"Di ako sure pero siguradong magfoFocus muna ako sa baby ko" diretsahang sabi ko sa kanya.

Hindi ko nagawang tingnan siya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Hindi ako nagsisisi na ipagkalat na may anak na ako. Zeus is a gift, his mine and wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.

"Wow...may anak ka na, so...may asawa ka na din?" Parang nagaalangan pang tanong niya sa akin.

Sa puntong iyon ay tiningala ko na siya at tsaka tipid na nginitian. "Wala..." sabi ko kasama nang pagiling.

"Pero duon kami nakatira sa daddy ng baby ko".  Sabi ko pa din sa kanya. Wala akong balak magtago ng kahit na anong bagay sa ibang tao lalo na kay marco na parang may nararamdaman akong kakaiba.

Natahimik siya pagkatapos nuon. Hindi ko na lamanh din pinansin ang pananahimik ni marco pero hindi din nagtagal ay nagsalita na ulit siya.

"Sigurado cute ang baby mo noh!" Pangaasar pa niya sa akin.

Nginitian ko siya at tsaka tinanguan. "Sobrang cute naman talaga nang baby ko...mana yon sa akin eh" pagyayabang ko sa kanya.

Nginisian ako nito. "Atleast you have an inspiration...siguradong maipapasa mo ang board exam" paninigurado niya sa akin at pagpapalakas na din ng aking loob.

"Sana talaga" pagsangayon ko sa kanya.

Sabay kaming pumasok sa next class namin na wala talagang patawad dahil first meeting pa lang ay nagdiscuss na at may paQuiz pa.

"May sundo ka ba? Magcocommute? Hatid na kita..." sabi pa nito.

Malapit na din kami sa Second gate kaya naman napahinto muna ako lalo na ng makita ko ang itim na BMW ni sir Zach nakaparada sa harapan nito at ang driver niya nanakatingin na sa akin na para bang ang paglapit ko na lang ang hinihintay niya.

Mukhang nahalata ni Marco ang pagiging tahimik ko at ang pagkahinto ko kaya naman sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ko.

"Sundo mo yan?" Parang naaamaze na tanong niya sa akin.

"Uhmm...hindi, hindi ko yan sundo" mabilis na sagot konaa kanya at kaagad akong tumalikod para sa iba na lang sana dumaan ang kaso ay tinawag ako ng driver ni sir zach.

"Ma'm Sofia..." pagtawag nito sa akin at hindi pa siya nahusto dahil tumakbo pa siya papalapit sa akin.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Zach. Sumabay na daw po kayo sa amin" sabi sa akin ng driver nito.

"Ah pakisabi wag na po, kaya kong umuwi magisa" parang kinakabahan kong sabi dito dahil hindi ko siya magawang sagutin ng diretso.

Napakamot ng batok ang driver na para bang nahihirapan din siyang magdesisyon. "Naku po ma'm baka po pagalitan ako ni sir zach...kanina pa po kasi siya naghihintay sa inyo" kwento nito sa akin.

Napatingin tuloy ako sa wrist watch ko at nakita kong alasingko pa lang naman ng hapon. Minsan nga ay ginagabi na ito sa kanyang office kaya nakakapagtaka talagang uuwi na din siya ng ganitong oras at naghintay pa talaga ng matagal?

"Pero kasi marami pa akong..." hindi na natuloy ang dapat sanang palusot ko ng biglang nagsalita ang katabi kong si marco.

"Tell him that, ako na ang maghahatid kay Sofia" matapang na sabi nito at kaagad hinila ang kamay ko papunta duon mismo sa second gate kung saan nakapark ang sasakyan ni sir zach.

Gusto ko sanang magprotesta kay marco pero hindi din naman ako makapagsalita dahil hila hila niya na ako. Lalo pa akong parang naging yelo ng dumaan na kami mismo duon sa harapan ng sasakyan nito at nakikita ko pa ang bulto nito sa loob kahit heavy tinted ang kanyang bintana.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon