Twenty Eight

44.3K 881 13
                                    

Two weeks have passed at hindi pa rin nakakalabas ng ospital si dy. He's getting worse and worse everyday. It suffocates me whenever I see him limp on his bed. With all the wires and tubes attached to him. It was horrifying.

"Kuya ano ba kasing problema at ayaw mong magpunta ng America?!" Tita Wil's voice echoed through daddy's room. Nasa pinto pa lang ako rinig ko na ang boses niya. Pinagagalitan niya nanaman si dy.

I pushed open the door, napalingon naman sila sa akin. Ibinaba ko yung prutas na hawak ko sa mesa. "Sage, andito ka pala." Bati ko sa pinsan kong busy sa cellphone niya.

"Yeah, sira yung car ni mom so I came to drive her here. Pero for the record Ate Amy, kung alam ko lang na pagagalitan niya si Tito Riq, I would have not agreed."

Tita Wil turned her attention to us upon hearing what her son said, "Sage Kinsley Ricafrente 'wag ka ng dumagdag pa sa problema ko. Doon ka sa labas maghintay!" Bulyaw sa kanya ni Tita, he just rolled his eyes.

He kissed me on the cheek bago siya lumabas ng kwarto ni daddy. "Tita okay na po, ako na dito. Kailangan niyo ng magpahinga." Tugon ko sa kanya.

She sighed, finally her mouth resting from a marathon of nagging. "Sige, kausapin mo itong tatay mo. Hindi nakikinig sa akin, mauubos na ang laway ko, mapupudpod na dila ko ayaw pa ring pumayag." She said before she left.

Lumapit ako kay dy na kanina pang nanahimik. He lost a few pounds already. Hindi na rin kasi siya nakakakain ng maayos. Hindina rin siya nakakapagehersisyo gawa ng mga makinang nakakabit sa kanya.

I held his hand and brought it to my face, "Dy, bakit ba ayaw mong magpunta ng US? Andoon naman si Tita Jam."

"Love, a-ayoko ng pagusapan nanaman ito. Puro yan na lang ang pinagusapan namin ng Tita Wilma mo buong gabi." He answered, evidently exhausted. But I can't drop the topic. The operation needed to be done ASAP.

"Pero dy, look at you. Mas nanghihina ka sa bawat araw na lumilipas. You need the operation, ilang oras lang naman yun. Then it will take you days for the recovery saka ka pwedeng umuwi dito." Pangkukumbinsi ko sa kanya.

He closed his eyes for a brief moment, "Alam mo ang sagot kung bakit ayaw kong umalis Amethyst." His voice wa thick with seriousness. Alam kong ayaw na niyang pagusapan pa ito.

"If this is about the fear of mom appearing out of nowhere, lose it dy. Ilang taon na ang nakalipas, hindi na siya magpupunta para kunin ako."

"Hindi mo yan masasabi." He said with finality. Hindi ko na pinush na kausapin pa siya ulit dahil baka atakehin lang siya. You know how he hates talking about mommy.

Pinalitan ako ni Tito Matt ng bandang tanghali. Kailangan ko din daw kasing pumasok sa trabaho lalo na ngayon dumarami na ang mga kliyente namin. I graced a visit sa isang venue bago ko naisipang bisitahin si Chance sa opisina niya. Malapit lang din kasi iyon.

"Doctor Buendia, sa opisina na lang po kayo ni Sir Cube maghintay. Tatawagin ko lang po siya." Bati ni Vena ng nakita niya akong pumasok sa floor nila.

"Ah may meeting siya ulit?"

"Opo, sa mga Geron. Sila Ma'am Cynthia at Sir Melvin." Kasama si Cynthia sa meeting? Parang hindi nabanggit sa akin ni Chance iyon. Ang sabi niya lang yung tatay lang ni Cynthia ang kausap niya sa partnership.

Breathe in and out. No, Amy. Just remember, lesbian si Cynthia. Okay? Matagal na naglaban yun sa isipan ko hanggang sa nagbukas ang pinto ng malaking opisina ni Chance.

He's still wearing the dark suit he put on this morning. Of course, bakit ko naman iisipin na magbibihis siya? Unless may nangyari sa kanila ni Cynthia?

NO!

Amy stop with the bullcrap. Cynthia's a lesbian, and Chancellor is deeply inlove with you.

"Hey, hey. Are you alright?" I was momentarily dragged out of my deep thinking when I felt Chance's hands on my forearms. "Nakatulala ka, did something happen?"

"W-wala. Napadaan lang ako kasi nasa malapit ako." Sagot ko, looking away. I bit my tongue to prevent myself from accusing him of things.

"Are you sure? You're shaking mahal."

Tumango ako bago ako kumalas sa pagkakaakap niya sa akin. "Umm nagtext pala si Q, she said thanks fror sending the best architects and engineers you have."

But he just looked at me, muli niya akong hinawakan sa balikat, letting his hands slide down until it was laced with my fingers. "Something's bothering you. What is it?"

Umiling ako, "Wala naman. Sige na. I need to get going. See you at home." Pipigilan pa niya sana ako pero mabilis naman akong nakaalis sa harap niya.

I still don't get it why I am this jealous of Cynthia? Ang daming kabullshit-an ang pumasok sa isip ko. What if they are just playing around?

What if I am the one making a fool out of myself? Paano kung hindi naman talaga lesbian si Cynthia at pinaglalaruan lang nila akong dalawa? Pero para sa anong rason? O baka naman nagsawa na sa akin itong si Chance pero hindi niya lang masabi dahil nasa ospital pa si daddy? Dahil ayaw niya lang dumagdag pa sa pasakit ko?

Come to think of it, it has been days since we last did it. At alam niyo naman yang si Chancellor, his hormones are out of control. But ever since nagsimula ang partnership na yan, lagi siyang pagod. He still kissed me goodnight pero hindi na tulad ng dati na halos hindi niya ako patulugin. Hindi naman sa hinahanap-hanap ko, but still, I am afraid of the changes Chancellor makes.

Dumaan ako sa Mercury para bumili ng Lays. Bigla kasi akong nag-crave ng maalat. Nagtitingin pa ako ng ibang mabibili ng bigla may nakabangga sa aking babae.

"Sorry miss." Sabi ko sabay tulong sa kanya magpulot ng mga hawak niyang nagkandalaglag.

Nginitian niya lang ako, I smiled back at her. Pero unti unting nawala ang ngiting iyon ng inabot ko sa kanya ang pinakahuling nadampot ko. Pregnancy kit.

Stonehearts 2: AmethystTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon