Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa table ni James. Napangiti ako ng makita ulit ang picture frame doon.

Nandoon ang picture naming magkakapatid. Danie, Jerome, James and me. Napapangiti ako ng malawak tuwing nakikita ko ito.

Napadako ang tingin ko sa pile ng folders sa gilid ng table ni James. Napansin ko ang isang folder na unahan nito na may nakasulat sa gilid, de Real. Hindi ko naman alam kung bakit nagkaroon ako ng interes na buksan iyon at tignan ang nakalagay sa loob.

Dated June 2014. That was seven years ago.

Pagbukas ko ng folder ay agad na bumungad sa akin ang isang bungkos na legal papers na nakasaad ang iba't ibang salita katulad ng 'Major shareholder, Nina Nicdao, has decided to pull out her shares from de Real enterprises.'

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang petsa na nakasulat sa papeles na hawak ko. This happened the same month before Calix left for abroad.

Nilipat ko pa ang ibang pahinang kasunod non.

I haven't known. Ang pagkakaalam ko ay ang parents ni Calix ang umalis at nagtapos ng communication between sa kanila at ni mommy. Lumipad ang pamilya nila pa ibang bansa at tuluyan ng pinutol ang ugnayan sa mommy ko. Nagpaalam si Calix dahil critical ang kalagayan ng dad nya dahil sa sakit nito sa puso.

"You're interested about the past?"

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. Nandyan na pala si James. Nakangiting nakatingin sa akin.

I smiled at him too. "Medyo lang."

Nagpaalam ako kay James na basahin at intindihin din ang lahat ng nakasulat don.

Sa pagkakaunawa ko naging malaking kawalan ang nangyari sa company ng mga de Real dahil sa pag withdraw ng major shareholder nila na si mommy.

Pagkatapos kong basahin ang laman ng folder na iyon ay nagpaalam narin ako kay James na uuwi na.

It so happened na nalugi na ang company ng parents nila Calix at Kairo after ng nangyari, kaya baka iyon narin ang rason kung bakit nga umalis ang pamilya nila. O baka rin hindi iyon ang rason,masyado lang sigurong imaginative ang utak ko.

"Ayyy, buntis na palaka!"

Napalingon agad ako sa kotseng bumusina sa harapan ko. Nagbukas iyon ng bintana kayat nakita ko ang tao na nasa loob non.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Nakangiting sabi niya at lumabas ng kotse nya.

"Paolo, bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan syang palapit sa akin.

"I don't even know."

"Weh?"

Tumawa sya. "You promised me a dinner, nakalimutan mo na ba?"

Tahimik lang akong nakinig sa mga kwento sa akin ni Paolo habang nagddrive sya papunta sa isang fine dine resto na pupuntahan namin.

"Paolo... I have something to tell you." Paguumpisa ko sa kanya ng matapos nyang sabihin sa isang waiter ang orders namin. Nilingon nya naman ako at nginitian. "Yes?"

I smiled at him too.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang namamagitan sa aming dalawa ni Calix. Kung papaano ko sasabihin sa kanya na tigilan nya ang panliligaw sa akin. Sa totoo lang kaibigan ang turing ko sa kanya.

Hindi ko alam.

Clueless din ako.

"Something you want to say, angel?" Nakangiting tanong nya.

Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hindi ko alam anong una kong sasabihin.

"May problema ba?" Tanong nito, siguro napansing hindi ko masabi ang gusto kong masabi.

Meeting My Ex As My Professor [COMPLETED]Where stories live. Discover now