Forty

51.7K 1K 16
                                    

"Kamusta ka naman anak? Hindi pa ba gustong lumabas ng apo ko?" Dy asked when we facetime him. This week na ang expected date ng labas ni baby Chandler. Super ready na nga ang mahal ko, ready na lahat ng pwede kong kailanganin kapag nanganak ako. He takes pointers from his mom and from my Titas.

"Hindi pa nga dad eh. Pero sumasakit na once in a while ang likuran ni Love these past few days. I talked to our OB, minor contractions lang daw."

"OB lang ni Amy hijo, hindi niyo OB. Wala ka namang vajayjay." Biro ni Tita Jam sa amin. Chance broke into a laugh, "OB namin Tita, lahat ay conjugal property." Sambit niya.

"Ano nga ba ulit ang ipapangalan niyo sa anghel niyo?" Pagiiba ni Tita Wil sa usapan. Tita Jam rolled her eyes, lagi niya kasing pinopoint out na killjoy itong si Tita Wil. Every month kasi bumibisita si Tita Wil kila dy sa US since ayaw naman nila na ako ang magbiyahe doon. Saka na lang daw kapag nailabas ko na ang unang apo ni Enrique Buendia.

"Cyrus Chandler Buendia Calderazzo po Tita." Sagot ko sabay hagod sa malaki kong tiyan. Sana hindi ako pahirapan ni Chandler. I've been walking around the park every morning habang nag-jo-jog ang asawa ko. Sabi kasi nila mas madadalian daw ang panganganak ko kapag palalakad ako.

"Aba hindi ka naman masyadong sugapang bata ka at gusto mo dalawang Cyrus ang nasa buhay mo." Biro ni Tita Wil sabay tawa. Chance laughed too, cupping my hand with his before he joined caressing my big tummy.

Nagpaalam na sila dy ng bandang alas-nuebe. Alam niyo naman sila, masyadong protective parang din si Chance. Ayaw nila na mapuyat ako kaya pinapatulog nila ako ng maaga.

Busy na si Chance sa meeting niya kinabukasan. Like he said, totoo nga yung ayaw niyang mahiwalay sa akin. Dahil kahit saan siya pumunta kailangang kasama ako. And it doesn't exclude his days on the office. Kulang na nga lang pati sa meetings niya bitbit niya ako, but I refused ano naman kasi gagawin ko doon. We hired someone to run Love Line habang buntis pa ako. Diba kasi I used to go venue to venue, wedding to wedding. He doesn't want me doing that. Kaya heto, pahinga muna ako.

I was reading the business magazine na kami ang nasa front cover. Last month kami pinaunlakan sa shoot na ito, Chance happily agreed since gusto niya daw makilala ng lahat ang babaeng mahal niya. Hindi na ako nakatanggi! Ikaw ba naman diba? Hindi ka ba kikiligin?

"Being a Daddy is the New Sexy." Nakasulat doon sa harap ng magazine with us smiling at the camera. I was sitting on a chair while Chance was behind me. Nakapatong ang kamay ko sa kamay niya na nasa balikat ko. Flaunting my perfect engagement ring to the public.

Binabasa ko ang interview namin ng biglang sumakit ang likuran ko. I shifted on my seat, baka kasi nangangalay lang dahil sa pagkakaupo ko. Pero parang mas lalong sumakit iyon. Napababa ako sa magazine na hawak ko.

"V-vena!" I shouted kahit hirap ako. I stood up, wincing because of the sharp pain on my lower back. "Vena tawagin mo si Chance!" Sigaw ko ulit pero walang Vena na pumapasok sa opisina.

Kaya kahit hirap na ako sa paglakad sinikap kong lumabas ng opisina, only to found out wala pala yung sekretarya ng asawa ko doon. Shit. Ang sakit, sakit na. Ang layo pa ng conference room damn it.

Huminto ako at napahawak sa pader dahil hingal na ako sa paglakad. Nakalimutan kong may cellphone pala ako, dapat pala tinawagan ko na lang si Chance nung nasa loob pa ako ng opisina niya. Pero it's too late for that now, nasa gitna na ako ng opisina at conference room kaya minabuti ko na lang ipagpatuloy ang paglalakad ko.

I held my lower back, tinitiis ang sakit na dulot nun. Anak teka lang ha, sunduin lang natin si daddy sa meeting niya. Tinulak ko ang pinto ng conference room, sandali namang natagil ung nagsasalita sabay lingon nilang lahat sa akin.

"M-mahal bakit?" Kabadong tanong ni Chance sabay tayo. Pero hindi ko na kailangang sumagot dahil bigla ng nabutas ang palatubigan ko. Para akong naihi. Napatitig ako sa kinatatayuan ko bago tumakbo si Chance sa tabi ko. "Tumawag kayo ng ambulansya ngayon na!" Utos niya, hindi ko nga lang alam kung kanino.

All the men in suits brought their phone out and started dialing. Maya maya may wheelchair na sa tabi ko, pinaupo ako ng asawa ko doon as I huff for some air.

"C-chance masakit na." I faintly said while I catch my breath. Parang nakakita si Chance ng multo dahil anlamig ng kamay niyang nakahawak sa akin, namumutla din siya. Hindi na rin siya nakasagot.

Ang bilis ng pangyayari, the next thing I know nasa ospital na ako. In a stretcher and my fiancé was beside me habang tinutulak nila ang stretcher papunta OR.

May itinurok na na gamot sa akin, but it doesn't lessen the pain. Parang mababali na ata spine ko sa sobrang sakit. I held at the bed covers as I scream. "Misis isang push pa." Utos sa akin nung doctor.

Tears involuntarily appeared clouding my vision as I command my muscles to push my baby out. I heard a small cry after a couple of pushes. Nakita ko ang isang sanggol na nililinisan na ng nurse. I tried reaching for our baby pero masyado atang napagod ang katawan ko so I passed out.

I woke up, hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Nasa private room na ako ng naimulat ko ang mata ko. Chance was sitting beside me, his hands intertwined with mine. Inabot ko ang buhok niya at pinasadahan yun ng suklay gamit angmga daliri ko.

He shook his head before he opened his droopy eyes. "M-mahal how are you feeling?" He asked in a raspy voice, mukhang umiyak siya dahil medj maga ang mata niya.

I traced the bags under his eyes with my fingers. "Umiyak ka." He just smiled at me, full of love. "Yeah, our son is so beautiful he made me cry." Tugon niya.

I almost cried too. He reached out for a brief kiss. "Kamukha ko si Chandler mahal. Sabi din nila mommy, daddy, kahit ni dad at nila Tita. But he has your eyes, yung mahahaba mong pilikmata nakuha niya."

"Nakita na nila mommy si Chandler?"

He nodded his head. "Yup, nagbiyahe sila rito kagabi while you are inside the operating room. Nag-pass out ka kasi, you scared me yet again. Akala ko kung napano ka na, but the doctor said exhaustion lang daw. Tapos nung inilipat na si Chandler sa nursery, I facetimed dad and the bunch." He ended his claim with a sweet smile. Hindi ko maiwasang mahawa sa ngiting iyon.

"I want to see our baby mahal. I bet he's hungry." He kissed my forehead before he set up the folded wheelchair beside my bed. Inalalayan niya akong sa paglipat ko. Bago niya itulak palabas ng kwarto ko ang wheelchair, he squat right infront of me. "Mahal, gusto ko munang mag-thank you sa iyo. You're someone I'm afraid to lose, thank you for giving me Chandler, thank you for agreeing to spend the rest of your life with me. I love you so much. I love you." He said, his eyes welling up.

Hindi ko rin maiwasang maluha, "You blackmailed me." Natatawang sagot ko. He chuckled, before he wiped my tears away. "But I love you. I want this with you. I want to experience everything with you mahal. I love you too."

Stonehearts 2: AmethystDove le storie prendono vita. Scoprilo ora