na sana ako ng aming campus nang biglang bumuhos ang ulan.  Tsk.  Minamalas yata ako ngayon.

"Damn!  Bakit kasi ngayon pa umulan?  Wala pa naman akong dalang payong."

As if namang nagdadala ako nun.XD  Nakakainis kasi eh.  Hay... kung hihintayin kong tumila yung ulan, baka bukas pa ako ako makauwi sa'min.  Mas gugustuhin ko ng mabasa ng ulan kaysa manatili dito 'no.  Kaya napagpasyahan ko ng sugurin ang ulan.

Nakakailang hakbang na ako palayo sa aming campus nang mapansin kong hindi ako nababasa.  I looked up.  Isang kulay asul na payong pala ang pumuprotekta sa'kin.

"Masamang magpaulan."

OMG!!  Kilala ko ang boses na yun.  Nilingon ko siya.  Ang nakangiting mukha ni Miguel ang bumungad sa'kin.  Uh oh.  Ang puso ko.  >//////<  Akala ko talaga nakauwi na siya.  

"MIGUEL?!  Ah... eh... nandito ka pa pala?"

"Actually, pauwi na ako nang makita kita.  Mukhang wala kang payong so... heto.  Ihahatid na kita." ^_____^

"Naku!  Huwag na!  Nakakahiya naman sa'yo."

"It's ok.  Kapag nabasa ka ng ulan, magkakasakit ka.  Konsensya ko pa yon.  At saka, medyo malayo ang bahay niyo dito.  Wala ka namang sundo kaya hayaan mo na lang akong ihatid ka, ok?"

Tsss.  Ok na eh.  Kaso nakonsensya lang pala.  Hay...

"Um... sige.  Ikaw ang bahala."

Mukha lang akong kalmado pero deep inside, tuwang-tuwa ako.  Sobrang concerned kasi siya sa'kin, meaning, may halaga ako sa kanya.  Shocks!  Kakilig talaga.  >////////<

Nasa kalagitnaan na siguro kami papunta sa bahay ko nang lalong lumakas yung buhos nung ulan.  Pinaparusahan siguro ako.  Masyado na kaming nababasa kaya pansamantalang naghanap kami ng masisilungan.

Sa isang malapit na chapel kami pumunta.  Sa tapat ng mesa ng pari ako umupo.  Brrr.  ANg lamig.  Niyakap ko ang sarili ko upang kahit papaano ay mainitan ako.  Mayamaya'y naramdaman ko na lang na may nakabalot na sa'kin.  Yung coat pala yun ni Miguel.

"Nilalamig ka pa ba?"

"Ok na ako." sagot ko kahit nangangatog pa rin yung labi ko.

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan niya ako.  Tapos hinila niya ako palapit sa kanya.  Gosh!  Ang lapit niya sa'kin.  Kinailangan ko pang rendahan ang puso ko upang hindi masyadong magwala.

Bizarre Love Web [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon