Speaking of her, sabi niya pupunta din siya.

Gusto ko sanang tanungin si Ian kung pupunta ang kapatid ko pero tinikom ko nalang ang bibig ko. Alam ko sa mga oras na to iniisip niya ay galit ako sa pag-imbita niya kina Armie.

Oo galit pa rin ako sa ideya na yun pero kahit gusto kong maging okay na kami ay nahihiya pa rin ako. 

Inaway ko nga kasi siya dahil dun tapos biglang ako ang hihingi ng sorry? ayoko!

Alam ko hindi na niya mababawi ang imbitasyon dahil pumayag na si Armie at mga kaibigan nito. besides friends sila ni Armie kaya natutral lang na imbitahin niya. ang kinaiinis ko lang ay alam naman niyang di kami okay nung babaeng yun ay inimbitahan pa niya.

Alam na nga niyang may silent war kami ni Navi dahil sa panliligaw niya kay Armie , tapos gagatulan pa niya.

"We're here" sabi niya.

Nakarating kami ng S Club ng hindi man lang nakakapag usapan. Hindi rin ako nakarinig ng green jokes o paglalandi sa kanya the whole ride.

Hindi naman sa namiss ko, kaya lang kapag galit ako sinusuyo niya ako. ngayon wala siyang sinasabi.

"Baby ayoko na galit ka sakin" awat niya ng bababa na ko ng sasakyan niya.

Sa loob loob ko ay napangiti ako. 

So bothered pa rin siya. Akala ko wala na lang ito sa kanya at nagsasawa na siya.

"Baba na tayo. Baka andun na sila" hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko.

Kainis na pride to! Ayaw talagang bumaba.

"Bakit ba ayaw mong isama ko sila?walang mangyayareng masama. Icecelebrate lang ang birthday ko. beside they are pregnant kaya naman wala kang dapat ipag-alala. Walang magwawala at maglalasing"

isa din yun sa kinatataas ng kilay ko. mga buntis tapos pinaunlakan ang imbitasyon ni Ian? Mas inuuna pa ang party kesa sa kapakanan ng mga anak nila. hanep na mga babae naman yun.

"I know what you're thinking baby. Hindi kami magyoyosi" nakataas pa ang kanang kamay niya

tsss! hindi naman yun ang iniisip ko eh.

"ayaw mo ba nun may kasama kang hindi iinom?"

inirapan ko lang naman siya. "you always have justifications in everything" I said.

dyan siya magaling eh. yung pagmukhaing tama lagi ang ginagawa niya kahit hindi naman.

"iniisip lang kita"

"in your face" sabi ko at tsaka bumaba na ng sasakyan.

Hindi ko na alam ang naging reaksyon niya basta nagtuloy tuloy lang ako sa pagpasok. ramdam ko rin naman ang pagsunod niya sa akin.

naging tahimik lang ako ng makarating kami sa event room. Andun na ang mag-asawang sina Yuni at Air pati na rin si Luis.

Napuno ng batian ang paligid pero hindi ko na pinapansin si Ian kahit anong panunuyo niya. Moody lang talaga ako ngayon. Effect na siguro ito ng menstruation ko. first day ko kasi ngayon.

"hoy ate ano na naman drama niyo ni Kuya? away na naman?" tanong ni Mandy na kararating lang.

"tsss!"

UNBEARABLE DesireUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum