Twenty Three

49.2K 1K 18
                                    

Nagising ako dahil nakikiliti ako sa hangin na dumadampi sa leeg ko. I moved, saka humigpit ang akap sa akin ni Chance. Naalala ko nga pala, dito siya natulog.


"Five more minutes." He whispered, his eyes still closed. I checked the time, 6:30 am na. Dy needs to drink his meds at 7:30, magluluto pa ako ng agahan, hahanda ko pa ang pampaligo ni dy, sisiguraduhin ko pa na iinumin niya ang mga gamot niya, then I need to dress up for work too. Ngayon may dagdag na sa listahan ko, si Chance. "You can still sleep, I just have to make breakfast." Bulong ko pabalik.


Kumunot ang noo niya habang nakapikit. "No, five more minutes in bed with you." He sternly said.


I gently caressed his gorgeous face. "Mahal iinom si dy ng gamot at 7:30. He is awake by now, kailangan ko pang ihanda ang pampaligo niya. Aasikasuhin pa kita bago ka pumasok sa trabaho."


He opened his eyes slowly, antok pa rin ang itsura nun. Mukhang hindi siya sanay magising ng maaga. He sighed, "I need my good morning kiss then." He demanded while pouting. How can I ever say no to you?


I smiled before I kissed him, sandali lang dapat yun kaso bigla niya akong inakap at hinatak pabalik sa kama. I giggled as I slapped him playfully on the chest. Natawa rin siya, he showered my face with hundred of kisses. Making it land on my cheeks, eyes, nose, forehead, everywhere.


I went down the kitchen at nakita ko si dy na nasa harap na ng T.V. He was watching early morning news already. "Goodmorning dy!" Tawag ko sa kanya.


Ngumit siya sa akin, "Ang taas naman ng energy mo ang aga-aga Love. Mukhang may nangyari kagabi." Bigla akong namula. Dy! Hindi ako komportableng sabihin sa iyo ang mga ganun bagay!


"Nagbibiro lang ako pero yang mukha mo anak napakainosente. You gave away everything. Hindi natin pwedeng kasuhan ng rape si Chance kung gusto mo ang nangyari." I was hot with embarrassment!


Saka ko narinig ang tawa ni Chance habang pababa siya ng hagdan. He heard everything. Hindi naman siya tatawa kung hindi niya narinig.

"Sabi ko nga dad, hindi siya marunong magsinungaling." Dagdag pa niya habang nagsusuot ng tshirt.


I glared at them both. Pinagkakaisahan nanaman nila ako. "Ewan ko sa inyo." Yun na lang ang nasabi ko bago ako tumakas papunta sa kusina.


My first breakfast with the two of the most important people in my life is annoying. Tinutukso lang nila ako. Nakakainis! I know I should be happy because the two of them get along so well. Pero paano naman ako magiging masaya kung lagi nila akong pinagtutulungan?


Nauna na akong naligo kay Chance after I let dy took his bath. Ngayon, dalawa na ang lalakeng kailangan kong asikasuhin sa umaga. Pero hindi naman ako nagrereklamo. I sort of like palying house with Chance.


Nakalabas siya ng banyo and I was busy ironing his clothes. "You shouldn't be doing that. Hindi naman lukot ang damit ko." Suway niya sa akin.

Stonehearts 2: AmethystWhere stories live. Discover now