Thirty Three

41.8K 826 81
                                    

                  

I hurriedly played scenarios and lines inside my head kung paano ko ba sasabihin sa baby daddy ko na magkakaanak na kami. Gusto ko siyang hintaying umuwi sana mamayangsix, kaso hindi ko na mapigil ang bugso na excitement ko. Gustong-gusto ko na talagang sabihin sa kanya.

Ito naman ang gusto niya diba? Naalala ko nun, ilang araw pa lang ng naging kami gusto na nyang mabuntis ako para hindi na daw siya mahirapan kakasuyo kay daddy sa kamay ko. Malakas lang talaga siguro siya kay Lord at heto nga, minsang gawa lang nakabuo na agad kami.

After I tell him about our ray of sunshine, sasabihin ko na sa kanya ang patungkol sa pagpunta ko sa US. I'm still gauging his reaction inside my head as I wait for the elevator to reach his floor. Sana lang tapos na rin ang meeting niya. I need all his time para masabi ko sa kanya lahat-lahat ng kailangan kong sabihin, at napakadami nun! Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula. Maybe I'll make him choose, the good news or the bad news.

Humihimas-himas ako sa maliit ko pang tiyan hanggang sa magbukas ang double doors ng elevator after making the 'ding' sound.

I noticed that his secretary isn't on her table as I stride his floor. Mukhang tapos na nga ang meeting, great! Hindi niya naman pinapaalis si Vena hangga't hindi tapos ang mga meeting niya, pero dahil wala na siya dito, isa lang ang ibig sabihin nun.

Mas lumapad ang ngiti ko sa mukha habang nakakapit ng mahigpit sa strips ng ultrasound pictures ng anak namin. Letting myself pool up with eager enthusiasm and exicting quality with every step I take.

I stood infront of his office before I huffed some more breaths. Okay this is it! Baby are you ready? Susupresahin na natin ang daddy mo. I can't wait for his reaction.

I laggardly encroach his office door, sisilipin ko sana muna ang ginagawa niya bago ko siya bulagain. The huge beam I have in my face died when I saw who's with him inside.

The excitement decreased rapidly and is replaced by something I cannot decipher. Basta ang alam ko parang may humigpit sa puso ko. Pati baga ko hindi na maayos ang paggana. Para akong tangang nakasilip sa pintuan niya habang akap niya si Cynthia sa gitna ng malaki niyang opisina. No, it's not only him who has his arms wrapped around his doxy. Cynthia was also embracing him. They were embracing each other like there's no tomorrow.

"Don't worry about it. I got you Cynthia, don't cry. We'll get through this." I heard him say as he rests his chin on top of Cynthia's head. And that's it. I lose it.

Tuluyan na akong naiyak kasabay nun ang malakas na pagbagsak na pagsara ko sa pinto ng opisina niya. The tears become more inconsolable as I walk back to the lift.

You are so stupid Amy! Stupid! Stupid! Stupid! Naloko na! Buntis ka pa! Bakit naman kasi ako naniwala na mamahalin niya ako? He's a fuckng playboy to begin with! Kung sincere talaga ang pagmamahal niya sa iyo hindi niya sana itinago nung una palang na nagkikita na sila ni Cynthia, pero ginawa niya Amy! Nagawa niya!

Pero hindi, mas nagpakatanga ka pa! Pinatawad mo, pinakinggan mo, naniwala ka sa matatamis niyang salita. Mukha ka ngayong gaga diyan umiiyak. I wiped my tears hastily away, as I pressed the down button repeatedly. Ang tagal magbukas ng elevator. Saka ako nakarinig ng yabag ng paa, napapindot ako muli sa button ng elevator.

"L-love?"

"Ate Amy?"

Sabay nilang sabi na halatang gulat. Napalingon ako, I saw Cynthia trailing behind him. Nakakita ako ng bakas ng kaba ng napansin niyang umiiyak ako. He ran to me before trapping me in his warm embrace.

Gusto kong manlambot. Gusto kong pakinggang ang sasabihin niya. Pero tama na! Tama na ang kalokohan na ito. Hindi ko gustong matunaw sa mainit niyang yakap dahil kani-kanina lang may akap-akap siyang babae! He disgusts me!

Nagpumiglas ako sa mahigpit na pagkakapulupot ng braso niya sa akin. "G-get off me!" Sigaw ko sa kanya sabay tulak. Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas.

"T-teka lang Love. Te-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil bumaba ang tingin niya sa ultrasound strips na hawak ko. Hinablot niya iyon mula sa akin. Ripping the top part of it.

"B-buntis ka? D-daddy na ako?" He said in obvious joy and pride. I closed my eyes for a brief moment. Oo, kanina. Magiging tatay ka na - kanina, habang nagmamaneho ako papunta dito, nasa elevator ako papunta dito, naglalakad ako papunta dito.

Inagaw ko ulit yun mula sa kanya. Ako lang ang magiging magulang. Magsama kayo ng Cynthia mo. Hindi ko kayang isampal sa mukha niya ang mga masasakit na salita na tumatakbo sa isip ko. Kahit na namumuo na ang galit ko para sa kanilang dalawa, nararamdaman ko parin ang pagmamahal ko sa lalakeng ito at ang pagka-Ate ko sa babae niya.

I let them inside my life. Pinagkatiwalaan ko sila. But who am I kidding kundi sarili ko lang. They knew each other before they met me. Sila ang may history na dalawa, isa lang akong panggulo sa dapat namang maganda nilang love story. Kumirot ang puso ko.

"Mahal akin na, patingin ako. Patingin ako ng anak ko." Chance pleaded as he reached for the strips agad. Inilayo ko sa kanya. I gulped for some help and channelled my inner confidence.

"Hindi sa iyo itong dinadala ko." Malamig kong sabi sa kanya. His face cracked into something I cannot comprehend. But he composed himself automatically before he extended his hands again. This time, he is reaching for me.

Napaatras ako. Samantalang si Cynthia nakatayo pa rin kung nasaan siya kanina. Para siyang nanonood ng teleserye, at VIP seat ang nakuha niya.

"H-hindi, alam kong akin yan. Anak ko yan. Anak natin yan." His voice broke, trembling was so evident from it.

I laughed sarcastically, making my tears crawl back up to where they came from. No. Hindi ako iiyak. I won't cry infront them.

"You sure? We never did it without protection Cube." I thrust my chin up just to show how aplomb I am with my claim.

Umiling siya ng ilang ulit. I saw his eyes begin to water, my knees started to shake. Ayokong sinasaktan siya. I can't bear to hurt the man I love. Pero sa tuwing naalala koang kabalastugan na ginawa niya sa akin, the anger is easily revived.

"Kung hindi ako ang ama. Sino? Sige nga?" He challenged but I swear he was quivering. I laughed in an acerbic manner, "Si Cael." Maikling sagot ko. I saw him flinched after what I said.

"A-ate t-teka." Pero hindi na naituloy ni Cynthia ang sasabihin niya ng nilingon ko siya ng marahas.

"Andito lang ako para tapusin ang kung ano mang mayroon tayo Mr. Calderazzo. I want a complete family for my baby at gagawin ko yun, Cael and I are getting back together. Alam ko namang hindi na tayo magkakaproblema doon since you have Cynthia now."

I drew in some more breaths when the elevator made the sound again then opened. "Like what you said before, we are both mature adults responsible for our actions. I hope you are mature and adult enough Mr. Calderazzo, because I am." Sambit ko bago ako sumakay sa lift saka iyon tuluyang nagsara.

Hindi niya ako pinigilan. He just stood there motionless. Napahagulgol na ako ng nagsimula ng bumaba ang palapag ng elevator. Kahit gaano ko katagal pinagaralan ang pag-ibig, lagi parin akong natitisod. Hindi pa rin ako nagiging matagumpay sa pagsabay ko sa agos nito. Kasalanan ko naman lahat. Dahil alam kong hindi pa ako handa, isinugal ko pa rin ang natitira sa akin. Isinugal ko parin para sa isa nanamang pagkakamali.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon