Thirty One

44.5K 888 14
                                    

                  

We ended up making love twice last night, it was so steamy that I forgot telling him about our baby. Nakatulog na kasi kami pagkatapos. We made up for the nights we weren't able to stay close to each other. All those kisses, hugs, touches, everything that we missed for all the days that we are fighting. Bawing-bawi lahat kagabi.

Busy na ako naghahanda ng pagkain sa mesa ng may biglang umakap sa akin mula sa likod, kasabay nun ang dampi ng maliliit na halik sa batok ko.

"Good morning sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa." Chance muttered all the while leaving small, ticklish kisses on my nape and the sides of my neck.

My shoulders moved up involunatarily as I react to his kisses. "C-chance mahal itigil mo na yan. Sumobra ka na nga kagabi." Natatawang ani ko, hindi na rin ako makagalaw dahil humigpit ang hawak niya sa tagiliran ko.

"'You' and 'too much' doesn't really make sense if you put it in one sentence. Hindi pwedeng magkasama ang dalawang salita iyon sa isang pangungusap." He replied as his kisses move to my cheeks. I playfully abrade him on his toned, stone hard abs before I managed to escape from him.

"Tama na yan, kakain pa tayo. May meeting ka pa 'diba? May kasal din akong a-attend-an kaya bilisan na natin." Utos ko sa kanya. Tinabihan naman niya ako sa hapag.

His face contorted to a frown followed by something I couldn't recognized. "K-kung ayaw mong magkita kami ni Cynthia ngayon sa trabaho gagawin ko, s-sabihin mo lang. Bibigyan na kasi siya ng share sa kompanya nila kaya hindi pwedeng hindi siya kasama sa mga meetings namin. Pero...if me meeting her would vex you I prefer sending someone else to do it for me..Sasama na lang ako sa iyo sa kasal na yan. Ayoko ng mag-away tayo ulit mahal...It was scary, you mad as hell at me.. Nakakatakot."

Napahinto ako sa paglagay ng kanin sa plato niya saka ako nagtaas ng tingin. Meeting his guarded, frightened eyes. "Ha? Chance mahal. I trust you. If you say nothing is between the two of you, then I believe you. Kaya cheer up mahal, ayoko lang talagang malate tayong dalawa sa trabaho." I answered as I gave his knee a pat.

Unti-unting lumamlam ang itsura niya, bago niya kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Mahal na mahal kita Love. Mahal na mahal."

"I love you too Chance." Then he planted a soft kiss on my forehead before he rubbed his nose unto mine.

Chance insisted that he would drop me to where the venue of the wedding was pero nagpumilit ako na hindi. Naguilty pa nga siya dahil nga nung last time na dapat susunduin niya ako hindi niya nagawa.

Actually ayaw ko talagang magpasundo dahil magpupunta ako sa OB ngayon para magpapacheck up. Gusto ko kasi kapag sasabihin ko na kay Chance sigurado na akong may laman talaga ang tiyan ko. Na may baby talaga kami. I can't just solely rely on the result of the PT Kits.

"You sure you don't want me to drive you to work or to the hospital mahal?" Muling tanong ni Chance habang nakatayo sa tabi ko. He's blocking my door kaya hindi ko maisara ang driver's seat.

"Yes, I am sure mahal. Ang hassle para sa iyo na kailangan mo pa akong idaan sa hospital tapos hihintayin mo pa ako para maihatid mo ako sa venue ng kasal."

"Wala namang hassle pagdating sa iyo Love."

"Well you do enough work driving me crazy in love with you, so I think tama na iyon. Kaya ko namang ipagmaneho ang sarili ko." I caught him smiling shyly before looking down at the ground, that made me giggle.

He sighed three times before he pulled out a familiar Purple Box on his side bag. "You are making me blush again." He whined before handing me the Pandora box.

Binuksan ko iyon. Dalawang letra na charms ang laman niya, isang C at isang A. Pero parehas na purple crystal studded. "I was going to give you that as a peace offering two days ago but we barely talked so....um..here let me put it for you."

He removed my bracelet again and slipped in my newest charms. It dangled beautifully together with the charms he gave me from before. "Chancellor and Amethyst." Bulong niya ng binalik niya ang purselas sa kamay ko.

"It's beautiful mahal."

"Beautiful? You should see yourself the way I see you. Then you'll know what's beautiful." He muttered, shying away as his cheeks turned into the charming red that I love most.

He closed the door as he stand tremulously beside my car. I rolled my windows down just to tease him. "Mahal, wala pa akong goodbye kiss." Tawag ko. He groaned because he doesn't want me seeing his irresistible blushing face.

He awkwardly leaned in before giving me a peck on my lips. I smiled triumphly before I drove away. Nakita ko ding umalis na ang sasakyan niya ng hindi pa ako nakakaabot sa kalayuan, he's going the different direction kaya hindi talaga kami pwedeng magsabay.

Kailangan ko pang dumaan sa ospital bago ako makakapunta sa kasal nina Rosa at JR. Mukhang reception na lang ang madadatnan ko, it almost 10 o' clock already. Hindi namang pupwedeng umalis ako agad kay dy.

"Good morning!" I greeted with high spirits as I pushed the door open. Maraming mata ang pumako sa akin pagkapasok ko.

"Somebody got laid last night..." Komento ni Sage na hindi nagtatanggal ng mata sa cellphone. I almost hit him with my bag, pero buti na lang walang pumansin sa kumento niya.

"Tita Jam, hindi ka nagsabi na uuwi ka." I said as I kiss my hip tita on the cheeks. Hindi ko alam na umuwi pala siya galing sa US, naabala pa namin siya.

Nilingon ko si dy at mukhang hindi maipinta ang mukha niya. He was just sitting on his bed, his back propped on a pillow while looking idly at the window.

"D-dy." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon.

"Kausapin mo yang mga tita mo. Basta sinasabi ko, hindi ako sasama hangga't hindi ko kasama ang anak ko." He hissed through his bed. Siguro kung nakakapaglakad lang siya nilayasan na niya kami.

But with his deteriorating health, weak limbs, and weak heart. I know he has to endure all the nagging his siblings fires at him.

"Buti nga at dumating si Amy, hindi na namin siya kailangang puntahan sa bahay niyo." Tita Wilma said exasperated.

"Bakit Tita? Anong mayroon?" I asked in confusion.

"Sorry that we did this behind your back. Prinocess ko na lahat ng kailangan para sa pagbiyahe niyo ng daddy niyo pabalik ng America, you're VISAs are already approved. Pwede na kayong bumiyahe kahit ngayon na." Tita Jam explained as she hands me a big brown envelope.

"P-paano mo nagawa ito Tita? Hindi ba't dapat kailangan kami sa pagproseso nito?" Tanong ko habang kinakalkal ang laman ng inabot niya sa akin.

She smiled sheepishly as she raised a peace sign in the air. ""Wag mo ng itanong Amy, mahabang kwento." Sagot niya ng medyo pasungit. "Alam ko kasing hindi mo i-po-process ang papers niyo dahil ayaw ng daddy mo. But he needs the operation ASAP, so even if I have to trick you guys into travelling abroad I have to do it. Hindi ko papanoorin ang sarili kong kapatid na nahihirapan dito kung pwede namang magawan ng paraan ang sakit niya."

Natahimik ako. I need to go abroad with daddy so he would agree to this. That means I have to leave Chance, pero sandali lang naman diba? After dy recovers uuwi na rin kami agad. Napahapo ako sa noo ko at pasimpleng pinunasan ang pawis na namumuo doon. Hindi naman ako pwedeng mamili sa kanilang dalawa ni Dy.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon