Thirty Eight

50.3K 972 23
                                    

                  

Nagising ako, pass 8 na. That was about the best sleep I ever had. All cozied up with Chance's embrace. Hindi ko ba alam, hindi naman umabot ng isang linggo ang hiwalayan namin pero parang namiss ko agad ang init ng akap niya tuwing gabi. Or maybe because after the longest time, ngayon lang ako natulog sa tabi niya ng walang inaalalang problema.

I smelled food pagkalabas ko ng kwarto, agad namang kumalam ang sikmura ko. Hay, perks of being inlove with a billionaire like my Chance. He's great in the kitchen. Well, he's great kahit saang parte ng bahay.

Napahimas ako sa diyan ko na kanina pa tumutunog. Gutom ka na ba anak? Hindi nga pala kami naghapunan kagabi. "Good morning, ang busy mo naman ang aga pa." I kid. Napahinto siya sa priniprito niya. Ang paborito naming agahan dalawa, bacon.

He was wearing an apron just like the first time he was here, but this time wala siyang suot na shirt. I slipped my arms on both of his sides ng nilapitan niya ako.

"Hindi naman ako busy. Pinagluluto ko lang ng agahan ang babaeng mahal ko at ang baby ko." Sambit niya. I bit my lip to suppress the 'kilig'. Napangisi siya ng nakita niya ang reaksyon ko.

He tilted my head up before he gave me a burning kiss, suckling on my lower lip before ending it. "Wag mong kinakagat ang labi mo. Yung akin na lang." He playfully said while wiggling his eyebrows.

Napahampas ako sa kanya bago humagikgik. Natawa rin siya bago siya lumuhod para pumantay siya sa tiyan ko. Nakapulupot pa rin naman ang braso niya sa bewang ko habang nakatitig sa maliit pa naming baby.

"Hello anak. Kamusta ang tulog mo kagabi? Hindi ka naman ba nairita sa akap ni daddy?" He said, as if naman naiintindihan na siya ng baby namin.

I laughed before my tummy rumbled. Gutom na kasi talaga ako! Chancellor laughed, mukhang naaliw siya kumakalam kong tiyan bago siya tumayo at hinatak ako para maupo sa harap ng hitchen island.

Umupo siya agad sa tabi ko pagkatapos niyang ihanda lahat ng makakain. He was putting bacon on my plate ng pinigilan ko siya. "Mahal ayoko yan, mabaho." Kanina pa kasi ako naiirita sa amoy nung bacon. Dati naman paborito naming dalawa to, pero ngayon hindi ko na maatim ang amoy niya.

"Ha? Diba favourite natin ito?" He asked confused.

Tumango ako, "Oo, pero mabaho talaga siya mahal. Baka expired na."

Tumayo siya at nagtungo sa lababo kung nasaan ang supot na pinaglagyan ng bacon. He checked the dates before he turned to face me. "Mahal hindi naman. Pero sige, ano bang gusto mong kainin para maihanda ko. Kaso gutom ka na, gutom na kayo ng baby ko." He said frowning. Probably thinking what to do next.

"Okay lang. Kaya ko pa naman maghintay. Umm.. Ano, gusto ko ng egg, dalawa. Hard boiled, tapos yung makinis at maayos ang pagkakabalat. Ayoko ng may sugat o kahit na anong marka." Sagot ko. Naglulat din ako sa sobrang detailed na gusto kong pagkain.

Chance broke into a smile, bago siya lumapit at humalik sa noo ko. "Naglilihi na si mommy." He whispered, thrill evident on hi voice. "Two flawless hard-boiled egg coming right up!" He answered like a pro before summoning two organic eggs from the fridge.

We finished eating, si Chance na rin ang naghugas ng plato. Ayaw naman niyang gumagawa ako ng kahit na ano. OA nga. Minabuti ko na lang manood ng TV habang hinihintay siyang matapos sa kusina. Actually, wala akong gagawin ngayon. I thought of calling Jess para maipaalam sa kanila na hindi natuloy ang flight ko but Chance said dadaan na lang daw kami mamaya sa Love Line.

He sat beside me immediately after taking care of the dishes. Agad siyang umakap, "Mahal, I texted Cynthia pala kagabi. Sabi ko kikitain natin siya mamayang lunch." Kabadong aniya ng hindi nakatingin sa akin.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon