Thirty Four

44.7K 878 65
                                    

                  

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako pwedeng bumalik ng hospital, baka atekehin lang si dad. Baka naman kasi kapag umuwi ako, masundan lang ako ni Chance. I can't face him now. Wala pa akong lakas para panindigan ang mga salitang pinakain ko sa kanya kanina.

Tears cloud my eyes as drove away with my sadness. Kahit na anong bilis ng pagpapatakbo ko pakiramdam ko kinokonsumo pa rin ako ng sakit at pighati.

Then I found myself parking outside a familiar condominium. Nilabas ko ang cellphone ko, sana lang andito siya ngayon. "Amy?" Gulat na ani niya. Sinagot naman niya agad ang tawag ko.

"C-cael andito ako n-ngayon sa baba ng condo mo pwede ba akong umakyat diyan?" I asked out of desperation. I just need someone to talk to. At kailangan ko rin siyang kausapin dahil dinamay ko na siya sa gulong ito.

10 minutes later nakita ko siyang tumatakbo na palabas ng building ng condo niya. Agad naman niya akong inakap, he didn't ask anything. Basta inakap niya lang ako. So I cried harder, sobbing onto his rolled up gray long sleeves.

"Sssh. Don't cry." Pagtatahan niya habang humahagod sa buhok ko.

"Niloko niya lang ako Cael. Hindi niya ako mahal. Niloko lang nila ako ni Cynthia." Pagsusumbong ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagsusumbong sa kanya gayong niloko niya rin naman ako, basta naisip ko yun ang tamang gawin.

Umakyat kami sa unit niya, umiiyak pa rin ako at mukhang hindi ko kayang pigilan. Hindi naman na nagtanong si Cael hanggang sa natunton namin ang kwarto niya. Pagkabukas niya, may nakita akong babae na nakatayo at mukhang hinahanap siya.

She was in a knee long pencil cut skirt and a skin tone sleeveless. Napansin kong nagulat siya ng nakita niya si Cael na may kasama na ng nakabalik. "Ay shit. Sorry Era, I forgot about you. Umm this is Amy. Amy this is Era, architect siya sa firm kung saan ako nagtratrabaho. We are working on a project."

Hindi ko na gaanong makita ang mukha nung babae dahil nanlalabo nanaman ang paningin ko sa mga luha ko. "H-hi." I remorsefully said.

Tinitigan niya lang ako, before an awkward smile appeared on her pretty face. Mukhang naguguluhan siya kung paano niya ako babatiin. "Hello, nice to meet you...So I-I better go." Paalam niya agad, sabay kuha sa bag niya at alis.

Napaupo ako sa sofa at napabaon na lang ng mukha ko sa palad ko. Hindi na ba mauubos ang lintik na mga luha na ito? I felt Cael tapping my head, ng tinitigan ko siya inabutan niya ako ng maiinom. Sumalampak siya sa tabi ko.

"So how'd you know?" Tanong niya ng nakatingin sa kawalan. I looked at him, alam kong mukha na akong tanga sa harap niya. Saka ko ikwinento sa kanya ang lahat. Simula nung una palang. Kung paano kami nagkakilala ni Chance, lahat-lahat. I thought I will bore him out, pero nakinig naman siya ng mabuti.

"So buntis ka nga talaga?" Tanong niya. I nodded my head before I blew my nose on a tissue for the nth time. Kinuha ko ang bag ko at inabot sa kanya ang may punit na ultrasound strips ko.

"Bakit mo sinabi na ako ang ama niyan? What you did was stupid and reckless." Buntong hininga niya na sabi.

"Hindi ko naman ipapaako sa iyo ang responsibilidad Cael. At.. at saka wala na akong ibang naisip kanina. Gusto ko rin siyang saktan." Sagot ko sa kanya, nanlalaban sa kalungkutan na kumakain sa buong ako.

I heard him sigh again, "Amy, you know it pains me to see you like this." He uttered, looking away. Akala ko hahawakan niya ang kamay ko ng gumalaw ang kamay niya, pero ginawa niya lang iyon para hawakan ang bracelet ko na bigay ni Chance.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon