23: Another Day in Her Life

175 5 4
                                    

A/N: 3-4 chapters to go, matatapos na rin 'to.XD

___________________________________________________________________

“Hey friend!  Hanggang ngayon ba naman, nagde-day dream ka pa rin?  Tagal na niyan ah.”

Napalingon ako kay Ysa.  She was grinning at me.  Tsk.  Another embarrassment of mine.  Pero kasi... hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari sa’kin almost two weeks ago.

*FLASHBACK*

 

I woke up with something warm enveloping my body and it was so comforting.  Pagmulat ng mga mata ko, I saw a firm chest quite exposed under a polo--- Wait!  Kaninong---?  I slowly looked up.

OMG!  It’s Miguel!  At yung something warm kanina... it was him hugging me pretty close to him.  I could even smell his intoxicating smell because of our extreme closeness.  Wah!  This is my chance.  Joke.XD

Pero in fairness, mas nakaka-inlove siya sa ganitong proximity.  At yung dibdib niya, ang sarap mag-lean doon.  Ginagawa ko na nga ngayon eh.  At ang huggable niya.  Parang ayoko ng bumitiw sa kanya.

 

“Hm... Steph?”

 

Oh my gosh!  Gising na siya!  Buti na lang at magaling akong magsinungaling kaya nagpanggap akong natutulog.  Sana lang di niya ako mahalata.

Naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.  It was such a gentle touch.  Then a warm thing touched my forehead.

 

“Good morning, Hanie.” :))

 

Kung pwede lang talagang magwala ako ngayon, kanina ko pa sana ginawa.  Kaso mahuhuli naman niya akong nagtutulug-tulugan lang.  So I steadied my breathing and tried to remain calm.  And mind you, this is like a torture for me.

 

“Hey... gising na...  Baka ma-late ka na sa klase mo.”

 

Ok lang.  Kahit nga hindi na ako pumasok eh basta kasama ka lang.  Haha.  Ang landi ko.XD

 

“Hanie...”

“Hayaan mo na muna yan, Miguel.  Mamaya pa yan babangon.”

 

Boses ni Sel yun ah.  Kailan pa siya nakauwi dito?  Ni hindi ko man lang nga narinig na bumukas yung pinto ng kwarto ko.  Don’t tell me nandito na siya bago pa ako gumising?  Then---

 

“Anyway, may breakfast na sa baba.  Si Sam ang nagluto nun kaya siguradong masarap yun.”

 

I heard the door closed.  Then, dahan-dahang inilayo niya ako sa kanya.  Aw... na-miss ko agad yung warmth niya.  Tapos, naramdaman kong umangat yung katawan ko before it touched something soft.  Nasa kama na siguro ako.

 

“Sleep tight, Hanie.  Hihintayin na lang kita sa baba.”

 

Bizarre Love Web [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon