Butsi!

Tuwang-tuwa siya dahil nang malapitan na niya ang pagkain ay nalamang bagong luto ito at mainit-init pa. Umorder agad siya ng tatlo at walang arteng kinain ang isa noon doon sa kalsada. Ang dalawang piraso naman ng butsi ay nasa cellophane at bitbit niya. Iuuwi niya ito sa mama niya at kapatid dahil alam niyang gusto rin ng mga ito ang pagkaing iyon.

Hindi naman malaki ang baon niya para makabili ng maraming pagkain. She just makes sure she spends wisely dahil alam niyang mahirap para sa ina ang kumita ng pera. Pero hindi rin naman masama kung bumili ng pagkain gamit ang ipon paminsan-minsan. Kaya kahit minsan kada  dalawang linggo ay bumibili siya ng pwedeng ipasalubong pauwi ng bahay.

She was still finishing her food when she noticed the internet café door opened. Iniluwa noon ang isang galit na JJ.

"Muntikan na eh! Mukhang dinaya tayo!" Nanggigigil ang mukha nito. Top, Mikael and Hyun on the other hand went to him to cool him down.

"Okay lang pare. Hindi pa naman tayo out. Pwede pa rin tayo makasali sa finals." Ayon kay Hyun.

Finals? Anong finals?

Pero mukhang hindi pinapakinggan ni Montoya si Hyun at tuloy pa rin ang pagkainis nito.

In just a matter of seconds ay lumabas ang isang lalaki na sa tingin niya ay kasing edad lang nila. Mukhang motorcycle racer base sa dala-dala nitong helmet. Lumapit ito sa kina JJ at nagsalita."Paano ba 'yan? Panalo kami. Hindi niyo talaga kami matatalo."

"Aba't ang hambog mo ah!" Akmang susugod si JJ pero maagap itong napigilan ni Mikael.

"Tama na Pare. Nang-iinis lang 'yang si Pierre." Paalala ni Mikael.

Bumitiw si JJ mula sa pagkakahawak ni Mikael at hinarap ang lalaki. Sa tignin niya etudyante din ito dahil sa suot nitong uniform.

"Hoy Pierre! Huwag kang masyadong hambog. Pasasaan ba't matatalo din namin kayo." Bulyaw ni JJ.

Ang mga kalalakihang nasa likod ni Pierre ay nagsitawanan. Mukhang isang joke lang para sa mga ito ang narinig.

Umiling-iling naman si Pierre at muling nagsalita. "Hindi niyo kami matatalo, Montoya. Dahil mas magaling kami sa inyo."

"Aba't suntukan na lang kaya tayo para matapos na 'to?" Akmang lalapit pa si JJ kay Pierre nang hindi na niya mapigilan ang sarili.

"Montoya, huwag!" And in just a split of a second ay nasa gitna na siya nina Pierre at JJ.

Nagsitinginan sa kanya ang lahat ng mga lalaking nandoon. Lahat ng mga ito ay nakakunot ang noo na tila ba nagtataka sa panghihimasok niya.

"Maggie?" JJ's mouth slackens as if she's an apparition. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ha? Ah... Eh..." Maski siya ay nagulat sa ginawa. She could've just let them pero nauna na ang instinct niya. Ayaw na ayaw niya ang may nag-aaway. Lalong lalo na siguro kung kasama dito ang taong mission niya.

Nakangiting tumitig sa kanya si Pierre. "Oh! Girlfriend mo, Montoya?"

"Hindi!" She heard JJ yelled and before she knows it, natapon na sa lupa ang binili niyang butsi. Natabig ito ni JJ nang hindi sinasadya dahil halos magkatabi lang silang dalawa. Wala siyang magawa kung hindi ang panooring magpagulong-gulong sa alikabok ang pagkain. Pierre smirked. "Chill! Nagtatanong lang naman.Oh well, mabuti na rin at dumating ka miss. Kung hindi ay baka napasama na ang kaibigan mo."

"Ang yabang mo!" Singhal ni JJ na hindi pinansin ni Pierre.

Tumalikod lang ito at lumapit sa motorsiklo na naka-park sa gilid ng café. Sumakay ito roon saka sinuot ang hawak-hawak na helmet. Bago pa ito umalis ay binuksan nito ang helmet at tinawag si JJ.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Where stories live. Discover now