"Damn it, kanina pa ako tumatawag at nagtetext sayo!"frustrated na singhal nito sa kabilang linya.

Buti na lamang at busy ang iba sa pagpreprepare ng dinner namin. Minsan lang kasi magkaroon ng free time ang mga ito kaya naman sinulit na nila.

"Sorry...nasa bag ko kasi ang cellphone ko" paumanhin ko sa kanya.

Rinig na rinig ko ang mabibigat na pagkawala ng paghinga nito sa kabilang linya.

"Where are you?" Seryosong tanong niya.

"Uhm...sa condo ni Christine" sagot ko pa.

"Text me the address, kukuhanin ko kayo diyan" pagkasabi niya nun ay kaagad niyang ibinaba ang tawag.

"Oh anong problema?" Tanong ni Grace sa akin.

"Ah, baka di na ako makasabay ng dinner susunduin na kasi kami ni Sir Zach" sagot ko sa kanya tsaka ko kaagad na kinuha si Zeus na hanggang ngayon ay naglalaro pa din.

"Ano?" Biglang singit ni Christine nakataas pa ang kilay.

"Eh kasi si Sir Zach eh..." medyo mahina kong sagot sa kanya.

"Dito ka magdidinner, isama mo na yang si Mr. Alonzo ng magkaalaman na tayo" masungit na sabi pa niya bago niya kami tinalikuran ni Grace.

Natawa si grace habang nakatingin sa akin na ngayon ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Nagbibiro lang yon, sige na isama mo na si sir zach. Marami kaming niluto" sabi pa ni grace sa akin na tinanguan ko na lamang kahit ang totoo ay di pa din ako sigurado.

Maya maya ay dumating na ang kinatatakutan ko. Nagtext na kasi itong nasa baba na siya ng condo ni Christine.

"Sige na at sunduin mo na, andito naman kamo si Sir Dion kaya hindi siya maoOut of place" sabi naman ni Justine sa akin habang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ng sabihin ko sa kanilang nandito na si sir zach.

"Ok lang ya sofia, tingnan mo nga naman oh! Dati ay hiyang hiya pa tayo kay sir zach pagdumadaan sa quadrangle, ngayon ay makakasabay pa nating magdinner" nakangiting sabi ni elyza sabay taas ng kamay para makipagapir kay glayn.

"Easy dude..." poker face na sabi ni glayn dahil mukhang hindi maramdaman ni elayza ang tensyon ko.

"Sige na sofia...behave lang kami" paninigurado ni Rea at kaagad niya akong sinamahang makalabas ng condo unit.

Sobra talaga ang kabang nararamdaman ko kahit nasa elevator pa lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Kung papayag ba siya? O baka mapahiya lang ako pag niyaya ko siya.

Tumunog ang elevator tanda na nasa parking space na ako. Pagkabukas na pagkabukas ay si sir zach kaagad ang sumalubong sa akin. Nakasandal ito sa kanyang kulay puting subaru. Kumunot kaagad ang kanyang noo pagkakita niyang magisa lamang ako.

"Si Zeus?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Lumakad muna ako papalapit sa kanya bago ako nagsalita. "Uhmm..." di pa man din ako nakapagsasalita ay nauna na ito.

"Dont talk to the floor" maawatoridad na utos nito sa akin kaya naman dahan dahan akong tumingala sa kanya.

Kaagad sumalubong sa akin ang seryoso niyang mga mata na diretsong nakatingin sa akin.

"In...iniimbitahan ka nilang magdinner sa taas, pero kung ayaw mo ok lang naman sasabihin ko na lang na..."

Hindi na ako nito pinatapos pa. Pinatunog niya lang sandali ang kanyang sasakyan bago nauna pang lumakad patungo sa elevator.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Where stories live. Discover now