9: Meet the Sisters

284 11 2
                                    

"Hello everyone!  I have a news for you!  May bago akong boyfriend!" wika ni Selena pagpasok niya sa living room nila.

"Ay!  Nandito ka pala Miguel.  Good evening!" bati niya kay Miguel na kasalukuyang gumagawa ng case study kasama si Sam.

"Hm... may nabiktima na naman." wika ni Steph na kapapasok lang rin sa living room.

"Oh shut up, Steph!  Iba siya sa mga naging boyfriend ko.  To prove my point, isinama ko siya rito."  Saglit siyang nawala upang tawagin ang kasama niya.

"Good evening." nakangiting bati ni Joseph pagpasok niya.  Saglit na natulala si Steph sa kanya.  Napansin naman ni Joseph sila Sam at Miguel kaya binati niya ang mga ito.  "Kayo pala, Sam, Miguel."

"Yo!" bati rin ni Miguel samantalang tumango lang si Sam bilang tanda ng pagbati.

"Kapatid mo pala si Sam..." wika ni Joseph kay Selena na na-amused sa kanyang nalaman.  Pinagmamasdan niya si Sam habang patuloy pa ring nagta-type ang huli na para bang walang tao sa paligid niya.

"Actually, sa kanya ko nalaman na hindi mo talaga birthday nung araw na yon."  Nagtatakang tiningnan ni Joseph si Sam pero abala pa rin ang huli sa kanyang ginagawang case study.  "Anyway, Steph, siya nga pala si Joseph Aragon, ang boyfriend ko."

"Ikaw pala yon... Hello!  I'm Stephanie but just call me Steph.  Congrats sa inyong dalawa!"  

Inabangan ni Selena ang magiging reaksyon ni Sam pero nabigo siya.  She still held an emotionless face at hindi na sila pinapansin nito.  Nilapitan niya ito.

"Hey Sam!  Hindi ka ba masaya para sa'min?"

"Masaya."

"Parang hindi naman." pamimilosopo ni Steph.

"Ay!  Muntik ko nang makalimutan.  Ikaw nga pala ang Stone Queen.  Sana man lang kahit ngayon lang ay magpakita ka naman ng emosyon.  Kasi kailangan ko yon."  pabulong na lang niya sinabi yung huling pangungusap niya.

"Hay naku!  Wag ka nang umasa.  Hindi siya magiging si Ate Sam kung may emosyon siya." wika ni Steph.  Tumawa ang lahat malibang syempre kay Sam.  Tumigil din naman sila kaagad.

"Um... Can I ask something?" tanong ni Joseph sa mga magkakapatid.  Tumango lang sila bilang pagsang-ayon.

"Napansin ko lang... kahit magkakapatid kayo, hindi kayo magkakamukha.  I mean, hindi halatang magkakapatid kayo.  Kung may pagkakahawig man, napakaliit nun para mapansin."

Nanahimik ang lahat.  Napatigil si Sam sa kanyang ginagawa.  Nagtinginan ang magkakapatid na tila walang gustong sumagot.  Makalipas ng ilang minuto, napabuntong-hininga na lang si Steph at napagpasiyahan niyang sagutin ang katanungan ni Joseph.

"Well... we're half sisters."  Nagulat ang dalawang lalaki sa kanyang rebelasyon pero nakabawi rin naman sila kaagad.

"That means, magkakaiba kami ng nanay.  Sam's mom died right after she gave birth to her while my mom died the week after I was born." pagpapaliwanag ni Selena.

"And my mom died in an accident when I was 2 years old." dagdag ni Steph.  Joseph gave them an apologetic look.

"I'm sorry for bringing it up.  It must have been tough for the three of you."

"It's fine with us.  Tapos na naman yon eh." wika ni Selena.  Mayamaya'y nagkaroon ng private talk ang tatlong magkakapatid while the two guys had a small conversation.

*MIGUEL's POV

Yo!  First time kong mag-POV.  Anyway, saka na lang ako magpapakilala sa inyo.  Makikilala niyo naman ako sa mga susunod na chapters.

Right now, pumunta sa kabilang kuwarto yung magkakapatid.  Private talk daw.  Mga babae nga naman.  Anyway, ipinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng case study with Seph bothering me.

"Magkasama na naman pala kayo.  Sigurado ka bang hindi mo talaga siya nililigawan?" panggugulo niya.

"Mukhang may balak kang ligawan siya ah."  Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"May girlfriend na ako."  Ang sabi niya habang pinagmamasdan ang buong paligid.  "Binigyan ko na nga kayong dalawa ng space, hindi ka pa rin kumikilos.  Ano ka ba, torpe?"

"Sira!  Sino bang nagsabi sa'yo na may balak akong ligawan siya?"

"Eh di ba, gusto mo siya?  Natural lang na ligawan mo siya."  I stopped typing and sighed.  Hay... kahit kailan talaga 'tong si Seph, 'pag inatake ng kadaldalan, hindi talaga titigil.

"Mukha namang walang pag-asa eh."

"Hindi mo pa nga sinusubukan, umaatras ka na agad.  Ang labo mo talaga!"

"Eh ikaw, bakit yung kapatid niya yung niligawan ko?"

"I have my own reasons na hindi mo pa pwedeng malaman sa ngayon."

"Then stop pestering me."  Sino kaya ang mas malabo sa'min?  Hay... maipagpatuloy na nga lang ang pagta-type.  Tumahimik na rin naman si Seph kaya naipagpatuloy ko na ang naudlot kong gawain.

*END of POV

Nasa may kusina ang tatlong magkakapatid.  Pagpasok nila roon ay binalingan kaagad ni Steph si Selena.

"Sabi mo kanina, iba siya sa mga naging boyfriend mo.  I could see that he's the most handsome among the guys you have dated.  Mukha rin siyang mabait and caring.  So... may iba pa bang dahilan?"

"Well... hindi siya napabilang sa mga so-called 'suitors' ko, kaya niyang unawain ang mga tantrums ko, napapabilis niya ang tibok ng puso ko at higit sa lahat, masaya ako kapag kasama ko siya.  You know what I mean, right?"

"Hm... good point.  Tingin mo, siya na talaga?"  Ngumiti si Selena sa kanila.

"Of course I always look up to that." she brightly said.

"...You'll get in a fight with him." biglang singit ni Sam.  Biglang napatingin silang dalawa kay Sam na kasalukuyang umiinom ng tubig, nagtataka at naguguluhan sa kanyang sinabi.

"You don't mean that, right?" medyo kinakabahang tanong ni Selena.  Sam just gave them a blank expression.  Inakbayan ni Selena si Sam, iniisip na nagbibiro lang ito sa kanyang sinabi.

"Ikaw talaga Sam... panira ka ng mood.  Kumain na nga lang tayo."  

Sumang-ayon sa kanya si Steph.  Tinawag nila yung dalawang lalaki at sabay-sabay na silang kumain.  Kinalimutan na lang ng magkakapatid ang sinabi ni Sam and they enjoyed their meal.  Marami-rami rin silang napagkwentuhan.

Bizarre Love Web [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon